CHAPTER SIXTY-In our special day

917 16 10
                                    

ERIKA'S POV

"Napaka ganda mong bride anak"nakangiting sabi ng mama ng matapos na akong ayusan at ngayon ay suot ko na ang aking wedding gown..

(CLICK SA SIDE TO SEE HER WEDDING GOWN---->

Nahahalata ko sa boses ng mama na gusto na nitong umiyak pero pinipigilan lang nito kaya lumapit ako at tsaka niyakap ko sya ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita Mom at nagpapasalamat ako dahil kasama kita sa pinaka masayang bahagi ng buhay ko"bulong ko habang yakap yakap ko sya.

"Oh baka magkaiyakan pa tayo dito anak masisira yang make up mo"pilit pinagaan ng mommy amg sitwasyon dahil nga baka magkaiyakan pa kami dito.

"Mommy talaga.."

"O sya sya mauna na ako sa sa baba huh at ang daddy mo naghihintay na rin sa baba kung ready ka na bumaba ka na rin huh"paalam ng mommy.

"This is your day Erika Buenvenidez soon Mrs.Erika Esquivel"sabi ko pa habang nakatingin ako sa tapat ng salamin.

"Ready na po Mam?"tanong sakin ng hair ang make up artist na nagayos sakin.

Tumungo lang ako at ngumiti at pagbaba ko ay naghihintay na sakin ang mommy at daddy bakit hindi ko mapigilang maluha kahit anong pigil ko kusa itong tumutulo..

Yumakap sakin ang daddy ng pagbaba ko gayon din ang mom pagkatapos ay sumukbit ako sa braso ng daddy habang naglalakad papuntang bridal car.

"Oh Dad...Why are you staring at me?"tanong ko ng mapansin kong nakatitig sakin ang Daddy.

"I can't believe na ikakasal na ang prinsesa namin talagang napakabilis ng panahon ngayon magsisimula ka ng bumuo ng sarili mong pamilya"tugon ni dad.

"Dad ako pa rin ang little princess nyo ng mama hindi po yun magbabago at alam ko naman na kahit bumuo ako ng sarili kong pamilya with Raphael nandyan parin kayo ng mama para sakin"

"Oo naman hija...ako ang magaalaga ng magiging mga apo ko"sabad ni mom.

"Syempre tutulungan ko ang mommy mo magalaga.."

Walang pagsidlan ang kaligayahan ko sa mga pangyayaring ito ng buhay ko ngayon na buo na ang pamilya ko sa napakaraming pagsubok na pinagdaanan nina mom at dad sa dulo sila pa rin at ako na ngayon pa lang magsisimulang bumuo ng pamilya kasama si Raphael siguro wala na akong hihilingin pa.

Mabilis naman kaming nakarating sa simbahan at kaagad naman kinatok ng wedding coordinator ang bintana ng kotse.

"Good Morning po.Ms.Erika"nakangiting bati nito.

"Good morning din..."tugon ko.

"Almost ready na po nakaline na po yung entourage.Si Sir Raphael po nandyan na po"

Napangiti ako ng marinig mula sa WC na nandyan na si Raphael bakit may doubt ba ako na hindi nya ako sisiputin sa araw ng kasal namin hindi ko alam kung bakit may kaba pa rin akong nararamdaman hanggang sa ngayon yung feeling na hindi pa rin ako kampante.

"Ready na rin po ba kayo Miss Erika?"

"Ready na ako."sagot ko ang puso ko parang gustong humiwalay sa katawan ko halo halong emosyon ang nararamdaman ko hindi ko na nga madescribe kung ano ano.

"Sige po mam wait lang po huh sabihan ko lang yung assistant ko na umpisahan na ang bridal entourage then pwede na po kayong bumaba"paalam ng Wedding coordinator.

Hinawakan ng mom ang kamay ko feeling ko nararamdaman nya na talagang hindi ako mapakali...

"Erika anak,,,this is your special day just relax and make the best out of it kasi mukha kang kinakabahan eh.."

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon