15. Mga Alaala sa Piano

1.2K 34 0
                                    

Nakapalibot ang natitirang limang miyembro ng Fallen Angels sa loob ng kuwarto na lagi nilang pinagpupulungan.

Nakasimangot sina Greg, Wesley, at Zyrene na naghihintay sa iaanunsyo ni Richard. Ang binata rin ang nagpatawag sa kanilang lahat.

Si Rose Ann naman ay nakabukod sa isang sulok, malayo ang distansya niya sa apat pang kasama.

"Malaya na tayo." Panimula ni Richard ngunit sa ekspresyon ng mukha nito, magmula pa kanina, ay halatang may pinipigilan itong damdamin. Maaaring pagkamuhi, kasiyahan, o paghihinagpis. Hindi sigurado si Rose Ann.

"Wala na si Sofia kaya---"

"Masaya ka na? Ganun ba?", sabat ni Greg. Hindi umimik si Richard.

"Pinatay mo siya, hindi ba? Para mapasayo na 'tong university at lahat ng mamanahin sana ng 'kapatid' mo. Palibhasa ampon ka lang kaya masyado ka nang desperado!"

Huminga nang malalim si Richard, inignora ang bintang ni Greg sa kanya. Muli siyang nagsalita.

"Pwede na tayong magkanya-kanya. Ito na rin ang huli---"

"Magkanya-kanya para mapagtakpan ang katarantaduhan mo at nang mabaon na namin sa limot?! Hah, kilala kita, Richard." Sa tono ng pananalita ni Greg ay tila gusto niyang maasar si Richard para umamin na ito sa pagpatay niya kay Sofia. Bumuntong-hininga lang ulit si Richard pero naging seryoso na ito nang harapin si Greg.

"Talaga? Mr. Secret Lover? Baka gusto mong ilabas ko ngayon ang baho mo." Ngumisi pa si Richard at humakbang papalapit kay Greg. Hindi naman nagpatinag si Greg sa matalim na titig sa kanya ng ka-grupo.

"Oh e, ano ngayon kung gusto ko si Sofia? Ako ba ang pumatay sa kanya?"

Tumalikod si Richard at mahinang tinawanan si Greg. Pagkakataon na iyon ng tatlo para magtinginan nang makahulugan. Nagkaisa sila sa mga tanong na gusto nilang iparating.

"Sa tingin mo ba, hindi ko alam na muntik mo nang samantalahin si Sofia nung nagpakalasing siya dati? At tinangka mo rin siyang sagasaan nang sabihin niya sayo na hindi ka niya gusto!"

Imbis na si Richard ang mainis, si Greg ang hindi na nakapagpigil. Dinaluhong niya si Richard at pinagsusuntok ito sa mukha. Nakakapagtakang hindi man lang lumalaban si Richard. Tumatawa pa nga ito. Parang si Michelle.

Inawat ni Wesley si Greg sa tuloy-tuloy na pag-atake nito pero maging siya ay tinalo na rin ng nagwawalang ka-grupo.

Nagsisisigaw naman si Zyrene habang si Rose Ann ay sinubukang lapitan si Greg at hawakan ang balikat nito. Subalit natulad lamang siya kay Wesley. Napaupo siya sa sahig at namilipit dahil sa suntok ni Greg.

"Tangina mo ah!", sabay tayo ni Richard nang makahanap ng tyempo.

Dahil sa mas matangkad at may mas malaking katawan si Richard, agad niyang naitumba si Greg.

"Pati babae pinapatulan mo!", isang tadyak pa sa sikmura ang huli niyang banat sa dating kaibigan saka nilapitan si Rose Ann.

"Ayos ka lang? Masakit ba?",tanong niya sa dalaga. Napairap naman si Zyrene.

Tumangu-tango si Rose Ann. Inalalayan siya ni Richard sa pagtayo. Hinawakan nito ang braso at baywang niya kaya kahit kumikirot pa ang ilang bahagi ng katawan, nakaramdam pa rin siya ng kilig sa ginawa ng binata. Palihim siyang nangiti sa kabila ng pagdududa niya dito.

Naglakad na sila palabas ng lumang silid na iyon nang biglang nanghina ang tuhod ni Rose Ann. Napakapit siya sa kamay ni Richard. Nahatak niya paibaba ang mga wrist band nito at  malinaw na nakita niya ang hugis tinidor na pilat sa bandang pulso nito.

Ang Sikreto Ni Kambal [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon