11. Sa Laboratoryo ni Michelle

1.1K 40 0
                                    

Ang lahat ay nakatingin kay Rose Ann pagdating niya sa ikalimang palapag kung saan kanina pa siya hinihintay ng grupo ni Sofia.

Nakapameywang pa si Sofia nang harapin siya.

"Saan ka galing? Alam mo bang blah blah blah......."

"Sa grupo ni Sofia mo malalaman ang sagot diyan sa peklat ni Dolly..."

Paulit-ulit sa utak ni Rose Ann ang payo na iyon ni Gela. May punto ang sinabi ng kaibigan. Hinuha niya ay may kinalaman ang hugis tinidor na peklat ni Dolly sa Fallen Angels. Maaring hindi niya lang alam kung lahat ba ng miyembro ay mayroong ganoong tatak sa balat. Ngunit iisa ang sinisiguro niya, may sinisimbolo ang hugis tinidor na iyon. Malalaman niya kung lagi siyang didikit kayla Sofia.

"Para may silbi ka naman, Rose Ann. Tawagin mo yung panget na si Michelle! Aba, ilang araw nang hindi pumupunta dito! Nagtatago siguro. Paano, alam niya na ang mangyayari sa ginawa niyang pagbangga sa akin." Ngumisi-ngisi pa si Sofia. Ini-imagine ang sasapitin ni Michelle sa mga kamay niya. Ang nerdang iyon, siya na ang isusunod niya kay Sandra.

"Saan ba siya mahahanap?", parang alila na talaga ang ikinikilos ni Rose Ann. Gusto niyang makuha ang tiwala ni Sofia kahit hindi na ang lahat sa grupo.

Alam ni Richard na ubos na ang pasensiya ni Sofia kay Rose Ann kayat siya na ang sumagot. "Sa lumang science lab. sa second floor... Yung hindi na ginagamit."

Pinagtulakan pa si Rose Ann palabas ng sira-sirang kuwarto ng isa nilang kasama. Yamot man ang dalaga sa pinapagawa dahil kakaakyat niya lang pagkatapos ay bababa na naman ay tiniis niya na lang. Siya ang nangangailangan, siya ang matutong magtiyaga.

Sa second floor ay maraming estudyante ang pakalat-kalat. May gumagawa ng mga assignments, projects, documentary, at kung anu-ano pa. Halos wala na nga silang pakialam sa paligid nila. Basta maihabol lang nila ang mga requirements na kailangan maipasa. Pero may kakaiba sa mga estudyanteng nakakasalubong niya. Parang may iniiwasang amoy na nanggagaling sa dulong classroom. Lahat napapatakip sa ilong, hindi nila kayang ignorahin ang nangangamoy na kung anong basura sa nadadaraanan nila. Kahit abala ango lahat ay walang hindi makakatiis sa mabahong amoy na iyon.

"Sabihin kaya natin sa mga utilities?", suhestiyon pa ng isang hindi na makatiis na estudyante.

"Kanina pa yan eh.. Parang amoy patay na daga! Yuck!"

Sa kabila ng makapabaligtad-sikmurang amoy sa buong second floor ay hindi nawala sa isipan ni Rose Ann ang layunin niya roon. Ang hanapin ang lumang science laboratory. Habang papalapit na siya sa parteng iniiwasan ng lahat ay may naalala siya.

Dito niya nabangga si Michelle noong tumatakbo siya. Hindi kaya iyon na ang science laboratory? Ngunit bakit sobrang baho? Mailalabas niya na yata ang lahat ng kinain kanina sa umaalingasaw na amoy. Tinignan niya ang nakasulat sa itaas ng pinto. Ang unti-unti nang nabubura na:

Science Laboratory

Hindi nakakandado ang padlock na nakasabit lamang sa pintuan. Nangangalawang na rin maging ang doorknob.

Nagdalawang-isip pa siya kung papasok at baka lumabas pa lalo ang nakakasulasok na amoy. At sa pagpihit niya ng pintuan, sumuot sa ilong niya ang masangsang na kaamoy ng patay na daga. Lumabas ulit siya sa sa lumang laboratoryo. Umubo-ubo siya sa nalanghap na amoy. Bigla niyang naalala si Michelle. Ano kayang ang in-eksperimento nito sa loob? Bakit kailangang maging mabaho?

Ipininangtakip niya ang kuwelyo ng kanyang blusa sa kanyang ilong at pumasok ulit sa loob ng mabahong laboratoryo.

"Michelle?! Michelle? Nandyan ka ba? Tinatawag ka nila Sofia!"

Ang Sikreto Ni Kambal [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon