Araw-araw ay hindi mapakali ang mga palad ko. Palagi itong nangangati at hindi mapalagay. Hinihintay ko na lamang ang hudyat ni Sofia. Nasusuka na rin ako sa pagpapanggap na kaibigan ni Angela. Wala nang ibang tumatakbo sa utak ko kundi ang pumatay. Minsan pa nga ay gusto ko na silang unahan sa plano tutal ay palagi ko naman kasama ang taong papatayin namin. Ano nga ba ang punto ng pagpapanggap ko? Habang tumatagal ay lalo akong nababagot at nakakahalata na si Angela sa mga kinikilos ko.
"Galit ka ba sa akin?", tanong niya habang ako ay nakatingin sa lupa, nakapangalumbaba.
"Pwede, Angela, tumahimik ka muna?"
Sa totoo lang, mabait si Angela. Walang nakakainis sa kanya. Kung may taong malapit sa pagiging perpekto ay maaaring si Angela na iyon pero iba ang gusto ko. Gusto kong maging kaibigan si Sofia. Siya lang ang taong pwede kong ipakita kung sino talaga ako at hindi tulad nitong nagpapanggap akong mabait at pasensiyosa. Sa tuwing kasama ko pa si Angela ay naalala ko si Rose Ann dahil ugali ng kambal ko ang ginagawa kong basehan ng pagiging normal na tao.
"Rose Mary?"
"Pasensiya ka na Angela. Iniisip ko lang kung paano ko gagawin yung assignment mamaya. Nahihirapan kasi ako e."
"Gusto mo bang turuan kita? Ano bang assignment? Sa Algebra?", bukal sa puso na pag-aalok niya.
"Ay hinde. Wag. Ako na bahala. Magkwento ka na lang ng lovelife mo." Sabay ngumiti ako sa kanya nang pilit.
Kamakailan lang ay may nababanggit siya sa akin na may lalaking nagtatanong kung pwedeng manligaw sa kanya. Hindi niya sigurado kung seryoso ito kaya ayaw niyang sabihin sa akin ang pangalan.
"Ah. Ano e. Seryoso yata siya."
Napansin ko na biglang nag-iba ang awra ng kanyang mukha subalit napawi rin ng ilang saglit. Halata sa kanya na may gumugulo sa kanyang isipan.
"So? Ano nga ang pangalan?"
"Ipangako mo muna na hindi mo ipagsasabi kahit kanino!"
Kunwari ay nasasabik ako sa kanyang nalalaman ngunit bago niya pa sabihin ang pangalan ay kilala ko na kung sino ang lalaking tinutukoy niya.
Si..
"Si Richard."
Si Richard ang lalaking palaging kasama ni Sofia. Ang lalaking may kakaibang tingin kay Angela sa bawat pagpasok nito sa klase. Ang kaklase kong di ko malaman kung tapat ba kay Sofia o may sariling kontrol sa naisin niyang gawin.
Kahit kailan ay hindi ko pa nakakausap si Richard. Masyado siya mailap. Ni hindi nga siya kumakausap sa kahit sino at maging kay Sofia ay hindi ko kailanman nakitang nag-usap ang dalawa.
At anong motibo niya kay Angela sa gayong ang pinakamalapit na tao sa kanya ay planong patayin ito. At higit pa roon ay kaanib namin siya sa nasabing plano.
"Pero.. Pero malabo na yata ngayon, Rose Mary.."
Bumuhos ang kanina pang pinipigilang luha ni Angela mula sa kanyang mga mata. May nangyaring masama sa pagitan nila ni Richard.
Niyakap ko siya habang iniisip kung ano ang posibleng nangyari sa kanilang dalawa na maaaring dahilan kung bakit sumapi si Richard sa sikretong samahan.
..
"Salamat Bernie. Malaking tulong ang ginawa mo para--"
Hindi ko sinasadya na maulinigan ang pag-uusap nila Sofia at ng lalaking may makapal na salamin noong pasukin ko ang kwarto na pinagmamay-ari ng The Fallen Angels sa ikalimang palapag.
"Kung makapasok ka akala mo ganap ka nang kasapi dito a." May pagkairita na sita sa akin ni Sofia. Malayo pa rin ang loob nilang lahat sa akin. Walang sumusubok na kausapin ako bukod kay Sofia na walang ibang bukambibig kundi mga utos na palagi kong sinusunod sa ngalan ng pagiging magkaibigan namin.

BINABASA MO ANG
Ang Sikreto Ni Kambal [COMPLETED]
Mystery / ThrillerKilala mo ba si kambal? Eh ang sikreto niya? Alam mo rin ba? Wag kang maingay. Baka marinig ka niya. Sasabihin ko sa'yo kung ano ang itinatago niya. Atin-atin lang hah! Pero bago ang lahat, pumikit ka muna...