7. Mga Pagbabanta

1.3K 27 2
                                    

Tulad nga ng sinabi ni Richard ay magkasabay silang kumain sa cafeteria. Masayang-masaya si Rose Ann. Nakahanap siya ng kakampi. Tama talaga ang desisyon niyang makipag-ugnayan kay Richard.

Habang sila ay naglalakad, ramdam ni Rose Ann ang tensyon sa pagitan nila ng lalaking kasama. Kakaibang tensyon na nakakapagpangiti sa kanya. Nakalimutan na nga niya na si Gela na malamang ay naghihintay na sa bench na lagi nilang pinagkikitaan. Dahil ang mahalaga sa mga oras na ito ay ang presensiya ni Richard sa tabi niya. Sa kabila ng malamig nitong pagtingin at pagngiti sa kanya.

"Rose Ann, maupo ka na muna rito. Ako na ang oorder. Ano bang gusto mo?"

"Bakit pakiramdam ko, nababasa mo na ang nasa isip ko." Matamis na ngumiti si Rose Ann.

"Tempura with fried rice?", nawala ang pagkakangiti ni Richard. Naging seryoso na naman ito.

Ngunit pinatili ni Rose Ann ang ngiti sa kanyang labi atsaka tumango sa binata.

"Kambal nga talaga kayo. Mahilig sa hipon." Tinalikuran na siya nito at naglakad papuntang bilihan ng pagkain.

Naiwan si Rose Ann doon na nakaupo lamang. Pinanonood ang bawat taong pumapasok sa cafeteria dahil malapit lang sa kanya ang bungad nito. Masasaya ang lahat ng makita niyang estudyante. Karaniwan na tumatawa habang nagkukuwentuhan. Ang mga lalaki naman ay naghaharutan at nagpapayabangan.

Hanggang sa tumambad ang isang babaeng pamilyar sa kanya. Bugbog ang mukha at halatang may masamang nangyari ilang araw lang ang nakaraan. Mababakas sa mukha nito ang trauma. Yakap pa nito ang sarili na tila ba dadambahan ng kung sino.

Lumingon ito sa kanya at tinitigan siyang mabuti. Pinanglakihan siya nito ng mata.

"R-rose Mary?!"

Si Sandra na lumalapit sa kanya sa nanginginig nitong mga paa. Napansin niya ang naglalakihan at nangingitim na eyebags nito palatandaang hindi nakakatulog nang maayos ang babae. Halos kahawig na nga ni Sandra ang babaeng lagi niyang napapaniginipan.

"Buhay ka? O nabuhay ka para maghiganti?"

Paikot-ikot ang dilat na dilat na mata ni Sandra na siyang nakapagpataas ng mga balahibo ni Rose Ann. Kung titingnan kasi, parang baliw na babae ang nasa harapan niya.

"A-ako si Rose Ann... Kamukha ko si Rose Mary dahil...kambal ko siya."

Lalong naglakihan ang mga mata ni Sandra. Hinawakan pa siya nito nang mahigpit sa magkabilang braso. Ramdam niya na bumabaon na sa balat niya ang kuko ng nababaliw na babae.

"Kung ganon, ikaw yung--- HUWAG! Kahit anong mangyari! Huwag na huwag kang sasama sa kanila! Magsisisi ka lang katulad ng kambal mo! Huwag kang magpapadala sa kanila! HUWAG!"

"LET GO OF HER!", biglang sulpot ni Sofia sa tabi niya. Tinabig nito ang mga kamay ni Sandra sa braso niya. Nakita niya ang naiwang bakas ng kuko nito sa balat. Alam niyang sa susunod na araw ay magkakapasa iyon.

"Are you scaring Rose Ann? Pwes, nakakatawa ka. Tigilan mo na nga kami sa mga ganyan mo Sandra! Hindi kami natatakot!"

Kung nakakatakot si Sandra ay lalong nakakatakot ang tingin ngayon ni Sofia. Kita sa mga mata niya ang pagiging superyor. Nagsitawanan lang ang mga kabarkada ni Sofia. Halatang kontrolado ng kanilang lider maging ang ire-react nila.

Nakaani na ng ilang manonood ang iskandalo sa pagitan ni Sofia at ni Sandra. Ngunit alam nila kung sino ang hindi magpapatalo.

"Let's go Rose Ann. Kanina ka pa namin hinahanap. Nandito ka lang pala sa panget na yan."

Once you're in, there's no way out

"Hinihintay ko lang si Richard." Saktong dating ng binata sa pagitan nilang dalawa. Dala na nito ang in-order niyang tempura with  fried rice.

Ang Sikreto Ni Kambal [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon