GABRIEL'S POV
"Oh hijo nakarating ka na pala,,kamusta naman biyahe mo?"salubong ni mama sakin galing akong Bacolod dahil ako ang inutusan ni Papa para icheck ang construction para sa bagong itatayong hotel dun dalawang araw lang naman akong nawala.
"Ok naman ma...Maayos naman po ang construction sa Bacolod as of now wala naman pong problema nakipagmeeting naman po ako sa project engineer he said by the end of this year matatapos na rin sila at by first quarter next year pwede nang buksan ang hotel"balita ko kay mama sabay salampak ng likod ko sa coach medyo napagod din kasi ako sa biyahe.
"Good to hear that son,,at tamang tama ang pagbalik mo dahil naginvite si Raphael na magdidinner daw tayo later dito sa bahay with Karina"
Biglang may gumuhit na ngiti sa labi ko...Sa dalawang araw ko sa Bacolod namiss ko si Erika...At pinangako ko sa sarili ko na maglalakas na ako ng loob ligawan sya hindi na ako papayag na sa pangalawang pagkakataon ay magpaparaya na naman ako..Alam ko naman na pagpapangap lang ang sa kanila ni Raphael kaya hindi naman ako mahihirapan na matutunan akong mahalin ni Erika bilang si Karina.
"Ok na ba kayo ni Raphael?"biglang tanong ng mama.
"Opo Ma."sabi ko kahit alam kong hindi pa..ayoko ng magisip ang mama na up to now meron pang pader na nakaharang samin ni Raphael lalo na't ngayon nagbalik si Erika bilang Karina.
"Alam nyo ba na lahat pwede nyong lokohin pero hindi ako...Ina nya ako na kahit anong pagtatakip nyo ng nararamdaman nyo hindi nyo yun pwedeng itangi sakin...Gabriel anak umpisa pa lang na alam mo na nandito lang ako kung ano man ang nandyan sa loob mo na gusto mong pakawalan handa akong sumalo.."
"Ma,we're fine you don't have to worry....akyat muna ako "tugon ko..humalik muna ako sa noo nya bago tuluyang umakyat papuntang kuwarto.
"I'm sorry Ma,,ayoko na isipin mo pa ang samin ni Raphael kaya hanggat sa kaya kong magpangap na okay kami kung yun lang ang way para hindi ka na ma bother gagawin ko"bulong ko habang nakahiga sa kama...Biglang natuon ang isip ko kay Erika paano nga kung dumating ang araw na bumalik ang alaala nya at bumalik ang lahat ng sakit habang ngayon na madalas silang magkasama ni Raphael...Parang iniimagine ko na ang mangyayari alam kong hindi nya ito kakayanin..Sasabihin ko na ba kay Raphael ang lahat para tigilan na nya si Erika at sya na mismo ang lumayo dito...Kung kaya ko lang kontrolin na hindi na bumalik ang memory ni Erika dahil ayoko na syang makita na nagdurusa at nasasaktan kapag bumalik pa ang alaala nya
Hindi ko na lang namalayan na nakatulog na pala ako......Nagulat na lamang ako ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko.
Tumayo ako at binuksan ko ito...
"Sir...Pinatatawag na po kayo sa baba ni Mam..maguumpisa na raw po ang dinner"ani ni Letty.
"Nandyan na ba sina Raphael?"tanong ko.
"Parating ba raw po sila"
"Oh sige magbibihis lang ako huh.....bababa na rin ako"sabi
Inayos ko muna ang sarili ko habang nakaharap sa salamin huminga ako ng malalim.."Kaya mo yan Gabriel....."sabi ko sa sarili ko habang inaayos ang kwelyo ng suot kong kulay dark blue na plain polo shirt..At bahagya ko ring inayos ang buhok ko sa pamamagitan ng daliri ko medyo flinat ko ito pormal pormalan ako ngayon para naman maiba sa paningin ni Erika..
Tingin ko naman bagay ang faded jeans sa suot kong shirt...Ayoko namang pa obvious na nageffort ako magpaka formal....Dapat sakto lang....
Bumaba na rin ako......At doon ay naabutan ko ang mama na naghahanda na ng pagkain sa dining table naglakad ako palapit sa kanya..."Matagal pa ba sila?"tanong ko dito..
BINABASA MO ANG
FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)
FanfictionPaano kung lahat ng inaakala mo totoo?Lahat ng ipinapakita sayo ay tunay naniwala ka sa lahat ng sinasabi nya dahil nga nabulag ka na sa pagmamahal mo sa kanya..paano kung isang araw nalaman mo na lang na ginawa ka nyang panakip butas?Dahil hindi pa...