Apoy. Iyan ang lumalamon ngayon sa bahay ng Ignacio family. Bagamat may mga boses na humihingi ng tulong, mapalad na nasa labas ang dalawang magkambal. Nahihintakutang lumapit ang batang babae na si Rose Ann sa kanyang nakatatandang kambal na si Rose Mary."Sina mama at papa! Ate! Nasa loob pa sila!", niyugyog niya nang malakas si Rose Mary na naroon lang at pinapanood ang naglalagablab nilang bahay na tila ba isang impyerno.
"Tara Rose Ann, maglaro ulit tayo. Patay-patayan." Ngumiti pa ang pitong taong gulang na si Rose Mary na itinugon niya sa kanyang kambal.
"Ate! Nababaliw ka na ba?"
"Rose Ann, wala na tayong magagawa. Bata lang tayo. Ang dapat nating ginagawa ay maglaro."
Puno nang pagtataka si Rose Ann sa kambal na nahihibang na yata dahil sa sunud-sunod na pangyayari. Alam niya sa kanyang sarili na hindi kasalanan ni Rose Mary kung bakit ito nagkakaganoon. Marahil ay bumigay na ang pag-iisip nito buhat nang magsimulang mag-away ang kanilang mga magulang.
Nayakap niya ang kambal at binulungan ito nang mahina. "Rose Mary, mahal kita."
Noon din ay sabay nilang pinanood ang nasusunog nilang bahay.
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto Ni Kambal [COMPLETED]
Mystère / ThrillerKilala mo ba si kambal? Eh ang sikreto niya? Alam mo rin ba? Wag kang maingay. Baka marinig ka niya. Sasabihin ko sa'yo kung ano ang itinatago niya. Atin-atin lang hah! Pero bago ang lahat, pumikit ka muna...