RAPHAEL'S POV
"Sige na Raphael..Mauna na ako huh..Basta lagi mong iisipin ang lahat ng sinabi ko huh.."paalam at bilin sakin ni Erika.
Tumango lang ako humahanga ako kay Erika nasa kabila ng lahat ng pinagdaanan nya nahanap pa rin nya ang kapatawaran sa puso nya para kay Gabriel hindi ko pipilitin sa ngayon pero gaya ng sinabi nya pagaaralan kong magpatawad si Gabriel.
Lumabas na rin ako sa office para maglibot libot sa kabuan ng hotel ngayon nandito ako nakaupo sa cafetiria para magkape ng makita kong papasok si Joyce kasama si Erika..
Ganito kami kapag nasa harap ng totoong mundo ako bilang CEO ng kumpanya sya bilang VP for operations na hindi ko alam kung hanggang kailan namin itong kayang panindigan kung hanggang saan namin kakayanin na itago ang lahat lahat..Kaya heto ako ngayon minamasdan sya ng palihim at tanging mga mata na lamang namin ang naguusap sa twing magaabot ito.
"Hui..Baka matunaw naman sa kakatitig mo yang si Ms.Buenvenidez"ani ni Francis sabay tapik sa braso ko na bahagya kong ikinagulat.
Nginitian ko lang sya sabay higop ng kape umupo ito sa tapat ko.."Hirap bang itago dude?"seryosong tanong ni Francis..Alam na ni Francis ang lahat lahat sa kanya paba ako maglilihim parang kapatid ko na rin sya.
"Kinausap ko na sya dude na sabihin na namin sa lahat yung tungkol samin pero ayaw nya dahil she's scared baka kung ano na naman ang gawin ni Gabriel"
"Oo nga may point si Erika once malaman ni Gabriel ang lahat hindi tayo sure kung anong gagawin nya lam mo naman yang utol mo very unpredictable naninigurado lang siguro si Erika na hindi na maulit ni Gab yung ginawa nya dating pagpapakamatay"
"Hindi ko alam bro pakiramdam ko habang tumatagal lalong nagiging complicated ang lahat akala ko titigilan na ni Gab si Erika na papakawalan na nya ito matapos lahat ng nangyari pero I guess mas lalo pang lumakas ang loob ni Gab para i pursue si Erika."
"Eh mahal nga ni Gabriel si Erika eh...at lahat gagawin nito para mahalin sya ni Erika"
"But the thing is kailangan nyang tangapin na imposible na syang mahalin pa ni Gabriel."
"Pero umaasa sya at ang pagasang yun ang tanging panghahawakan nya pero once malaman nya na may namamagitan sa inyo ni Erika yun ang puputol sa pagasa nya na mamahalin pa sya ni Erika at yun wala tayong kasiguraduhan na matatangap nya"
"Kaya kami ni Erika ang kailangan mag give way ang pagmamahalan namin ang kailangan magsuffer?"
"It's up to you bro...kung gusto nyo sabihin sa lahat make sure ready kayong i face ang lahat ng consiquences remember hindi lang ang feelings ni Gab ang kailangan nyo iconsider isipin pati na rin yung feelings ni Cassandra alam mo kung anong sakit ang sinakripisyo ng tao noong unang beses mo syang ipagpalit kay Erika baka sa pagkakataong ito hindi na nya makayanan.
Hindi na ako nakatugon...kaya nga ba namin ni Erika to face all the consiquences once na sabihin namin sa lahat kung ano mang meron kami handa nga ba makitang masasaktan ang tao sa paligid namin dahil lamang sa gusto kong makasama ang babaeng aking minamahal.
"Basta pare...pagisipan mong mabuti ang mga bagay bagay wag padalos dalos sa magiging desisyon okay."payo ni Francis tsaka ito tumayo at tinapik pa ako sa balikat.
"Salamat pare..."sabi ko na lang na kahit paano naman ay nilinawan rin ni Francis ang isip ko about sa mga bagay bagay.
Tumayo na rin sina Joyce at Erika...
Nagsmile pa nga kami sa isa't isa kahit palihim lang..Ganito kami palihim na ngitian palihim na tinginan palihim na nagmamahalan.
Nagtungo na ako sa opisina at doon ay kasunod ko na rin si Vicky."Sir..heto po yung papeles na kailangan nyong pirmihan about sa hinihinging dagdag benefits ng mga empleyado.."sabi ni Vicky sabay abot sakin ng folder.
BINABASA MO ANG
FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)
Fiksi PenggemarPaano kung lahat ng inaakala mo totoo?Lahat ng ipinapakita sayo ay tunay naniwala ka sa lahat ng sinasabi nya dahil nga nabulag ka na sa pagmamahal mo sa kanya..paano kung isang araw nalaman mo na lang na ginawa ka nyang panakip butas?Dahil hindi pa...