Trisha's POV
"Trisha bakit tulala ka diyan? " tanong ni Harold sakin.
"Ang boring pala ng life pag wala si Angel noh? " sabi ko.
Angel is my bestfriend. Kasama ko siya mula pagkabata. Dito nanga ako nakatira sa kanila eh. Kinupkop nila ako mula sa pabaya kong ina na pinabayaan ko nadin. Pero minsan bumibisita parin ako dun kaya lang hindi ko lagi naabutan eh. Wala naman siyang sama ng loob sakin sa pag-iwan ko sa kanya. Masaya panga siya kasi wala na siyang palamunin.
Okay, balik tayo kay Angel. As I have said, she is my best friend. Kaya lang, ampon lang siya dito sa bahay nila tapos kahapon, kinuha na siya ng nanay niya - ng tuna na nanay niya.
"Nagsisisi tuloy ako na kinausap ko siya nun" sabi ko pa. Ako kasi ang kumumbinsi kau Angel na sumama sa nanay niya. Well, I'm in love with second chances.
"Hayaan mo na. Isipin nalang natin na yun ang makakabuti para sa kanya." sabi ni Harold sabay gulo ng buhok ko.
"Lokohin mo lelang mo. Eh malungkot kadin naman eh" sabi ko
"Alangan. Hindi ako sanay na walang alagain sa bahay. Masyaso ka kasing barako hindi mo na kailangan ng kuya" sabi niya
"Aba! Compliment ba yun o lait? " tanong ko. Hindi ko kasi alam kung way niya lang yun para sabihin na mature nako mag-isip eh.
"Syempre lait" sabi niya sabay tawa tapos sinubuan ko siya ng isang buong tasty na tinapay. Nabulunan man siya ihh #AngApiNakagantiNa hahahaha
Hayy, kung nandito si Angel, malamang katulong ko yun. Kung gano kadalas kaming asarin ni Harold, doble pa dun ang pranks namin. Pasimuno yun eh.
"Akala ko pa naman ligtas na ang buhay ko dahil wala si Angel hindi pala. Anong oras na hindi ka ba sasabay sakin?"
"Mamaya pa ang duty ko. Wala kaming pasok sa school. " sabi ko. Huhu wala si Angel wala akong kasama
"Anong oras out mo? Susunduin na kita baka gabihin ka ehh. " sabi ni Harold. Buti nalang talaga gentleman si Harold.
"10 pm" sabi ko.
"Sige. Magtxt ka kung magpapasundo ka ng mas maaga hah. Hintayin mo ako. Hindi ka pwedeng umuwi mag-isa" sabi niya.
"opo" sagot ko. Kuyang kuya talaga ang dating ni Harold ihh.
"Una nako" paalam niya
'Ingat" sabi ko "Sila sayo" pahabol ko.
"Lalo sayo" sabi niya.
Hayy, umalis na si Harold. May trabaho yun eh. Kami kasi ni Angel part time lang. Pero wala kaming klase ngayun kaya mamaya pa ang duty ko. Mas feel tuloy na wala si Angel sa bahay. Hayy.
Ano kayang magawa?
Wala akong maisip.
Angel bumalik ka na mababaliw na talaga ako dito.
Dahil wala talaga akong magawa, pumasok nalang ako ng mas maaga. Nagtrabaho. Pero may kulang parin talaga.
Mga bandang 9pm, may dumating na lalaki. Yung pogi! Natanggap pala siya. Okay nadin palang wala si Angel, walang sasaway sakin. (insert evil laugh here).
"Ampogi talaga nung bagong empleyado dito noh. Masipag pati. Alam mo ba balita ko, driver yan sa umaga, tapos sa gabi eto nagttrabaho parin." sabi nung isa naming kasamahan.
"Talaga, aba ayus yun ahh".
Time check: 9:30
Wala pa si Harold. ? Malapit nakong mag-out ah?. Bayae na. may 30 minutes pa naman.
Pero nakalipas na ang 30 minutes wala pa rin siya. Out ko na. Mapapagalitan ako nun kapag umuwi ako mag-isa. Sige nanga hintayin ko nalang.
"Uuwi ka na? Gabi na ah? Wala ka bang kasabay? " may pakielamerong nagatanong. Paglingon ko, si kuya pogi pala.
"May hinhintay ako. " sabi ko
"Boyfriend? " tanong niya.
"Boy na friend. " sabi ko.
"Eh ang boyfriend mo? Hindi ka ba susunduin? " tanong niya. Hindi niya ba alam na hindi kami close? Masyado siyang madaming tanong. Pasalamat siya pogi siya kundi.
"Wala akong boyfriend" sabi ko.
"Sa ganda mong yan wala kang boyfriend? " sabi niya. Ayun, pambansang line ng mga manloloko.
Ngumiti nalang ako. And thank God dumating na si Harold.
"Sorry Trish traffic kasi" sabi niya.
"Oh eh ano panga ba. Tara na?" sabi ko.
"Tara" sabi ni Harold.
At dun na nagtatapos ang pag-uusap namin ni kuya pogi pero hindi niya ako pinatahimik kasi napanaginipan ko siya. Waah. Bat ba kasi ampogi niya.?
At dahil weekend bukas, night shift ako. Hala naloko na. Malamang sa alamang night shift din siya.
Pero bakit ko ba siya iiwasan. Nauna naman ako sa kanya sa restaurant ahh. Siya ang mangilag. Pwe.
Okay tama nga ang hula ko. Sabay nga kami ng duty ngayun.
Masipag siya hah. At gentleman sa mga customer. Karaniwan pag ganitong oras wala na kami masyadong customer ehh. Pero ngayun hindi. Mukhang bentang benta siya sa madlang girls.
Hayy, nakakapagod. Salamat naman tapos na ang duty ko.
"May susundo ba uli sayo? " tanong sakin nung poging lalaki.
"Ah wala. May pasok din si Harold ngayun eh" sabi ko.
"Ihahatid na kita?" sabi niya.
Teka nga hindi niya ba talaga alam na hindi kami close?
"Wag kang mag-alala wala akong gagawin sayong masama o kung ano pa. I just wanna make sure you are safe "sabi niya. "Michael nga pala. Michael Ramires" sabi niya sabay abot ng kamay
"Trisha. Trisha dela Cruz" sabi ko naman.
BINABASA MO ANG
Playing the Game called Love
RomancePara sa mga nasaktan, umasa at patuloy na umaasa, Kamusta kayo?