CHAPTER FOURTYONE-WHAT WILL HAPPEN NEXT?

1.2K 25 6
                                    

RAPHAEL'S POV

Pinayagan na kami ng doctor na pumasok sa kwarto kung nasaan si Gabriel na hanggang ngayon ay inoobserbahan parin.

"Hindi ko alam kung paano mababago ng lahat ng ito ang pagiging magkapatid natin sa lahat ng nangyayari hindi ko sigurado kung maibabalik pa ang lahat sa dati pero ano man ang mangyari pinagdadasal ko pa rin sa diyos na makaligtas ka.Lumaban ka Gabriel hindi ka susuko sa ganitong paraan..."sabi ko habang nakapwesto sa gilid ng kama kung san walang malay na nahiga si Gabriel.

Halo halong emosyon ang nararamdaman ko nangingibabaw ay ang mararamdaman ng mama once malaman nito na hindi nya tunay na anak si Gabriel.Alam ko hindi nya ito kakayanin at mas hindi ko kakayanin oras may nangyaring masama kay mama.Pero hanggang kailan namin ito pwedeng itago hanggang kailan namin pwedeng ilihim ang totoo kay mama.

Lumabas narin ako kaagad sa kwarto at nagtungo sa private room kung nasaan naka confine ang mama ang papa ay nakatulog na rin sa coach dala na rin siguro ng sobrang pagod ng tsineck ko ang relo ko halos maguumaga na rin pala kani kanina ay nagpaalam na rin si Erika babalik na lang daw ito mamayang konti binilinan lang nya ako na iupdate sya tungkol sa kalagayan ni Gabriel.

"I'm sorry Ma..We need to this..Kailangan muna namin ilihim ang lahat lahat para sa kapakanan nyo..I love you mom and I can't afford to lose you at kung ang pagkakadiskubre sa katotohanan ang magiging dahilan nun mas pipiliin ko pang ilihim ang lahat sa inyo habang buhay alam kong ganun din ang papa"sabi ko habang nakaupo ako sa gilid ng kama ng mama at hinihimas ang buhok nya habang mahimbing syang natutulog.

Hindi ko na rin namalayan na nakatulog na rin akong nakaupo habang nakayuko sa gilid ng kama ng mama nagising na lamang ako ng may marinig na tumawag sa pangalan ko.

Napabalikwas akong bigla ng makita ko na gising na ang mama at nakangiti ito sakin.

"Oh ma...Buti naman gising na kayo...Nagugutom ba kayo? Anong gusto nyong kainin? Bibili ako"sunod sunod kong sambit sa mama..

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon