CHAPTER NINETEEN-I made the right decision

1.5K 15 4
                                    

RAPHAEL'S POV

Anim na buwan akong nanatili dito sa Macau anim na buwan kung saan binalikan ko lahat ng alaala namin ni Erika.....Kung saan una kaming nagkita sa parehong conference kung saan kami naimbitahan bilang representative ng Buenvenidez Realtor at ako naman para sa ESQUIVEL GROUP OF COMPANIES...

Kailangan kong balikan ang lahat para tuluyang pakawalan si Erika....Hindi ang pagmamahal ko ang nararapat sa kanya ang katulad ko na madaling bumitaw at madaling sumuko.

Ngayon babalik na ako sa Pilipinas dala dala ang desisyon na kailangan ko ng isara ang chapter namin ni Erika at ipaubaya sya kay Gabriel na hindi sumuko na mahalin si Erika sa dami ng ginawa nyang sacrifices para dito ang katulad lang nya ang nararapat kay Erika ang katulad nyang handa masaktan para lang sa babaeng minamahal...Ako ano bang ginawa ko kay Erika bumitaw kaagad ako ni hindi nga ako nagbigay ng efforts para hanapin sya at alamin ang totoo naging makasarili ako that time na ang sarili ko lang ang iniisip ko kaya sa sariling nararamdaman ko lang ako nakafocus pero sa kabila nun triple pang sakit ng naramdaman ni Erika dahil lang sa pagmamahal nito sakin.

May mga bagay na kailangan pakawalan sa mas alam mong deserving para dito...At si Erika ay mas karapat dapat lang kay Gabriel....Kung hindi man kay Gab mas marami panv lalaking deserving sa isang tulad nya alam ko isang araw babalik ang alaala nya manunumbalik ang lahat ng sakit dahil sa pagmamahal nito sakin....mas mabuti pa na manatili na lamang akong part ng nakaraan nya dahil hindi ko masisiguro na oras maging kami ulit ay hindi ko na sya masasaktan.....tama na ang lahat ng sakit na dinulot ko sa kanya she deserves to be happy at yun ang alam kong hindi ko maibibigay sa kanya.

"Welcome back anak!!"salubong sakin ng mama ng dumeretso ako sa bahay pagkagaling sa airport.

Niyakap ko ang mama "I miss you ma"bulong ko habang yakap yakap ko sya.

"I miss you too son"tugon nito ng kumawala sa pakakayakap at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Bakit bigla kang umalis?May nangyari ba sa inyo ni Karina?"

"Wala ma....gusto ko lang po bigyan ang sarili ko ng break para makapagisip at malinawan ang mga bagay bagay na gumugulo sakin"

"Anak,,alam ko kahit hindi mo sabihin sakin may personal kang pinagdaraanan hindi ka basta basta aalis ng ganun ganun lang at wag mo ng itangi na tungkol ito kay Karina..Ano ba talaga ang nangyari huh Raphael?"

"Ma,,wala po talaga okay lang po ako kaya ko po ito tsaka nga po pala nasaan si Gabriel?'pagiiba ko ng usapan.

"Umalis na dito si Gab simula yung lumipad ka papuntang Macau...Nandun sya sa Condo nya sa Ortigas nakatira..."

"Bakit daw po Ma?May problema ba si Gabriel?"

"Wala naman lagi naman kaming naguusap once in a while bumibisita sya dito mukha naman syang masaya at okay kaya hindi naman na ako masyadong nagwoworry sa kapatid mong yun kung ano man ang reason nya kung bakit umalis sya dito sa bahay mabuti pa kayo na ang magusap"

"Sige po Ma...Ang papa kamusta?"

"Okay naman na ang papa mo ngayon medyo nagtatampo lang sayo dahil hindi natuloy ang pareresign nya dahil sa biglaan mong pagalis kaya kausapin mong mabuti ang papa huh anak"

"Opo Ma..Ready na rin po ako magtake over bilang CEO ng kumpanya at kahit anong oras pwede ng magresign ang papa..."

"For sure matutuwa yun para naman makapagrelax na ang papa mo at maenjoy naman nya kahit paano ang lahat ng pinaghirapan nya.."

"Sige Ma,ako na po bahala kumausap sa papa...."

"Good to hear son,,,wala na akong ibang pagkakatiwalaan sa kumpanya ko kundi ikaw lang kaya mabuti ay nagbalik ka na....At sana nalinawan mo na rin yang pagiisip mo at i set aside muna ang mga personal issues magfocus ka muna sa negosyo lalo na at sobrang taas ng expectations sayo ng boards bilang kapalit ko"

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon