ERIKA's POV
Aaminin ko sa sarili ko na masama talaga ang loob ko kay Raphael dahil sa hindi nito paguwi magdamag pero bakit may part ng puso ko na parang kinakabahan na ewan..
Woman Instinct ba?
Feeling ko may hindi sinasabi sakin si Raphael at may tinatago ito basta sobrang lakas ng kutob ko..
"Yaya ikaw na bahala kay Miggy huh may pupuntahan lang akong importante"bilin ko kay yaya kanina pa kasi hindi matahimik ang loob ko kung ano anong bagay ang naglalaro sa isipan ko..
Sana nga mali...sana nga nagtatamang hinala lang ako pero iisa lang ang makakapagbigay sakin ng kasagutan..
Nagmamadali akong naglakad papasok ng hotel para puntahan si Francis at kausapin sya...
Alam ko naman ang opisina ni Francis kaya kaagad na akong nagtungo doon alam ko mali na pagisipan ko ng masama si Raphael alam ko na hindi tama na pagdudahan ko sya pero kung sa ikakatahimik ng loob ko wala namang masama kung maninigurado ako..
Huminga muna ako ng malalim bago kumatok nasabi naman sakin ng secretary ni Francis na pwede naman itong abalahin sa loob..
"ERIKA?"sabi nito na kitang kita ko sa facial expression ang pagkabigla..
"Pwede ba tayong magusap?"sabi ko.
"Sure...maupo ka"nakangiting tugon nito..
At ng makaupo na ako sa upuan sa tapat ng desk nya..
"Tungkol saan naman ang paguusapan natin huh Erika?"sya na ang unang nagsalita.
"Kamusta ka na?"
"I'm fine....trying to move on.."sagot nito.
"Good to hear...matapos ng lahat ng nangyari masaya ako dahil sinusubukan mong magmove on"
"Wait Erika nagpunta ka ba dito para kamustahin ako.....O meron ka pang ibang reason na ayaw mo lang sabihin...Common Erika..I know that theres something bothering you.."
"About kay Raphael.....hindi ko nga alam kung tamang pagdudahan ko sya o pagisipan ng masama pero gusto ko lang malaman kung talaga bang kasama ka nya kagabi kaya hindi sya umuwi magdamag"
Tumayo si Francis at napatawa.....
"Erika....pumunta ka dito para lang siguraduhin sakin kung magkasama kami ng asawa mo kagabi..Paano kung sabihin ko sayo na hindi....Paano kung sabihin ko sayo na may kasama syang ibang babae at nagsinungaling sya sayo"sabi ni Francis na matapos tumawa at bigla naman itong nagseryoso.
"Huh?Nagsinungaling sakin si Raphael?"sabi ko na pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig....at konti na lang ay tutulo na ang luha sa mga mata ko.
Bumalik sa pagkakaupo si Francis seryoso pa rin ang itsura nito habang nakatingin sakin ....
"JOKE!!!!"sabi nito sabay tawa ng malakas...
"Francis ano ba?I'm serious wala naman ako panahon na makipaglokohan sayo...."inis kong tugon na sa totoo lang ay napikon ako sa biro nito.
"Ikaw naman kasi masyado kang praning....kung ano ang sinabi ng asawa mo edi yun ang paniwalaan mo.."
Tumayo na ako hindi ko alam kung bakit bigla akong nairita kay Francis sa totoo lang hindi naman talaga kami close kaso wala naman akong choice kundi pakisamahan sya dahil bestfriend sya ng asawa ko.
"Hui Erika..hindi ka naman mabiro.."pahabol pa nito bago ako makalabas ng pintuan.
Hindi ko alam nagpunta ako dito para masagot ang mga tanong na gumugulo sa isip ko pero wala naman akong nakuhang matinong sagot mula kay Francis nakuha pa nya na goodtime ako...
![](https://img.wattpad.com/cover/4373926-288-k783118.jpg)
BINABASA MO ANG
FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)
FanfictionPaano kung lahat ng inaakala mo totoo?Lahat ng ipinapakita sayo ay tunay naniwala ka sa lahat ng sinasabi nya dahil nga nabulag ka na sa pagmamahal mo sa kanya..paano kung isang araw nalaman mo na lang na ginawa ka nyang panakip butas?Dahil hindi pa...