Nakatulala sa kawalan si Rose Ann. Nakaupo siya sa tapat ng kabaong ni Sofia. Kanina pa siya naroon pero hindi niya pa rin sinisilip ang dating kaklase. Inaya lang naman siya ni Richard na makipaglamay doon ngunit kung tatanungin siya kung gusto niya bang sumama, ay hindi talaga. Ni wala nga sa tatlo pang miyembro ng Fallen Angels ang dumalaw. Kakaunti lang din ang mga kamag-anak na nagsipuntahan puro nasa likod pa.
Paalis na noon si Rose Ann matapos makapagpaalam kay Richard nang dumating si Mr. Mendoza, ang presidente ng Refestian University. Hindi ito malungkot. Kung ano ang itsura nito sa tuwing maglilibot ng unibersidad ay ganoon pa rin sa pagpunta sa lamay ng namayapang anak.
Kinausap ni Mr. Mendoza ang ampon na anak. Inakbayan ito sa balikat at kinausap ang binata nang masinsinan. Para bang sinasabi nito ang tungkol sa kanyang mamanahin. Hanggang sa labas na nila itinuloy ang pag-uusap ng iba pang mahahalagang bagay.
At sa isang sulok ay bigla na lamang lumitaw si Sandra na naglalakad palapit kay Rose Ann. May hawak itong sobre habang nakayuko lamang. Walang pag-aalinlangan na inabot iyon ni Rose Ann. Gusto sana niyang itanong kung ano ang nilalaman ng sobre pero inunahan na siya ni Sandra.
"Itago mo na yan habang wala pa siya. Ang hayop na 'yon. Akala ko hindi niya na idadamay si Sofia, nagkamali lang ako. Basahin mo yan at malalaman mo rin ang- nandyan na siya."
Humakbang nang malaki si Sandra at nagkubli ulit sa isang sulok. Saktong lumingon sa gawi niya si Richard na hindi niya malaman kung nakangisi ba o sadyang nagpapa-gwapo lang sa kanya. Yumuko siya at tinignan ang sobreng hawak niya. Inilagay niya ang kamay sa likod at lumapit ulit kay Richard.
"Um... Uuwi na ako. Hinihintay na ako sa bahay." Nakayuko pa rin siya.
"Sige. Ingat ka ha. Pasensiya ka na kung hindi kita mahahatid."
"Hindi. Ayos lang."
Mabilis siyang lumabas ng kapilya at sumakay ng jeep. Nagpalinga-linga siya sa bintana na para bang may hahabol sa kanya. Nang makalayo-layo na ay bahagyang inilabas niya ang papel na nakalagay sa loob ng sobre. Pinagpawisan siya nang malapot. Ito na yata ang sagot sa mga misteryong bumabagabag sa kanya gabi-gabi.
Dahil sa hindi na makapaghintay, binasa niya ang unang pangungusap na nakasulat sa papel. Sigurado siyang si Sofia ang nagsulat niyon dahil sa pamilyar na siya sa kanyang nabasa.
Hindi kami pumatay.
***
Tulog na ang kanyang Nanay Garia nang maka-uwi siya sa bahay. Agad siyang pumasok sa loob ng kuwarto at isinara ang pinto. Umupo siya sa gilid ng kama at dali-daling inilabas ang kabuuan ng sulat.
Ngayon niya lamang napansin na ang pagkakasulat ni Sofia sa sikretong liham para sana kay Richard, na kulubot ang mga letrang nasusulat doon. Mga panahon siguro na binu-bully si Sofia ng mga ka-eskwela at wala na sa tamang katinuan nang isulat iyon.
Hindi kami pumatay.
Gusto kong sabihin sayo yan nang walang halong panloloko pero hindi ka nakikinig. Mahal na yata talaga kita dahil nagpapakatanga na ako sayo.Nakita kita sa kwarto ni Dolly noong gabing namatay siya. Bago magsimula ang party nagpunta ka sa kwarto niya.Alam ko ikaw ang may gawa no'n dahil sa hindi mo makalimutan ang ginawa namin sa babaeng pinakamamahal mo. Pero ano?! Nagbulag-bulagan lang ako. Hinayaan ko lang na ako ang mapagbintangan ng lahat! Mahal kasi kita.
At kahit hindi ko nasaksihan ang pagpatay mo kay Michelle alam kong ikaw din yon. Akala mo ba hindi ko alam na gabi-gabi mong kinukuha ang cellphone ko? Hinayaan lang kita kasi alam ko gusto mong maghigante. At sa susunod na mga araw ay ako na ang papatayin mo.
BINABASA MO ANG
Ang Sikreto Ni Kambal [COMPLETED]
Mistero / ThrillerKilala mo ba si kambal? Eh ang sikreto niya? Alam mo rin ba? Wag kang maingay. Baka marinig ka niya. Sasabihin ko sa'yo kung ano ang itinatago niya. Atin-atin lang hah! Pero bago ang lahat, pumikit ka muna...