CHAPTER SIXTEEN-

1.5K 16 7
                                    

RAPHAEL'S POV

"Stop Gabriel!!!Hindi ko alam kung anong pumasok dyan sa utak mo to the extent na gumawa ka ng ganyang kuwento...."inawat ko na sya magsalita dahil hindi na kaya ng puso ko ihandle ang susunod pa nyang sasabihin...

"Bakit hindi mo matangap? na all this time wala kang pinaniwalaan kundi ang sarili mo wala kaya ngayon mahirap sayo paniwalain ang sinasabi ng ibang tao...It's up to you Raphael kung hindi ka maniniwala sakin at kung hanggang ngayon isisiksik mo pa rin dyan sa utak mo na ikaw ang kawawa dito..Kung gusto mo ikaw mismo ang umalam ng totoo para mapatunayan ko na totoo ang sinasabi ko...Tanungin mo si Aling Josie o ang papa"

Hindi na ako tumugon iniwan ko si Gabriel.....dumeretso ako sa kwarto at dito ay pinakawalan ko ang kanina pang namumuong galit sa puso ko....Galit ako sa sarili ko..galit ako sa sitwasyon....

"Aahhhhhhhhh!!!!"sigaw ko sabay bato ng flower base na nakapatong sa side table ko.....pinipilit kong iwaksi sa isip ko na totoo ang lahat ng sinabi ni Gabriel pero may bahagi ng puso ko na naniniwala na si Karina at Erika at iisa...Paano naging ganito mapaglaro ang tadhana....hindi ko alam dahil sa ngayon pakiramdam ko biglang namanhid ang puso ko.

Nabigla na lang ako ng magring ang phone ko at ang number ni Karina ang nagregister pinilit kong maging normal dahil hanggat hindi ko pa napapatunayan na sya nga si Erika sya pa rin si Karina na minamahal ko...

"Hello..Raphael?"-Karina.

"Oh napatawag ka..."-ako

"Gusto ko lang kamustahin ka...nagabot ba kayo ni Gab?Nasabi mo na ba sa kanya na alam mo na?"-sya

Hindi kaagad ako nakasagot pilit kong pinipigilan ang aking emosyon dahil alam ko konti na lang ay tutulo na ang luha sa aking mga mata ng magbalik sa alaala ko ang confrontation namin ni Gab kanina.

"Raphael...ok ka lang?" Sabi nya ng mapansin na hindi kaagad ako nakasagot.

"Yeah Im okay....Hindi kami nagabot ni Gabriel wala sya dito sa bahay"tugon ko na sana hindi nya nahalata ang pangangatal ng boses ko dahil hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng aking luha.

"Babe....Okay ka lang bat ganyan ang boses mo? May problema ba?"

Napapikit ako nahalata nga ni Karina ang pagiiba ng boses ko kaya sya nagtanong ng ganun....

"Babe....Bukas na lang tayo magusap huh medyo pagod na rin kasi ako eh...."sabi ko na lang kesa tuluyan pa akong sumabog at hindi ko na mapigilan..

"Ok....Basta kung ano man ang problema nandito lang ako mahal na mahal kita Raphael Esquivel...."sya.

"Bye Karina"yun lang ay pinindot ko na ang end button ng phone ko at deredeeretso na ang pagtulo ng luha saking mga mata.....Hindi ko kaya....hindi ko kayang tangapin na iisa lang sina Karina at Erika....At gagawa ako ng paraan para malaman ang totoo at i prove na nagsisinungaling lang si Gabriel.

"Pa...pwede ba kitang makausap?"sabi ko ng sadyain ko sya sa kanyang opisina.

"Sure hijo..maupo ka..."tugon nito.

"Pa...Gusto ko lang po malaman kung totoo yung sinasabi ni Gabriel na hindi totoong magkasama sila ni Erika sa States...."

"Babalikan na naman ba natin yan huh Raphael...Akala ko ba mahal mo na si Karina bakit hanggang ngayon si Erika pa rin.."

"Sagutin nyo lang ang tanong ko Pa....gusto ko lang malaman please"pagmamakawa ko sa kanya..

"Yung araw na magkamalay ka at hinanap mo si Erika pinalabas ko lang na magkasama sila ng kapatid mo sa Amerika dahil ang gusto ko ay burahin mo na dyan sa buhay mo si Erika dahil hindi ang katulad nya ang nararapat sayo dahil isa syang kahihiyan kaya siguro sya umalis dahil wala na syang mukhang ihaharap sayo.."

"Wala aking pakealam kung ano man ang nangyari kay Erika pero sana hindi nyo pinanghimasukan ang buhay ko dapat hindi kayo nagsalita namagkasama sina Erika at Gabriel sa States para lang sirain si Erika sakin...Sinabi na sakin ang lahat lahat ni Gabriel na kahit kailan hindi sila nagkasama ni Erika sa States at hindi sila nagkaroon ng relasyon nito"

"Alam ko Raphael dahil tinangka kang kausapin ni Erika pero naharangan ko sya sinabi ko n a layuan ka nya dahil hindi ang katulad nya ang babae na para sayo na puro kahihiyan lang ang magiging dulot nya sa buhay mo na mas marami pang babae ang mas deserving para sa isang Raphael Esquivel hindi ang tulad nyang isang raped victim.....Pinarealized ko sa kanya na kung talagang mahal ka nya ay lalayo sya at iiwan ka nya at kung ipagpipilitan pa nya ang sarili nya sayo itatakwil kita bilang anak."

Halos madikit ang dalawang bagang ko sa galit gusto kong sugudin ang papa at iparamdam sa kanya ang lahat ng galit na nararamdaman ng puso ko kaya lumayo si Erika dahil sa pangiinsulto at pagbabanta nya kaya ito naaksidente at nawalan ng alaala....

"How could you do this to me??Aanong karapatan nyo na insultuhin ang babaeng pinakamamahal ko?Hindi ko man lang nagawang protektahan hindi ko man lang sya nagawang ipaglaban dahil pinaniwala nyo ako sa kasinungalingan nyo na niloko ako ni Erika at Gabriel na dapat ako ang nasa tabi nya ng mga panahon na sobrang baba ng tingin nya sa sarili nya na dapat ako ang ngboast ng moral nya noong oras na pati sarili nya pinandidirihan na nya pero hindi nyo ako hinayaang gawin yun dahil dyan sa punyetang pansarili nyong interes"punong puno ng galit kong sabi habang nararamdaman kong tumutulo na ang luha ko....

"Alam ko napakalaki ng kasalanan ko sayo Raphael....."

"Hindi lang sakin Papa.....pati kay Gabriel at higit sa lahat kay Karina.....dahil ngayon ko lang napatunayan na totoo ang sinasabi ni Gabriel na si Erika at Karina ay iisa...."

Nakita ko ang pagtataka sa mukha ng papa alam kong hindi nya ito inaasahan....

"Oo papa si Erika na halos yapakan nyo ang pagkatao ay si Karina.....At alam nyo ba kung sino ang nagsabi sakin si Gabriel....dahil hindi totoo ang pinalabas nya satin na nasa Amerika sya sa loob ng dalawang taon dahil nasa Cebu lang sya all this time....."at doon ay ikinuwento ko na kay Papa ang lahat ng sinabi ni Gabriel sakin.....

"No.....imposible yan.....matagal ng wala si Erika sa buhay natin hinayaan ka na nya pinakawalan kaya nga sya lumayo at hindi na nagparamdam dahil naisip nyang tama ako...kaya imposible yang sinasabi mo"

"Anong imposible Pa....naaksidente si Erika papuntang Cebu dahil sinabihan nyo syang lumayo at iwanan na ako halos ikamatay nya ito pero nakaligtas sya nagkaroon ng bagong katauhan bilang Karina na hanggang ngayon ay walang alam sa kanyang nakaraan na nabubuhay sa pagaakala na sya nga si Karina de Asis....Anong imposible dun ?Anong hindi malinaw dun? Yung sinabi sakin ni Gabriel hindi rin ako makapaniwala kaya ang sabi nya alamin ko sa inyo pero hindi ko akalain na kayo pala ang puno't ugat ng lahat ng nangyari saming lahat.....Pa....Paano kung isang araw bumalik ang alaala ni Erika?Sa tingin nyo paano nya matatangap na ang lahat? "

"Patawarin mo ako anak....."

"Hindi ko alam kung anong nagawa ko para gawin nyo sakin ang lahat ng ito Pa...simula pagkabata hindi ko kayo sinuway hindi ko kayo binigo lahat ng sabihin nyo sinusunod ko pero bakit pati ang pagkakataon na makasama ko ang babaeng minamahal ko ipinagkait nyo pa sakin....."

"Dahil iniisip ko lang ang kapakanan mo Raphael ...."

"Kapakanan ko o kapakanan nyo wag na nga tayong maglokohan sa mga panahong ito nakakapagod na eh...nakakasawa na nagpabulag na ako sa kasinungalingan nyo ayoko na magpabulag ulit...."

Yun lang ay lumabas na ako sa opisina ng papa halo halong emosyon ang nararamdaman ko hindi ko nga alam kung saan ako dadalhin nito..hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat matapos ko malaman ang totoo....Bigla kong naisip si Gabriel alam kong hindi pa nito alam ang lahat na ang papa ang may kagagawan kung bakit lumayo si Erika na naging sanhi kung bakit ito naaksidente....Alam ko na magiging mahirap din sa kanya ang lahat....

____________

"

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon