6. Sa Ika-Limang Palapag

1.4K 33 1
                                    

"Duwag...", umalis na si Dolly sa nanggigitatang kuwartong iyon. Nasira na ang mood niya sa masayang papanoorin. Nawalan na rin siya ng gana na pumasok sa susunod niyang klase. Dahil ang pambubully kay Dolly ay isang bitamina na nagpapalakas sa kumpiyansa niya sa sarili.

Sumunod din sa kanya ang isa nilang ka-tropa. Pero hindi pagkainip ang nakikita niya sa reaksyon nito. Kundi, pagkasabik.

"Rose Mary, Rose Mary, kailan mo kaya kami tatantanan?", pagkuway lumanghap pa ito ng masangsang na hangin. Inirapan lamang ito ni Dolly saka eleganteng umalis sa abandonadong palapag. At sa tapat ng hagdan pababa, ay naiwan sa maalikabok na sahig ang isang makulay na maskara.

***

Hawak pa rin ni Rose Ann ang kaniyang maskara. Mabuti na lang at hindi niya kaklase ngayon sina Sofia dahil hindi niya pa rin makalimutan ang ginawa nila sa fifth floor. Ang ginawa ng mga ito kay Sandra.

Sandra?

"Rose Ann! Nandito ka na pala."

Bumalik siya sa realidad nang tawagin siya ni Gela na nakatayo sa harapan niya. Ganoon sila magkita. Coincidence nga na halos magkakapareho sila ng mga bakanteng oras kung kaya palagi silang nagkikita. May mga pagkakataon din namang hindi sila nagtatagpo.

"A-ano yang maskara?", nagtatakang tanong ni Gela.

Sinalubong din ng pagtataka ni Rose Ann si Gela.  Dahil biglang sumulpot sa isipan niya ang isang malaking tanong na halos hindi siya patulugin kagabi sa kakaisip.

"Gela, nasa... Fifth floor ka ba kahapon?"

"Fifth floor?"

Tumangu-tango siya.

"Sa fifth floor? Sigurado ka? Wala nang pumupunta doon ah. Abandonado na yung floor na yon, kasi nga may malagim na nangyari dun last school year."

Malagim. Gumapang ang takot sa buong katawan ni Rose Ann. Kaya pala wala nang estudyante ang nagagawi sa floor na iyon. Dahil sa isang malagim na pangyayari. Nalarawan niya pa ang babaeng walang sawang pinagtataga ng kutsilyo hanggang sa panawan na ito ng hininga. Inaabot ng naninigas na mga kamay nito ang kaniyang paa. Pati ang tumitirik nitong mata na namumula na.

"Bakit nandon ka? Di mo ba alam---"

"Gela, anong malagim na nangyari sa... fifth floor?" Inipon na yata ni Rose Ann ang natitirang lakas para tanungin ang kaibigan tungkol sa kuwentong ayaw niya talagang marinig. Pero nagbibigay ng kuryosidad sa kaniya.

Wala pa mang kinukwento si Gela ay hindi na mapakali si Rose Ann. Hinihila na naman niya ang maiksing buhok. Kinukutkot ang nakasimangot na maskara.

"May pinatay sa floor na yo'n."

"Bakit? Bakit mo ginagawa 'to? Bakit kailangang ikaw pa?"

Hindi nagsasalita ang tahimik na anino. Ingat na makalikha ng kahit anong ingay. Ngumingisi-ngisi lang sa babaeng nagmamakaawa sa dilim. Hindi niya iyon pinansin. Tuloy lang ang plano para sa kanya. Dahil kailangan niya itong gawin.

"Alam ko, wala kang galit sa akin... Pero bakit kailangan mo silang sundin? Wala kang mapapala sa kanila!"

Hindi pa rin umiimik ang mapagmasid na anino. Para sa kanya, isang napakalaking telebisyon lamang ang senaryong iyon kung saan isang babaeng puno ng kadramahan ang bida. Hindi niya na mahihintay pa ang susunod niyang gagawin.

"Itigil mo ito. Itigil mo na ito. Nagmamakaawa ako."

Humagulgol na sa iyak ang bihag na babae. Hindi na siya nagtangka pang sumigaw dahil gabi na nang mga oras na iyon. Wala nang ibang tao sa university maliban sa kanilang dalawa, ng tinuturing niyang kaibigan. Kaibigan na traydor pala sa kanya. Kaibigang kayang ipagpalit ang lahat ng pinagsamahan nila makamit lang ang hinahangad na isang kahangalan. Ibang-iba na nga ito kaysa sa una nilang pagkikita.

Ang Sikreto Ni Kambal [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon