17. Ang Huling Kasapi

1.1K 32 4
                                    

Lamig.

Iyan ang unang naramdaman ni Rose Ann sa pagmulat ng kanyang mga mata. Nahihilo pa siya pero alam niyang nasa ikalimang palapag siya. Sa maruming kwarto na pinamumugaran dati ng Fallen Angels.

Umiikot pa rin ang kaniyang paningin. Pakiramdam niya ay isang araw siyang nakatulog. Sinubukan niyang mag-angat ng ulo pero lumungayngay lang ulit ito. Ramdam niya rin ang natuyong dugo sa noo niya.

Nakarinig siya ng mahinang yabag na papalapit sa kanya. Si Richard na naninigarilyo. May hawak itong bakal na biglang itinutok sa mukha niya. Hanggang sa inilagay nito ang bakal sa baba niya at sapilitang pinaangat ang kanyang ulo.

"Hoy! Gising!"

Ngunit masakit pa rin talaga ang ulo ni Rose Ann. Ni hindi nga niya maikilos ang mga kamay at paa.

"TANG INA! SINABING GISING NA EH!"

Kumuha si Richard ng isang bote ng mineral water na iniinom niya kanina at isinaboy iyon kay Rose Ann. Umungol lamang ang dalaga.

"Ano?! Nagising ka na ba? Sabihin mo lang kung hindi pa kundi ASIDO na ang ipangpapaligo ko sayo!", nakagat na nito ang sigarilyo sa sobrang panggigigil.

Malinaw nang nakikita ni Rose Ann ang mukha ni Richard. Nagpupuyos ito sa galit. Hindi na ito ang nakilala niyang lalaki noon na inihalintulad niya pa man din sa isang anghel. Ang Richard na mabait ay ibinaon na yata sa hukay ng kaharap niya ngayon. Nanlilisik ang mga mata nito at nanginginig ang panga. At kung umasta ay parang demonyo.

Sunod na napansin niya ay ang katawan niyang wala nang suot maliban sa undergarments. Kaya pala nilalamig siya. Tumingin siya sa bintana. Kahit na nakasarado ito ay alam niyang gabi na. Wala nang tao sa university. Wala nang tao ang pwede niyang mahingan ng tulong. Nawalan na siya ng pag-asa.

"Sa ginawa ko sayo, siguro naman, may naalala ka na." Tumalikod sa kanya ang binata.

A-anong naalala?

Ang pagkamatay ba ng isang lalaki na hindi niya kilala? Ang obsesiyon ng lalaking iyon sa kaibigan niyang si Gela? Ang pagkatuklas niya na si Gela ay isang multo?

O ang madiskubre niyang si Gela at si Angela ay iisa?

Napadilat siya ng mata sa mga naalala.

"Tama nga si Maam Therese. Baliw ka na!"

"Ikaw ang baliw!", ganti ni Rose Ann.

"Baliw nga ako pero mas nauna ka... Matagal na kitang sinusubaybayan. Simula nang mag-aral ka dito. Planado ko na rin ang lahat, pati ang paglapit ko sa'yo." Ngumisi pa si Richard sa kanya.

"Anong kasalanan ko sayo? Bakit mo ako dinadamay sa paghihigante mo?!"

"Kasalanan? Kung kasalanan lang din ang pag-uusapan, ikaw ang mangunguna sa kanilang apat na pinatay ko."

Nangangatal ang na ang mga kalamnan ni Rose Ann sa lamig at kaba. Nalilito rin siya sa mga pinagsasabi ni Richard. Nababaliw na nga yata talaga ito.

"Alam ko, hindi sila ang pumatay kay Angel. Pero dahil sa kanila, sa plano nila, namatay ang babaeng pinakamamahal ko! Niloko pa nila ako!"

Walang suot si Richard na mga wrist bands. Kitang-kita ang peklat nito sa bandang pulso.

"Ang sabi nila, hindi ako ang mahal ni Angel.. kundi yung nerdong Bernie na 'yon! Yun pala gawa-gawa lang nila yung picture na 'yon! Mga hayop sila! Lalo na si Sofia! At ang pinakahayop ay ikaw!"

Hindi siya itinali ni Richard sa kinauupuan tulad ng napapanood niya sa mga palabas. Ngunit ayaw rin naman niyang kumilos lalo pa kung wala ring tutulong sa kanya makalabas man siya ng kuwarto. Ang tanging paraan lang ay ang..

Ang Sikreto Ni Kambal [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon