4. Dalawang Salamin

1.6K 41 0
                                    

"Rose Ann."

Akala ni Rose Ann ay yayakapin siya ni Richard sa ginawang paglapit ng binata pero binulungan lamang siya nito nang may nakakaakit na tinig.

"Samahan mo ako."

Madilim na ang kalangitan. Si Rose Ann at si Richard na nga lang ang naroon sa  Refestian University. May mangilang-ngilang estudyante pa rin naman na piniling manatili sa unibersidad para tapusin ang kani-kanilang gawain. Iba naman ang rason ni Richard. Gusto niyang maglabas ngayon ng sama ng loob. Kasama niya si Rose Ann na naghihintay sa kanya na unang magsalita. Kasalukuyang naninigarilyo si Richard at nakatanaw sa kalangitan. Nakakunot din ang noo. Malalim ang iniisip. Napansin niya si Rose Ann na dalawampung minuto nang nakatayo sa gilid niya. Binato na ni Richard ang stick ng sigarilyo nang matapos. Inapakan ang natitirang baga nito saka tinignan muli si Rose Ann.

"Pasensya ka na ha. Masyado lang akong praning ngayon. Hindi kita pinansin kanina."

"Bakit ka naninigarilyo? Di'ba---"

Napangisi si Richard sa tanong ng dalaga. Iniipit niya ang namuong bara sa kanyang lalamunan.

"Ang sigarilyo... ang nagpapatanggal ng sama ng loob ko."

"Bakit? May sakit ka ba?", inosenteng tanong ni Rose Ann. Natawa naman si Richard.

"Nakakatawa ka. Masama ang loob ko kasi..."

Hindi mapakali ang tingin ni Richard. Kung minsan titingin sa kanya, minsan bigla na lang aalisan siya ng tingin. Parang may itinatago na maaaring makita sa mata ng binata.

Iniba ni Rose Ann ang topic para mapanatag na ang loob niya at ni Richard. Napansin niya kasi ang makukulay na wrist bands nito. Ngunit ang kulay na itim ang nangingibabaw sa lahat.

"Mahilig ka sa ganyan?", sabay turo sa kamay ng binata.

"Ah! Oo, nahiligan ko nung--- Basta. Nauso rin kasi dati. Hindi ko na tinanggal. Sayang eh."

Hahawakan pa sana ni Rose Ann ang mga wrist bands pero mabilis na ibinulsa ni Richard ang kamay. Hindi na ulit siya nagtanong. Hinayaan niya na lang ulit si Richard ang unang magsalita.

"May naging boyfriend ka na?", sa wakas ay tumingin na ito kay Rose Ann.

"W-wala pa." Mabilis na sagot naman ng dalaga.

"Talaga?", bumalik ang nakakatuksong ngiti ni Richard. Bumabawi sa kaninang inasal kay Rose Ann. Ayaw niyang makahalata ang dalaga. Kailangan muna niyang maging mahinahon hanggat maaari. Pero nauunahan siya ng init na nararamdaman.

Hindi kinaya ni Rose Ann ang ngiti sa labi ni Richard kaya iniwas niya ang tingin sabay iniba ang tanong. "Eh ikaw? Kayo ni Sofia?"

"Hindi kami no'n. Tropa lang kami. Iisa lang ang nandito." Tinuro-turo pa nito ang dibdib sa may gawing puso. Tama nga ng hinala si Rose Ann. May itinatago si Richard. Ang malungkot nitong nakaraan.

"S-sino? Nasan ---"

Umiling-iling kaagad si Richard. Halatang nasasaktan pa na tila sariwang-sariwa pa ang binabalikang alaala ng mukha ng isang babaeng minahal niya nang buong puso.

"Wala na siya. Pinatay siya."

Nagkatitigan ang dalawa. Para bang nagkakaunawaan. Naiilang na nga si Rose Ann pero ayaw siyang tigilan ng titig ni Richard.

Pinatay siya.

Si Rose Mary kaya ang tinutukoy nito?

***

"Binalaan kita Rose Ann. Nakita mo ako, di'ba?"

Muli silang nagkita ni Gela nang hindi ulit sinasadya. Kumakain siya habang mas pinili pa ng kaibigan na sermunan siya.

Ang Sikreto Ni Kambal [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon