CHAPTER TWELVE- Finally it happened

2.2K 21 4
                                    

KARINA'S POV

Lumapit sakin si Raphael at inilahad ang kanyang kamay hanggang ngayon tuloy tuloy pa rin ang pagtulo ng luha sa aking mga mata habang tinangap ko ang kanyang kamay....Pagkatangap nya ng kamay ko ay pinalupot nya ito sa kanyang braso...At tsaka naglakad na kami papasok ng hotel....

"Isipin mo Karina na heto ang palasyo natin...Isipin mo na sa palasyong ito ikaw ang prinsesa...."ani ni Raphael habang naglalakad kami....Napakaganda ng paligid napakataas ng kisame ng hotel napapalabutan ito ng ilaw at napaka eleganteng dekorasyon na para talagang isang palasyo....

"Nakakainis ka....Akala ko....."di na nya ako pinatapos magsalita ng takpan nya ng kanyang kamay ang aking mata sa isip ko ano na naman ba ito hindi pa ba tapos ang sorpresa baka hindi naman na kayanin ng puso ko magcollapse na lang ako dito.

"Shhhh....gusto ko lang na kahit paano maramdaman mo ang maging prinsesa Karina"bulong nito habang nakatakip ang kamay nya sa mata ko.

"Ramdam na ramdam ko Raphael spbra"maluha luha kong habang inaalalayan nya ako maglakad at ng tumigil kami..

Unti unti nitong tinangal ang kamay nya sa mata ko heto na nga ang sinasabi ko na baka hindi na makayanan ng puso ko ang isa pang sorpresa inikot ko sa buong paligid ang aking mga mata at nandito kami ngayon sa ballroom ng hotel napakalawak ng kabuan nito na kahit yata isang daang katao kakasya dito pero ngayon kami lang ni Raphael ang nandito na pakiramdam ko para akong prinsesa at sya naman ang prinsipe infairness sa effort nya sobrang achieve na achieve nya ang pagpaparamdam sakin kung paano maging prinsesa talagang feel na feel ko.

Medyo may kadiliman dahil dim light lang ang ginamit sa buong kabuan ng ballroom at ang sahig nagkalat ang kulay puti at pulang rose petals...At ang buong paligid iisipin mo talagang para kang nasa isang kaharian...

"CAN I HAVE THIS DANCE?MY PRINCESS.."yaya ni Raphael ng biglang may sumulpot na spotlight na nakatutok samin kasabay ng pagtugtog ng isang mini orchestra na hindi ko man lang napauna dahil madilim sa kinapupuwestuhan ng mga ito at ng nagsimula na itong tumugtog tsaka lang din lumiwanag ng bahagya kung saan sila nakalugar..

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon