CHAPTER FOURTEEN-Mahal ko parin kita no matter what.

1.7K 17 4
                                    

KARINA'S POV

"Karina,,please don't make this hard for us...mahal kita at pinangako ko sayo na handa kong patunayan yun diba?"sabi ni Raphael.

"Tara na,,Im sure hinihintay na nila ako sa bahay"tugon ko..sa totoo lang ayaw ko na muna makipag argue sa kanya kaya ako na lang umiwas sa usapan.

Wala na ring nagsalita saming dalawa ni Raphael hanggang sa makarating kami ng bahay hindi ko na rin syang niyaya sa loob medyo late na rin kasi tsaka sa ngayon aminin ko man sa sarili ko medyo masakit pa sakin apektado pa rin ako sa naging pagtatalo namin kanina.

"Ingat ka huh"yun lang ang sinabi ko ng bumaba ako ng kotse....

Tumungo lang sya at pilit na ngumiti..

"Akyat na po muna ako nay ...."sabi ko kay nanay matapos magmano buti na lang wala sina kuya sa bahay for sure maguusisa na naman ang mga yun bigla ko tuloy naisip si Joyce kung nandito lang sana sya atleast may mapapagsabihan ako kahit paano gagaan naman ang pakiramdam ko.

"Sige anak.....tsaka nga pala Karina kamusta naman ang dinner mo kasama ng pamilya ni Raphael?"tanong ng nanay gabang nakaupo sa sofa at nanunuod ng tv.

"Okay naman po nay..mababait naman ang parents nya"pilit akong ngumiti para itago kung anoman ang bigat ng nararamdaman ko hangga't sa maiiwasan ko ayoko na maapektuhan ang nanay kung meron man akong personal na pinagdadaanan...

"Mabuti naman anak.....gusto lang naman namin ng mga kapatid mo ay maging masaya ka kay Raphael....At sa tingin ko naman ay totoo namang mahal ka nya pero hija sinasabi ko lang sayo wag mong ibigay ang buong puso magtira ka para sa sarili mo dahil hindi pa rin natin masasabi kung talagang kayo ni Raphael may mga bagay na nangyayari na hindi inaasahan"

"Opo Nay......Alam ko po yun...maraming salamat sa suporta"tugon ko...yumakap muna ako kay nanay bago umakyat ng kwarto kung alam lang ng nanay na dati pa ibinigay ko na ang buong puso ko kay Raphael....Kaya nga heto ako ngayon nagbubulagbulagan...

Nahiga ako sa kama tanging walang rumeregister sa isip ko kundi si Raphael lang yung expression nya kanina yung galit kay Gabriel at Erika kitang kita ko sa kanyang mga mata yung sinabi nya na hindi sapat ang pagmamahal ko para makalimutan nya ang galit sa kanyang puso...Hindi nga ba kayang tumbasan ng kahit anong pagmamahal ang lalim ng sugat ng nakaraan...

Nagulat na lamang ako ng nagring ang phone ko pangalan ni Raphael ang rumegister..."Wag muna ngayon Raphael...."bulong ko sa sarili ng hindi ko sinagot ang tawag nya...

Mahal ko sya pero sa ngayon I just need some time na kahit konti mawala ang sakit na nararamdaman ko akala ko hindi ako masasaktan ng ganito mas gusto ko pa na ako lang ang nagmamahal atleast hindi ako nageexpect pero ngayon bat kung kailan minamahal na ako ni Raphael parang may expectations na...

Pasakay na sana ako ng jeep papasok sa trabaho ng makita ko si Joyce gusto ko syang lapitan medyo matagal tagal na rin yung tampuhan namin higit sa lahat sya ang kailangan ko ngayon....

"JOYCEEE!!!"tawag ko ng hindi na ako nakatiis palakad na kasi sya palayo.....

Nilapitan ko sya..."Kamusta ka na?"tanong ko.

"Mabuti naman....."malamig nyang pagtugon....

"Pwede ba tayong magusap huh?"

"Tungkol saan...sa inyo ni Raphael...naikwento na sakin ng kuya Den mo yung tungkol sa inyo ni Raphael"sabi nya..

Ngumiti ako "Oo Joyce kami na ni Raphael for real"

"Congrats kung ganun Ynah...."pagtugon nito at pilit na ngumiti....alam ko nararamdaman ko na hanggang ngayon ay hindi pa rin pabor si Joyce kay Raphael.

FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon