CHAPTER 15

2 0 0
                                    

"Ano malayo pa ba? " tanong ko.

"Medyo. Wag ka ngang magreklamo. Tandaan mo ginusto mo to. " sabi sakin ni Angel.
"Hindi ko naman alam na ganito kalayo" sagot ko.
"Hindi kasi tayo pwedeng mag kotse eh. Mahahalata na tumakas tayo. " sabi ni Joshua.

Oo

Kasama namin siya.

Epal talaga.

Nababagot kasi ako kanina na hindi kami pwedeng gumawa ng ingay. Daig pa namin ang nasa pbb house na bantay sarado bawat galaw. Pati pagkain dapat proper. Ano bang malay ko sa dining etiquette na yan. Hayy, hindi yata talaga ako belong sa upper class.

Anyway, yun nanga. Nagpasya kaming tumakas kaya lang nahuli kami ni Joshua kaya sinama namin siya.

Nagpunta kami dun sa sinasabi ni Angel na ilog.

In fairness maganda. Maganda sana kung kaming tatlo lang. Kaya lang may sabit eh.

Naligo na sila. Sinabi kong ako nalang ang magbabantay sa gamit. Hindi ko kasi talaga feel kasama yung lalaking yun.

"Ano yan? Andito tayo para mag-enjoy eh mas nakakaenjoy picturan yang mukha mo eh" sabi sakin ni Harold.
"Alam ko namang maganda ako" sabi ko.

"Magandang isabit sa pader tapos lalagyan ng 'wanted ' " sagot niya.

Tiningnan ko lang siya ng masama.

"Ano ba kasing problema? " tanong niya.

Ano nga bang problema?

"Hey, Joshua. Is that you? "

Narinig kong sabi ng isang babae.

"Sandy" sagot ni Joshua ng parang nagtataka.

"So you're back. And you didn't inform me. Kundi ko pa nakausap si Ethan hindi ko pa malalaman" sabi nung babae.

"I'm sorry I forgot "

"come on josh. Do you really expect me to believe that? Eh halos oras oras kitang tinatawagan, tinetxt, at email. Kulang nanga lang sundan kita eh" pasigaw na sabi niya.
"Sandy"
"Ayaw mo na ba talaga sakin? Sabihin mo lang gagawin ko naman lahat eh"
"I'm sorry "
"Sorry? Ano ba josh. Ilang ulit ko yan sinabi sayo ah? "
"Ilang ulit ko nadin sinabi sayong kalimutan mo nako. Please. Tumigil ka na"

Lint*k kapal ahh. Pogi mo brad.

Naiinis ako.

Naiinis ako kasi nakikita ko yung sarili ko sa babae.

Paano ako hindi maiinis sa mga lalaki niyan. Kung wala naman talaga silang ginawa kundi magpa-iyak ng babae.

"Babe" sabi ko. Pasensiya na hindi nako makatiis eh. Lumapit ako sa kanila.

"Trisha? " gulat na sabi sakin ni Joshua.

"Siya ba? Siya na ba? " tanong nung babae.

"Oo. Pasensiya na Sandy " pakikisakay naman ni Joshua.

"No. I don't believe you. You love me. You love me, don't you? " tanong nung babae.

Hayy

Antang*. Sige ipagpilitan mo pa sarili mo. Baka magka award ka niyan. Push mo pa.

"Josh please" pigilan niyo ako sasampalin ko to.

"Pwede ba tumigil ka na? Nagmumukha ka nang desperada nagmumukha ka pang tanga" sigaw ko sa kanya.

"How dare you" sasampalin niya sana ako pero pinigilan siya ni Joshua. Kaya ako nalang ang sumampal sa kanya.

"Magising ka sana" sabi ko. Sabay walk-out.

Playing the Game called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon