ERIKA's POV
"Miguel....Come back here wag masyadong lalayo"halos hinahabol ko na ang aking hininga kakahabol sa kanya nandito kasi kami ngayon sa park at yun parang nakawala sa coral paikot ikot day off kasi ngayon ni Yaya Marie at kahit naman may yaya ako tutok pa rin ako sa kanya..
"Nanay..I just want to ride there"sabay turo nya ng swing sa may di kalayuan nakaupo kasi kami dito sa bench at pinupunasan ko sya ng pawis ang batang ito parang walang kapaguran..
"Wait sweetie I need to wipe your back because its too sweaty.."sabi ko na patuloy pa rin sa ginagawa kong pagpunas sa likod nya.
"Common nanay gusto ko talaga sa swing oh"pangungulit nito.
"Okay ten minute only kasi nagtext na si tatay he's on his way home magagalit yun kapag wala tayo sa house"sabi ko.
"OK nanay ten minutes only"tugon nito sabay hila sa kamay ko papuntang swing.
Yeah..five years na ang lumipas since nagpakasal kami ni Raphael at sa loob ng limang taon marami ng nagbago..
Nalaman na rin ni Mommy Veron na hindi nya anak si Gabriel bago pa namatay si Daddy Menandro two years ago sa una mahirap para sa kanya tangapin pero with the help of our family unti unti rin syang naka cope up hindi namin sya iniwan all the way simula rin ng mamatay si daddy halos araw araw namin syang dinadalaw kasama si Miggy at napapawi ang lahat ng kalungkutan nya everytime inentertain sya ng apo nya I must say na napakalaking tulong ni Miggy sa naging recovery ni Mommy Veron..
Nagtutulungan na sina Raphael at Gabriel sa pagtataguyod ng negosyo simula ng mamatay ang kanilang papa..Sobrang successful naman ng branch ng hotel sa Macau dun na rin pala nagtatatrabaho si Tristan at si Kuya Kenneth kasama ang pamilya nito..
Si Kuya Dennis na ang naiwan kay nanay Josie syempre kasama ang bestfriend ko na si Joyce ikinasal sila last year at ngayon ay expecting na ang bestfriend ko..
Si Gabriel at Candice na napakatagal na panahon na ay nakamit na rin ni Gab ang matamis na OO nito at ngayon ay engaged na sila at balak magpakasal next year..Sobrang saya ko kay Gabriel that finally may Candice na dumating at binago ang buhay nya..
Nalaman na rin ng mommy ang tungkol sa ginawa sakin ni Gabriel sa una nahirapan akong iconvince sya but sooner napatawad na rin nya si Gab gaya ng pagpapatawad ko dito kaya ngayon okay na ang lahat..Ang dad nagpromise kay mommy na magreretire na next year para naman kapwa nila maenjoy si Miggy..
Sa limang taon na lumipas iisa lang ang masasabi ko wala ng titibay sa pagsasamahan ng isang tunay na pamilya kahit anong unos ang dumating tanging ang pamilya lang ang tangi mong kakapitan.Sa limang taon din naming pagiging magasawa ni Raphael mas lalong pinatibay nito ang aming pagmamahalan sa dami ba naman ng pagsubok siguro naman panahon na para maging masaya kami..
At simula ng limang taon ay wala na kaming nabalitaan pa kay Cassandra at kahit sino wala ng nakakaalam kung nasaan sya siguro nga narealized na rin nya na walang magandang idudulot kung maghihiganti pa sya samin at siguro sa paglipas ng panahon kasabay din nito ang paghilom ng sugat sa puso nya...
Ngayon habang minamasdan ko ang aking anak at nasusubaybayan ang paglaki nya masasabi ko eto ang mga panahon na hindi ko kayang ipagpalit kahit saan..
"Common Miggy ten minutes na naghihintay na ang tatay"tawag ko sa kanya habang tuwang tuwa sya na nakasakay sa swing hindi naman nya ako pinahirapan i convince sya na bumaba ng swing..
"Kailangan mong maligo sa house huh amoy pawis ka na"sabi ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik ng house..
"Nasa house na po ba ang tatay? Coz he promise me that he will buy ice cream eh"
"Hmmm..siguro sabi nya kasi uuwi daw sya ng maaga ngayon eh"tugon ko..Minulat namin si Miguel sa simpleng buhay hindi namin sya sinanay sa luho o sa mga materyal na bagay na alam naman namin na kaya naming ibigay sa kanya..at sinikap namin na hindi sya kausapin ng purong english dahil ang gusto namin ay mabuhay sya na parang ordinaryong bata gaya sa twing bumibisita sya kina Nanay Josie atleast hindi maiilang ang mga bata dun na makipaglaro sa kanya at sya rin kaya nyang makihalubilo sa ibang bata na makakasalamuha nya.
Pagdating namin sa bahay ay wala pa si Raphael siguro parating na rin yun tamang tama pagkatapos maligo ni Miggy..
"Wala pa si tatay..."nakita ko ang lungkot sa ekspresyon sa mukha ng bata.
'Padating na yun I'm sure pagtapos natin maligo nandito na si Tatay"
"Promise yan nanay huh?"
"Promise."sabi ko sabay taas ng kanang kamay ko.
Natapos na kami naligo ni Miggy at halos isang oras na rin kaming naghihintay kay Raphael pero wala pa rin sya tsineck ko ang orasan mag aalas siyete na ng gabi tinatawagan ko sya sa phone pero laging unattended...Nauubusan na rin ako ng excuse kay Miggy..
Umabot na ng alas otso wala pa rin hanggang sa nakatulog na ang bata kakahintay sa kanya.
"Hay naku Raphael humanda ka paguwi mo..."sigaw ng isipan ko dahan dahan kong inaalis ang braso ko kung saan nakahiga si Miggy..Hinalikan ko muna sya sa noo bago ako lumabas ng kwarto.
Dumeretso ako ng sala para doon ay hintayin si Raphael at makalipas ang 30 minuto kong paghihintay ay narinig ko na ang pagbukas ng gate.
Nakaupo ako sa coach ng halikan nya ako sa pisngi wala akong naging pagtugon sa kanya hinintay ko na una syang magsalita.
"I'm sorry nagkaroon lang talaga ng emergency meeting kanina sa office hindi pwedeng wala ako dun "sabi nito.
"Next time wag kang mangangako sa anak mo kung hindi mo kayang tuparin dahil ako nauubusan na ako ng alibi para pagtakpan ka."mahina ang pagkakasabi ko pero punong puno ng emosyon.
"Babe naman...Don't worry babawi ako next time"
"Wag mo ako ibababe babe dyan Raphael Esquivel huh..At sana naman nakuha mong tumawag o magsabi man lang para hindi man lang malaman ng bata kung darating ka pa eh nakatulog na nga kakahintay sayo eh"tumaas na ng bahagya ng konti ang tono ng boses ko.
At hindi ko na hinintay pang tumugon si Raphael tumayo na ako sa coach dahil sa totoo lang naiinis ako sa kanya dahil dinisappoint nya si Miggy at ayoko ng humaba pa ang pagtatalo namin.
Masasabi ko na ang tanging problema lang sa pamilyang ito ay ang time ni Raphael okay lang naman kung ako lang ang apektado kaso lumalaki na ang anak namin kaya kailangan ko ng bigyan ng isa yang si Raphael para naman malaman nya kung sino ang dapat nyang iprioritize.
"Galit ka pa ba?"bulong nya habang nakaharap ako sa kabilang side ng kama..
Humarap ako nangako kasi kami sa isat isa na never kaming matutulog ng may samaan ng loob hindi rin naman kasi ako ma pride na tao.
"Naawa lang naman kasi ako kay Miggy..asang asa yung bata"
"Hayaan mo babe...I will make it up to him pati na rin sayo"
Huminga ako ng malalim matitiis ko ba tong ka gwapo kong asawa ngumiti ako.
"Yan oh nag smile na asawa ko it means hindi na yang galit"
"Okay na basta siguraduhin mo lang na babawi ka kay Miggy huh ikaw lang beses na kitang pinagbigyan."
"Opo Mrs.Esquivel"
Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam pa rin ako ng kilig everytime na inaddress nya ako as Mrs.Esquivel basta ang sarap sa feeling.
______________
BINABASA MO ANG
FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)
FanfictionPaano kung lahat ng inaakala mo totoo?Lahat ng ipinapakita sayo ay tunay naniwala ka sa lahat ng sinasabi nya dahil nga nabulag ka na sa pagmamahal mo sa kanya..paano kung isang araw nalaman mo na lang na ginawa ka nyang panakip butas?Dahil hindi pa...