18. Ang Kambal Ni Rose Ann

1.3K 33 2
                                    

Ang mga panahong iyon sa tuwing maalala ko..

ang nagbibigay tulay sa aking pagkatao..

Nakikipaglaro ako noon sa aking kambal na si Rose Ann. Nakikipaglaro ako tulad ng pangkaraniwang ginagawa ng mga bata. Manika at ang suklay nito ang hawak ko samantalang si Rose Ann naman ay lutu-lutuan ang pinagkakainteresan. Nangingiti ako sa tuwing pinagmamasdan ko siya dahil ang ligaya niya ay ligaya ko na rin. Hindi lang kasi kami magkapatid sa pusod, maging sa puso na rin. Ganito kami magmahal, ang ibig kong sabihin, ganito magmahal si Rose Ann sa kambal niyang puno ng pagkukunwari.

Walong taong gulang kami noong naramdaman kong may mali sa akin. Nahinto ang interes ko sa paglalaro sapagkat iba ang nais kong manipulahin. Sawa na akong pagputul-putulin ang mga kamay at ulo ng mga manika ko. Hindi na sapat ang mga iyon sa mga bagong ideyang nagsusulputan sa isip ko ngunit napansin kong ang lahat ng bata ay naglalaro pa rin hanggang sa ganitong edad kaya nagpatuloy ako sa nakakabatong gawaing iyon.

"Rose Ann! Ako na lang ang tataga sa mga karne!", itinuro ko pa ang kutsilyo at karne na gawa sa plastic na pinagkakaabalahan niya.

"Ate, ano yung taga?", ignorante niyang tanong. Pagkalakas-lakas na tawa ang isinagot ko sa kanya. May mga lumapit na katulong at itinanong kung bakit ako tumatawa.

"Saan mo natutunan ang salitang yan? Kebata-bata!", halos pagalit na tanong ng katulong namin. Tumingin ako saglit ng masama sa katulong sabay yuko at hinaplos ang buhok ng manika ko. Mahinahon ko siyang sinagot.

"Sa T.V., sa kapitbahay, sa labas, sa lahat. Imposible ko bang marinig yun?"

Naputol ang usapan namin nang dumating na si Herminia, ang aming ina ni Rose Ann.

"Tama na muna yan. May mga dala akong pasalubong." Tumingin lang siya sa direksyon ni Rose Ann at para bang hangin lang ako na hindi dapat pansinin. Wala rin naman akong pakialam sa mga bitbit niya niyang puro utak-pambata lang ang laman. Interesado ako sa babaeng nasa likuran niya. Hindi ko pa nakikita ang mukhang iyon sa buong buhay ko. Ngumiti ang mahiwagang babae ngunit nagtatakang titig lang isinagot ko sa kanya. Napansin ako ni Mama Herminia kaya siya na mismo ang nagsalita na may pagkairita.

"Wala!... Bagong katulong." Itinulak pa ni Herminia  ang sinasabi niyang katulong palayo sa paningin ko. Tila ba may itinatago siya.

Kaya ayoko kay Herminia dahil mas mapagpanggap iyon kaysa sa akin. Ramdam ko ang mga maiitim niyang sikreto na nagkukubli sa kanyang pagkatao. Dahilan para layuan ko siya at hindi ituring na ina. 

Hindi na ako nagsalita pa dahil tulad ng bitbit niya ay wala rin akong pakialam sa kanya.

Pumunta ako sa kusina kung saan naroroon ang misteryosong katulong namin. Gusto ko ulit siyang makita. Unang pagkakataon ito na nagkainteres ko sa isang tao. May kakaiba sa babaeng yon na nagsasabi sa akin na mapagkakatiwalaan ko siya. Na siya lang ang totoo sa lahat ng kasinungalingan nasa paligid ko.

Naghihiwa siya noon ng gulay habang pinagmamasdan ko siya. Nakikita ko sa kanya ang itsura ko sa hinaharap. Isang maganda at mahinhin na babae. Tumingin siya sa kinaroroonan ko kaya naman napatalikod ako at dahan-dahang napangiti. Ayokong makita niya ang bagay na mali sa akin.. tulad ng pagngiti.

"Hoy Garia! Tumingin ka nga sa hinihiwa mo!", sigaw ng isang katulong namin sa kanya.

Garia pala ang pangalan niya. Natuwa ako sa nalaman ko at muling nangiti. Siya namang pagkakita ko kay Rose Ann na tinatawanan ako.

"Haha Ate! Wag ka na nga ngumiti! Hindi ka marunong! Di bagay sayo!"

Sa ganoong pagkakataon ay makikipagtawanan na lamang ako kay Rose Ann sa kabila ng matinding pagnanais ko na hablutin ang kutsilyo sa kamay ni Garia at isalpak iyon sa bunganga niya. Lagi ko na lang naiisip na hindi naman gawain iyon ng ibang bata na napapanood ko sa telebisyon.

Ang Sikreto Ni Kambal [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon