CHAPTER FIFTYFIVE-

908 16 4
                                    

FLASHBACK (GABRIEL'S POV)

"Can you please stop!!"sigaw ko kina Sheryl ng maabutan kong pinagtitripan na naman nila ng mga kaibigan nya si Candice habang nasa cafetiria kami ng university.

"Gab..Don't tell me pinagtatangol mo tong jologs na toh?"tugon ni Sheryl.

"Why can't you leave her alone?"medyo tumaas na ang timbre ng boses ko.

"Sinisigawan mo ba ako huh Gabriel?"

"Dahil wala naman akong nakikitang rason para pagaksiyahan nyo ng panahon si Candice bakit ba nangagalaiti kayo sa kanya huh?''

"Dahil akala mo kung sino makaasta...."

Hindi na ako tumugon hinawakan ko sa braso si Candice at hinatak palayo kina Sheryl pilit syang kumakawala sa pagkakahawak ko pero hindi ko to hinayaan...

Nagpunta kami sa auditorium at tsaka ko sya binitawan.

"Ano bang ginagawa mo huh Gabriel?"sigaw nito sakin.

"Ikaw anong ginagawa mo? Ano akala mo kaya mo na sagupain sina Sheryl huh? Nagmamatapang ka na akala mo kaya na ng buto mo.."

"Ano bang pakealam mo huh...hindi ko naman sinabi na ipagtangol mo ako huh...kaya pwede ba pabayaan mo na ako."

"Bakit ba ang tigas ng bungo mo? Ano sa tingin mo hahayaan ko na lang na pagtripan ka nila...At alam mo yang ugali ni Sheryl sabik yan sa attention at gusto nyang laging nachachallenge kaya lalo kang papalag sa kanila lalo ka nilang hindi titigilan!"

"So anong nagustuhan mo sa babaeng yun?"

Tumalikod ako hindi ko alam kung anong isasagot ko sa tanong niya kahit ako sa sarili ko hindi ko maintindihan kung bakit nagkagusto ako kay Sheryl..

"Ano bakit hindi ka makasagot?kung alam mo na ganun ang ugali ni Sheryl bakit ka nagkagusto sa kanya?"

Humarap ako at naglakad palapit sa kanya at hinawakan sa magkabilang balikat..

"Wala sakin ang issue dito Candice sayo kundi dyan sa pagmamatapang mo...Alam mo ba na kayang kayang gumawa ng way si Sheryl para patalsikin ka dito huh"

"Gab...magising ka nga sa katotohanan...Alam mo ba na pinagpupustahan ka lang nila Sheryl at mga alipores nito..."

"WHAT?"

"Ayoko sanang sabihin sayo ito Gab dahil ano naman ang dahilan mo para maniwala sakin compare dyan sa kabaliwan mo sa babaeng mukhang pugita na yun pero hindi na kaya ng konsensya ko eh"

"Anong pinagsasabi mo huh?"

"Bingi ka ba o talagang hindi ka lang makapaniwala na ang babaeng gusto mo ginagawa ka lang tanga"nakikita ko sa mga mata ni Candice na hindi sya nagsisinungaling pero pilit ko pa ring kinoconvince ang sarili ko na hindi ito nagsasabi ng totoo.

Muli ay lumapit ako sa kanya at hinawakan ang braso nya"Will you please shut up!!"sabi ko habang may galit sa matang nakatingin sa kanya hindi ko rin namamalayan na humigpit na ang pagkakahawak ko sa balikat nya.

"Hindi naman kita pinipilit kung maniniwala ka sakin eh inexpect ko na yan pero atleast nasabi ko na sayo lahat na alam ko at kahit paano natangal na ang tinik sa dibdib ko nasa sayo na lang yan kung ayaw mong maniwala at habang buhay magpakatanga kay Sheryl"

"Hindi totoo yan...!!"sabi ko na lang at napalakas ang pagbitaw ko kay Candice na naging dahilan ng pagkasalampak nya sa sahig..Dahil sa sobrang gulo ng isip ko hindi ko na sya nagawang tulungan bumangon at makatayo dere deretso akong naglakad palabas ng audi at napasuntok na lang ako sa pader para kahit paano mailabas ang sama ng loob na nararamdaman ko...

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon