Naging tahimik na ang lahat matapos ang psychology class nila. Hindi siya napansin ni Richard pero alam niyang alam na ng lalaki na naroroon siya. Katabi lamang ni Richard ang babae na napagkamalan siyang si Rose Mary kanina.
Sa totoo nga ay hindi siya nakinig sa unang klase niya. Lihim niya kasing pinagmamasdan ang dalawa sa harapan. Nanggigigil siya nang walang dahilan. Hinihila-hila niya pa nga ang buhok para pigilan ang sarili. Wala siyang karapatan na makaramdam ng selos dahil isang beses pa lamang sila nagkakausap ni Richard. Imposibleng nahulog na ang loob niya rito.
Saktong gutom na rin si Rose Ann nang palabasin na sila ni Ms. Therese. Kinuha niya na kaagad ang bag para umiwas sa dalawa. Siya namang lapit sa kanya ng kinaiinisang babae.
"I'm sorry...", sarkastikong sabi nito sa kanya. "I thought na ikaw si 'ROSE MARY' na hinding-hindi namin makakalimutan."
Hindi siya nagsalita. Hinawakan naman ng babae ang buhok niya.
"Rose Mary's hair is long... oo nga no... Unlike you, Rose Ann. Alam ko na ngayon ang pagkakaiba niyo..."
Tinignan na naman siya ng babae habang pinandidilatan pa siya nito ng mata. Hindi makapaniwala na naiinis. Hindi sigurado si Rose Ann.
"By the way, my name is Sofia. Uhmmm... Rose Ann, concern lang ako pero...ang pangit kasi ng pagkakagupit ng buhok mo. Ipitan mo na lang kaya?"
Lumabas na nga ang kaklase niya na nagngangalang Sofia kasama si Richard at ilan pa sa mga kaklase niya. Hula niya ay sikat ang mga ito sa unibersidad kaya ganun na lang kung lumapit ang mga tao sa grupo nila Sofia.
Ngunit, tanging si Rose Ann lang ang nakapansin sa ginawang nakaw na pagsulyap sa kanya ni Richard. May pinapahiwatig ang binata sa kanya. May gustong sabihin.
***
Walang maupuan si Rose Ann sa cafeteria. Lahat ng uupuan niya panay sa pagsasabing 'may nakaupo na rito!' kahit wala namang nakaupo. Pakiramdam niya ay nanliliit siya sa mga taga-Maynila. Hindi na niya pinagpilitan pa ang sarili kaya nagdesisyon siyang sa mga bench na lang sa gilid-gilid kumain.
Dismayado si Rose Ann matapos makatanggap ng ilang pang-iirap sa mga ka-eskwela na ayaw siyang makatabi. Hanggang sa makahanap siya ng bakanteng bench sa bandang maraming puno.
Masayang umupo si Rose Ann. Agad na binuksan ang lunch box niya.
"Pwedeng makiupo?"
Napalingon si Rose Ann. Kilala niya ang babae. Ito yung nakasabay niya sa bus kanina! Nakangiti na ito ngayon at talagang nanibago si Rose Ann. Ang lahat ng mga tao kanina ay iniismiran siya pero natatangi ang babaeng kaharap niya ngayon. Mukha itong anghel...katulad ni Richard.
"P-pwede..." Hindi niya na namalayan pa na nakangiti na rin siya. Ewan nga ba kung bakit magaan ang pakiramdam niya rito. Mukha kasing katiwa-tiwala ang babaeng ito at hindi kayang manakit.
"Ako nga pala si Gela. Psychology ang kinukuha kong course. Ikaw?"
Kinakausap niya ako? Kakausapin ko ba? Anong sasabihin ko?
"Rose Ann ang pangalan ko... a-at pareho lang sayo ang course ko... "
Umiiwas pa ng tingin si Rose Ann baka kasi mapansin ni Gela na humahanga siya sa babae. Binuksan niya na ulit ang lunch box upang malihis ang pansin ni Gela sa kanya.
Pero nagkamali siya.
"Sinigang na hipon?! Talaga?", gulat na tanong ni Gela.
Muntik namang mabitawan ni Rose Ann ang hawak na kutsara dahil sa reaksiyon ni Gela.
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto Ni Kambal [COMPLETED]
Mystery / ThrillerKilala mo ba si kambal? Eh ang sikreto niya? Alam mo rin ba? Wag kang maingay. Baka marinig ka niya. Sasabihin ko sa'yo kung ano ang itinatago niya. Atin-atin lang hah! Pero bago ang lahat, pumikit ka muna...