GABRIEL'S POV
Dito na rin ako nagstay sa isa sa mga rooms ng hotel mahirapbkasing bumiyahe papuntang Batangas to Manila at dito naman talaga sa branch na ito ako nakatututok pero kapag pasukan na siguro wala bibisita na lang ako dito gusto rin naman kasi mabigyan ng time ang CULINARY SCHOOL ng mama sya nga ang nakiusap sakin na pamahalaan ang school nya na may tatlong branch isa dito sa Batangas..Manila at Cavite..Hindi ko nga alam kung paano ihahandle ang lahat ng ito siguro kailangan ko na ring magbitiw bilang VP ng hotel and resorts ng Dad....
Nagtataka nga ako kung bat ako inaappoint ng dad para maging VP ng isa sa kanyang negosyo samantalang dati itakwil na nya ako bilang anak...At kahit konti wala syang tiwala sakin kung ano man ang dahilan nya ayoko ng alamin isa lang naman kasi ang hinangad ko buong buhay ko ang pagkatiwalaan ng papa gaya ng pagtitiwala nya kay RAPHAEL alam ko hindi ko kayang pantayan ang mga achievements ni Raphael pero kaya ko rin naman siguro na minsan isang araw ay maipagmamalaki ako ni MENANDRO ESQUIVEL...
"Sir...meron daw pong emergency meeting si Sir Menandro..Pinapapunta nya po kayo sa office nito..."ani ni Sandra ang aking secretary..
Sa totoo lang hindi ako komportable na makaharap si RAPHAEL after all this years pero maliit lang naman ang mundong iniikutan naming dalawa at minsan isang araw ay magkakabanga rin kami..Kaya kailangan na kaming magharap handa man ako o hindi.
Naglalakad na ako papunta sa office ng papa ng hindi sinasadya ay nagawi ang tingin ko sa bandang cafeteria ng hotel na kung saan ay niyaya kong magkape si Ynah may gumuhit na ngiti sa aking labi alam kong hindi yun ang huling beses namagkikita kami.
Huminga muna ako ng malalim bago buksan ang pintuan ng opisina ng papa..At diito ay naabutan ko na si Raphael sa upuan na nasa harapan ng desk nito...May dalawang upuan na magkaharap isa sa kanan at isa sa kaliwa at sa bandang kanan nakaupo si RAPHAEL...Alam kong alam na nya na pumasok na ako sa loob ng opisina pero abala ito sa kanyang cellphone na may ka text o ewan basta panay ang pindot nya sa screen nito.
Oo parang hangin lang ang turingan namin ni RAPHAEL walang gustong magsalita walang gustong umimik......At ang papa na ang bumasag ng katahimikan...
"Wala ba talagang magsasalita sa inyong dalawa,,,,hanggang ngayon ba nagpapataasan pa rin kayo ng pride dahil sa isang walang kwentang babae na pareho lang naman kayong ginamit at bandang huli ay itinapon lang na parang basura..."ani ni Papa ng tumayo na ito sa kanyang swivel chair at kitang kita sa itsura nito ang pagkadismaya.
Nagpantig ang tenga ko ng sa sinabi ng papa na walang kwentang babae na alam ko na si ERIKA ang tinutukoy nito...Anong karapatan nyang magsalita ng ganun laban kay ERIKA eh wala naman syang alam.....Wala silang alam lahat...
"Ikaw Raphael hanggang ngayon pa ba bilango ka pa rin ng sakit ng nakaraan huh? Hanggang kailan mo ikukulong dyan sa puso mo ang sugat dulot nito."
"PA..Matagal na pong wala sakin yun...."sabi ni Raphael na kahit anong tago nya nababakas parin sa itsura nya ang sakit...Alam kong sinasabi nya lang ito para tumigil na ang papa sa kakaungkat ng nakaraan....
"Oh ano pang problema mo,? Bakit hindi pa kayo magkasundo lalo nat one week from now ay magreretire na ako at iiwanan ko na sa inyo ang pamamahala sa lahat ng aking negosyo.."
Nagulat kami sa nasambit ng papa tungkol sa kanyang pagreretire kapwa kaming napatingin sa kanya.....Alam kong iisa lang ang nasa isip namin ni GABRIEL dahil we both know na two years from now pa magreretire ang papa bat bigla biglaan naman na sa isang linggo na kaagad.
"Nagtataka ba kayo kung bakit....pwes..almost half of my life ay inilaan ko na sa pagpapalago ng negosyo natin pinilit kong abutin ang pinakamataas hanggang sa makarating ako sa rurok ng tagumpay kaya sa konting itatagal ko sa mundo kahit paano naman ma enjoy ko ang katas ng pinagsikapan ko....At alam ko may dalawa akong anak na sigurado ako na hindi hindi pababayaan ang negosyo na pinaghirapan ko.....Tama ba ako?"
BINABASA MO ANG
FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)
FanfictionPaano kung lahat ng inaakala mo totoo?Lahat ng ipinapakita sayo ay tunay naniwala ka sa lahat ng sinasabi nya dahil nga nabulag ka na sa pagmamahal mo sa kanya..paano kung isang araw nalaman mo na lang na ginawa ka nyang panakip butas?Dahil hindi pa...