"May tumatawag!" Sigaw ni Richard nang makita na umilaw ang screen ng cellphone matapos itong maihulog ni Rose Ann.
Nagkatinginan pa ang dalawa kung sino ang pupulot ng cellphone. Takot na sagutin kung sino man ang tumatawag. Marahang lumapit ang dalaga sa kanyang cellphone. Sinilip kung sino ang pinapangambahang caller. Iyong numero pa rin kanina ang nakarehistro. Sumunod si Richard sa kanya matapos niyang matingnan kung sino ang tumatawag.
"S-si Sofia..."
"Bakit?", tanong lamang ni Richard.
Saglit ulit silang nagkatinginan ngunit nagdesisyon na rin si Rose Ann na siya na ang sumagot. Baka nangangailangan ng tulong si Sofia. Iyon ang naisip niya higit pa man sa anuman na masasamang ideya na nasa utak niya ngayon.
"Hello? Sofia?"
Isang pamilyar na boses ang sumagot mula sa kabilang linya. Boses ng babae na tila natutuwa at natatawa pa.
Uminit ang ulo ni Rose Ann. Nakuha pa ni Sofia na magbiro gayong nasa kumplikado silang sitwasyon.
"Sofia! Ikaw ba 'yan?!"
"Hahahahahahaha! Tanga ka talaga! Huwag kang magsasalita nang tapos dahil WALA KANG ALAM! Kahit kelan napakabobo mo! Wala akong kinalaman sa pagkamatay---"
Iyon lang at natapos na ang tawag. Iyon ang akala ni Rose Ann. May nagsalita ulit mula sa kabilang linya. Ibang boses na pero kilala niya pa rin kung kanino. Si Sandra.
"Nasa akin yung cellphone ni Sofia dahil nasa tabi ko siya ngayon." Kalmado ang tinig ng kausap.
"Bakit? Anong ginawa mo sa kanya?!"
"Oops! Huminahon ka muna. Natutulog siya ngayon sa tabi ko. Siya ang kusang pumunta sa akin. Iyong narinig niyo kanina, recorded lang yun. Nakita ko dito sa cellphone niya. Ewan ko. Patay na yata si Michelle?"
Boses ni Michelle kanina ang narinig ni Rose Ann na tumatawa. Pero ano ang ibig sabihin ng sinabi nito?
Nalilito si Rose Ann. Hindi niya alam kung sino ang paniniwalaan. Parang may kakaiba ngayon sa boses ni Sandra. Noong nakaraan lang nauutal pa ito nang kausapin siya. Kabaligtaran naman ngayon. Mahinahon ang boses at tila umaakto na walang kaalam-alam sa mga pangyayari. Imbis na hindi niya pagdudahan ang babaeng iyon ay lalo siyang nanghinala.
"Puntahan mo nga siya dito sa labas. Alam mo ba yung mga benches sa labas? Sa gawing maraming puno sa dulo nandon kami... Pasensiya ka na rin kung ikaw ang napili kong tawagan. Ikaw kasi ang una kong nakita sa contacts niya. Sige, bye."
Pinutol na ni Sandra ang tawag. Hindi man lang siya binigyan ng pagkakataon na makapagsalita. Kung sabagay, makikipagkita naman siya sa babaeng iyon.
Tumingin sa kanya si Richard na may halong pag-aalala.
"Anong sabi?"
"Si Sandra yung tumawag. Puntahan ko raw si Sofia." Lumungkot ang mukha ni Rose Ann.
"Sasamahan kita! Baka---"
Tinabig niya ang kamay ni Richard para sana hilahin siya.
"Mukhang ako lang ang kailangan niya."
Hindi na niya muling nilingunan ang binata. Hindi niya kaya. Naduduwag talaga siya pero alam niya, sa boses ni Sandra, siya lang ang pinapunta roon. Lumabas na siya sa building nila at dire-diretsong naglakad papunta sa sinasabing lugar ni Sandra.
Bakit doon? Bakit sa pinagkikitaan namin ni Gela?
Mula sa malayo ay natatanaw na niya si Sandra na nakaupo kasama si Sofia na nakahiga sa hita nito. Binilisan niya ang paglalakad at nang nasa harapan na siya ni Sandra ay agad niya itong kinumpronta.
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto Ni Kambal [COMPLETED]
Mystery / ThrillerKilala mo ba si kambal? Eh ang sikreto niya? Alam mo rin ba? Wag kang maingay. Baka marinig ka niya. Sasabihin ko sa'yo kung ano ang itinatago niya. Atin-atin lang hah! Pero bago ang lahat, pumikit ka muna...