KARINA'S POV
Kanina ko pa tinatawagan si Raphael pero hindi nya ito sinasagot ang pati sa magtext ko hindi sya nagrereply....Kahit sobrang busy naman ng mokong na yun nagrereply naman yun sa mga text ko at sinasabing busy sya pero ngayon halos maghapon hindi nagpaparamdam...
Hanggang sa matapos ang shift ko wala pa ring Raphael...hindi ko maiwasan ang hindi magalala..."Wala ka bang sundo ngayon?"tanong ni Gina isa sa mga kasamahan ko sa shop nandito kami ngayon sa may labas ng mall pauwi na rin sila.
"Wala Gina....busy si Raphael..."malungkot kong tugon na sa totoo lang hindi ko naman talaga alam ang dahilan bakit hindi man lang sya nagpaparamdam.
Pasakay na rin sana ako ng dyip ng may pumaradang motor sa harapan ko.....At ng tinangal nito ang helmet si Gabriel ang may sakay...."Ihatid na kita..."yaya nya...
"Hindi na Gabriel.....magdidyip na lang ako..Salamat..."pagtangi ko...Sa totoo lang hanggat sa maaari gusto ko ng iwasan si Gab baka may makakita na naman samin at malaman na naman ni Raphael.
"Ynah naman....nandito na ako tatangihan mo pa ba ako huh?!ihahatid lang naman kita...."pangkukumbinsi ni Gabriel.
Pumayag na rin ako sa alok ni Gab na ihatid ako inabot nya sakin ang extrang helmet at inalalayan na sumakay sa motor....."Dito mo ilagay ang kamay mo at dumikit ka ng konti ang layo mo baka mahulog ka pa nyan"sabi nito sabay kuha nito sa kamay ko at nilagay sa may beywang nya at ngayon ay yakap yakap ko na sya dahil nakadikit na ako sa kanya at nakapalupot na ang kamay ko sa beywang nya..
At tsaka nya inistart ang motor....Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil alam ko ang totoo na gusto ako ni Gabriel at alam ko na kung hindi ko sya iiwasan mas magiging mahirap para sa kanya ang kalimutan ang nararamdaman para sakin pero heto ako ngayon nakasakay sa motor nya pumayag na ihatid nya ako....
"Salamat Gab......"sabi ko ng makarating na kami sa bahay namin....
"Wala yun noh....ikaw pa"nakangiti nitong tugon.
"Gab....ayokong masira kung ano man ang friendship natin pero mas mabuti pa siguro kung iwasan muna natin ang isat isa ayoko namang isipin ng ibang tao naboyfriend ko si Raphael then nakikita nila na kasama kita ayoko rin naman na bigyan ng dahilan si Raphael na magselos lalo nat alam na nya ang nararamdaman mo para sakin...Please Gabriel..."pakiusap ko.
"Wala tayong ginagawang masama Ynah at kung pinagkakatiwalaan ka ni Raphael hindi para magduda sya sayo.....Kung mahal ka nya hindi sya magiisip ng kung ano ano"
"Ayoko lang ng gulo Gab....."
"Hindi ko kaya Ynah...hindi ko kayang hindi ka makita hindi ka malapitan dahil kung gagawin ko yun parang tinangalan mo na ako ng karapatan maging masaya"
"Gabriel...mahal ko si Raphael at ayoko syang masaktan dahil sa twing nalalaman nya na napapalapit ako sayo alam ko nasasaktan ko lang sya intindihin mo naman sana"
Nabigla na lang ako ng yakapin ako ni Gab...."MAHAL KITA ERIKA!!!"
Kumawala ako at sinampal sya....."Gabriel...Hindi ako si Erika....Anong pinagsasabi mo huh?!"pagtataka kong sambit.
"Im sorry......"tugon nito at tumalikod na sya tsaka sumakay sa motor...
Bakit nakaramdam ako ng sobrang kaba ng yakapin ako ni Gabriel...Yung pakiramdam na parang may kurot....may sakit na biglang gumuhit sa puso ko..."BAKIT TINAWAG NYA AKONG ERIKA?"
Lumipas ang araw....ang linggo na hindi nagparamdam si Raphael....Ang sakit sakit...natatandaan ko noong huli kaming nagusap sa phone ay nararamdaman ko na may problema sya yun din ang mismong araw na nalaman nyang may gusto sakin ni Raphael.Ano ba talaga ang nangyari kay Raphael?

BINABASA MO ANG
FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)
FanfictionPaano kung lahat ng inaakala mo totoo?Lahat ng ipinapakita sayo ay tunay naniwala ka sa lahat ng sinasabi nya dahil nga nabulag ka na sa pagmamahal mo sa kanya..paano kung isang araw nalaman mo na lang na ginawa ka nyang panakip butas?Dahil hindi pa...