CHAPTER EIGHTYTWO

638 6 2
                                    

RAPHAEL'S POV

Hindi ko na napigilan pa si Erika na lumabas ng kwarto...Alam ko sa sarili ko napasama ko ang loob nya pero ang higit kong ikinababahala ay yung sinabi nya sakin tungkol kay Athena...

Nasabi nga sakin ng imbestigador na may sakit ang nanay nito pero hindi ko naman alam na ganun na pala ito kalala..

Lumabas ako ng kwarto ...

Hindi naman ako pwedeng magmataas kay Erika kaya sinundan ko sya...

Naabutan ko sya sa may veranda...

"I'm sorry.."sabi ko habang nakatalikod sya..

Nilingon nya ako at tiningnan....

Naglakad ako palapit sa kanya..

"Hindi lang naman kasi kita maintindihan Raphael.."sabi nya..

Kahit gustong gusto ko na sabihin sa kanya ang totoo bakit parang may kung anong bagay ang pumipigil sakin...Bakit wala akong lakas ng loob aminin kay Erika ang lahat....

"Ayoko lang naman mainvolve ka sa mga ganyang sitwasyon...Maraming tao sa mundo ngayon ang mapagsamantala at abusado.."

"Raphael...I know my limitations...Hindi naman ako ganun katanga para hindi maramdaman kung inaabuso na ako ng tao...Alam mo kung nakita mo lang si Athena kanina na nagiisa sya na nararamdaman ko na parang sinadya ng pagkakataon na mapunta ako doon para may kadamay sya...I don't know Raphael na bakit may nagsasabi sakin na kailangan ako ng tao sa mga oras na ito ng buhay nya"

"Ikaw ang bahala....Mukhang hindi naman na kita mapipigilan eh"

Kilala ko si Erika....kung ano man ang nagiging desisyon nito hindi mo na pwedeng pigilan pa...Hindi ko rin kilala si Athena pero iisa lang ang sigurado ako na malaki ang kaugnayan nya kay Cassandra at kailangan ko ng makukuha ng pruweba para patunayan ito...Kailangan na mismo mangaling kay Athena ang lahat....

Kinagabihan...

Araw na ng trade launch ngayon at heto bumaba sa hagdan si Erika suot ang very elegant black cocktail dress na sumukat sa perpektong hubog ng katawan nito...

Lalong lumitaw ang kagandahan nya sa simpleng touch lang ng make up na inaapply sa kanyang mukha....At sa nakalugay nitong buhok na bahagya lang na kinulutan sa bandang dulo...

"You look very stunning...Mrs.Erika Esquivel"papuri ko sabay halik sa kanyang kamay.

"Thank you and you look great Raphael"nakangiti naman nitong tugon..

Medyo marami na ring tao ng dumating kami dito sa venue..

Marami na ring miyembro ng media ang nagkalat sa buong paligid ng ballroom ng hotel kung saan gaganapin ang launch ng kumpanya..

Matapos makipagbatian sa mga guest na nandoon ay dumeretso na kami ni Erika sa naka assign na table samin sa harapan ng stage..

"Babe,,maiwan muna kita dyan kailangan ko lang din makausap si Francis para sa final details"paalam ko kay Erika..

"Go ahead babe..Ok lang ako dito"tugon nya at tsaka ito umupo.

"Nakita mo ba si Francis?"tanong ko kay Gabriel ng makasalubong ko ito na kasama si Candice.

"Oo kanina napansin ko sya baka naman hinahanda na ang presentation para mamaya"tugon nito..

"Siguro nga ..sige bro tawagan ko na lang sya sa cellphone"ani ko..

Nakailang ring din bago nakasagot si Francis.

"Hello dude..Nasaan ka na?"ako

"Nandito lang ako saglit sa opisina nirereview ko lang ulit ang presentation para mamaya"-Francis.

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon