CHAPTER EIGHT-

2.1K 19 8
                                    

GABRIEL'S POV

FLASHBACK

"Saan ka pupunta Erika?"tanong ko sa kanya habang naabutan ko syang nagiimpake.

"Hindi mo sinabi sakin na naaksidente si Raphael...Uuwi ako ng Pililipinas hindi ko kaya Gabriel..Hindi ko kayang mawala sya sa buhay ko."tugon nito na nanginginig ang tono ng boses..

"Dahil ito ang gusto mo diba?Makalimot hayaan din si Raphael na malimutan ka...Ang magsimula ng bagong buhay at kalimutan ang masasakit na nakaraan"

"Akala ko nga kaya ko Gab pero si Raphael ang buhay ko..Hindi ko kaya na nahihirapan sya lalo na ngayon na alam ko higit sa lahat ay kailangan nya ako"sabi nya at tsaka humarap sakin..

"Sasama ako Erika kaya nga ako pumunta dito dahil sayo para alalayan ka kaya wala ng silbi kung mananatili pa ako dito"-ako..Nagpasalamat sya at nagyakapan na kaming dalawa hindi ko alam kung hanggang saan ko titiisin ang sakit na kahit anong gawin ko ay hindi ko mapapantayan ang pagmamahal nya kay Raphael at kung ano man ang desisyon nya ngayon na bumalik sa Pilipinas alam kong hindi ko na sya mapipigilan iisa lang naman ang gusto ko ang makitang masaya si Erika kaya handa akong tiisin ang lahat para lang sa kanya na kung ngayon ay handa na nyang ipaglaban ang pagmamahal nya sa kapatid ko wala na akong magagawa pa kundi ang tangapin yun iisa lang ang pinapangako ko kahit hindi nya ako kayang mahalin hindi ako titigil na mahalin sya yun lang sapat na para sakin.

At wala na kaming inaksayang oras kinabukasan ay bumiyahe na kaming pabalik ng Pilipinas at dumeretso sa hospital kung saan naka confine si Raphael halatang halata ko ang kagustuhan ni Erika na makita si Raphael na halos patakbo na kaming naglalakad patungo sa kwarto kung saan ito nagstastay ang sabi sakin ng mama noong isang araw ay comatose pa rin ito kaya alam ko na masakit sa part ni Erika kung makikita nya si Raphael sa ganung kalagayan pero alam ko wala ng makakapigil sa kanya at heto na nga kami ilang hakbang na lang ay nasa kwarto na ni Raphael..

Bahagyang nakabukas ang pinto kaya nakita namin ang papa at mama sa loob papasok na sana kami ng narinig namin si Raphael na hinahanap si Erika pero bago pa kami makapasok ay narinig na namin na sinabi ng papa ng magkasama kaming dalawa ni Erika sa States na hindi man lang namin nagawang isaalang alang ang sitwasyon ni Raphael galit na galit ang papa habang binibitawan ang mga salitang yun...

"Erika...Bumalik na lang tayo sa susunod na araw at tsaka tayo magpaliwanag kay Raphael...wag muna ngayon..medyo magulo pa ang sitwasyon pag medyo kalmado na ang lahat naniniwala ako na magiging ok din ang lahat at alam ko na papaniwalaan ka ni Raphael higit sa lahat.

Hindi na sya tumugon pero nagulat na lamang ako ng tumakbo sya ng mabilis palayo hindi na nga nya ako hinintay hinabol ko sya pero mabilis syang nakasakay ng taxi..Siguro nga time lang ang kailangan nya sa ngayon...Time para makapagisip...Kaya hinayaan ko na sya sa ngayon......

Pero lumipas ang araw lumipas ang linggo.....Hindi na sya nagparamdam hindi na sya nagpakita...At ang kanyang mga magulang wala ring alam kung nasaan sya...Walang nakakaalam kung nasaan si ERIKA....Hindi ako tumigil na hanapin sya bumalik ako sa Macau pero bigo akong makita sya....Hanggang sa isang araw may nakapagsabi sakin kung nasaan si ERIKA.......Nasa hospital ito sa Cebu....kaya nagmadali akong pumunta sa probinsya tinawagan ko na rin ang mga magulang nya.....

Nagulat na lamang kami sa nakita namin....Nakabenda ang mukha nya.....

"Biktima po sya ng pagsabog ng bus nung dalawang linggo na ang nakakaraan naging masyado malaki ang damage ng nasabing insidente sa kanyang mukha na halos ikinasira nito....Kaya ngayon ay kailangan po syang sumailalim sa plastic surgery para maiayos ang lahat sa dati pero hindi ko maipapangako na maibabalik ko sa eksaktong mukha ang pasyente dahil sobrang nasunog na ang kanyang mukha at halos nalapnos na rin ang ikalawang layer ng skin tissue nito"

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon