Pangwakas

1.2K 34 2
                                    

Nangangatog ang tuhod ni Rose Ann mula sa kinauupuan. Maging si Nanay Garia na ngayon ay nakahawak nang mahigpit sa kanyang kamay ay hindi na rin makapaghintay. Naiiyak silang dalawa dahil makakamit na rin ng dalaga ang diploma na matagal niya nang hinahangad. Diploma na magiging tulay para sa kanyang pinapangarap na trabaho.

"Rose Ann.. Malapit na ang speech mo. Huwag kang kabahan at baka makalimutan mo ang sasabihin mo."

Nakangiti si Nanay Garia hanggang tenga para maibsan ang kabang nararamdaman ng anak.

Magna Cum Laude si Rose Ann ngunit siya at ang kanyang ina lamang ang natutuwa sa matatamo niyang karangalan. Nagliliwanag ang kanilang paligid subalit napakadilim na awra naman sa ibang banda ng pinaggaganapan ng seremonya. Hindi sila natutuwa na ang isang baliw ay aakyat sa entablado at mag-aabot ng mensahe para sa mga normal na tulad nila.

Nagsimula ang malakas na bulungan nang tawagin na ang pangalan ni Rose Ann.

"Ano ba yan?"

"May baliw na magsasalita. May baliw na magsasalita."

"Shut up! Baka isama ka niyan sa Mental. I mean sa pagtatrabahuhan niya na Mental."

Dinig ni Rose Ann ang lahat pero wala siyang pakialam kung ano pa mang mapuputik na salita ang sabihin ng iba sa kanyang likuran. Dahil sa huli, sa kanya pa rin ang korona, ang tagumpay.

Nasa entablado na si Rose Ann nang may sumigaw mula sa iba. Bandang gitna sa mga manonood.

"Hindi ka talaga nakokonsenya?!"

Natigil sa paglakad si Rose Ann at napako sa kinatatayuan. Lumingon siya sa direksyon ng sumigaw at agad niya iyon nakita. Maputla ang kulay nito at halos pula ang suot na school uniform. Pamilyar sa kanya ang babaeng kumuha ng kanyang atensyon. Lumingon siya sa iba subalit tila ba siya lang ang nakakakita sa naturang babae.

"A-angella?"

Nganga ang bibig ni Rose Ann at patda pa rin sa babaeng minsan niyang naging kaibigan. Matatalim ang tingin nito na nagsusumigaw na wala siyang karapatan sa kinatatayuan niya ngayon.

"P-patay ka na.. Pinatay ka ni..ni.."

"Pinatay mo ako."

Biglang naglaho si Angella sa puwesto nito at muling nagpakita sa tapat mismo ng kinatatayuan ni Rose Ann. Nakalisik ang mga mata at nagngangalit ang mga ngipin.

"Ikaw si Rose Mary, tandaan mo. Hindi ka makakatakas! HINDE!"

"A-ako si Rose Ann.."

"Ako si Rose Ann.. Ako si Rose Ann.. Ako si.. Ako s-si.."

Lumapit ang dean nila sa nahihintakutang dalaga at hinawakan ito sa braso.

"Anong nangyayari?", tanong nito.

"AKO SI ROSE ANN!!!"

Isinigaw niya ito nang paulit.

Walang tigil.

Muli na naman nasira ang maganda niyang panaginip nang dahil sa isang bangungot na laging nagpapaalala sa kanyang totoong pagkatao.

"AAAAAAAAARRRRRRRRRRRHHHH"

Sabunot niya ang sariling buhok habang naghihiyaw.

"Nurse! Turukan niyo ng pampakalma!", utos ng psychiatrist na may hawak kay Rose Ann.

Sa lakas ng pasyente niya ay malapit na nitong mapunit ang suot.

"Maam nag-iilusyon na naman ata siya ng graduation niya."

"Anong oras na ba?"

"Alas dos po."

"Siguro nga."

Tumigil na pagsigaw si Rose Ann at maya-maya ay tumawa nang palakas nang palakas. May ibinubulong palagi na kasama sa bangungot niya.

"Ano Sofia? Nagsisisi ka na ba?"

--------------------E N D---------------------

Pls. VOTE 💓 and Follow 😀

Ang Sikreto Ni Kambal [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon