CHAPTER SIXTYTHREE-

849 13 2
                                    

N/A Excited lang sa paguupdate dahil sa pagbabalik ni Cassandra mula sa pagkakahimlay alam ko naman na namiss nyo rin ang presence nya..

Malapit na rin naman magending ang story na ito eh target ko hanggang chapter 70 then tapos na..

Please support yung isa ko pang story ASHLLOYD naman yun...

_________________

CASSANDRA's POV

 Kitang kita ko ang takot sa mga mata ni Erika noong makita nya ako na nilapitan ko ang anak nya kanina sa mall...I must say na tama na ang limang taon na pinaramdam ko sa kanila kung paano ang maging masaya like ng sinabi ko babalik ako sa buhay nila sa mga panahon na talagang hindi nila inaasahan...At sa loob ng limang taon na plano ko na ang lahat kung paano sila sisirain..Paano ko gagawing miserable ang buhay nila...At ako ang anay na unting unting wawasak sa pagsasama nila and this time sisiguraduhin ko na ikakaguho ng mundo nila ang gagawin kong pasira sa kanila.

 Limang taon din ako namalagi sa Seoul nabuhay na parang normal nagtrabaho hanggang sa nakilala ko si Henry ang pinakasuccessful business tycoon sa Korea  ng magtrabaho ako sa kumpanyang pagmamayari sa nya hanggang sa yayain nya akong pakasalan sya naging sobrang bait sakin ni Henry pero alam ko sa loob ko na kaya ako pumayag na pakasalan nya ako dahil sa kailangan ko sya kailangan ko ang kapangyarihan at pera nya para tapatan ang yaman ng mga Esquivel hanggang sa binawian sya ng buhay halos dalawang taon pa lang kami nagpapakasal dahil sa sakit na cancer kaya ang lahat ng ari arian at kabuhayan nya ay sakin lahat iniwan dahil wala naman syang anak at ayon sa batas ay ako ang legal na may karapatan sa lahat ng kanyang kayamanan...Ngayon nagbalik ako sa Manila at alam ko sa sarili ko na hindi na ako mahihirapan pang maghiganti lalo nat kaya ko ng tapatan ang yaman ng mga Esquivel.

At ngayon isa na ako sa mga shareholders ng EGOC dahil ako lang naman  ang nakabili ng multi milyong shares of stocks ni Mr. Castillo at alam ko na sya ang pangalawa sa may hawak na pinakamalaking shares of stocks ng kumpanya swerte pa rin ako at talagang umaayon sakin ang kapalaran ngayon ay makakapasok na ako sa EGOC na bilang part ng board..At sa susunod na linggo na ako ipepresent sa lahat ng board of directors kapalit ni Mr.Castillo..

Sa loob din halos limang taon lihim kong pinamanmanan sina Erika at Raphael ang bawat kilos ang bawat galaw nila hindi ito nakalagpas sa kaalaman ko..

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon