CHAPTER 12

1 0 0
                                    

Sinabi ko ba dating iba siya? Well, i was wrong. The truth is... PARE-PAREHO LANG SILA.

Pinilit kong magpatuloy ang buhay ko. Hindi naman ako mamatay kahit mawala yung ex ko. Kahit iniwan niya ako, MAGANDA PARIN AKO.

"Balita ko nagpaalam si Michael, nag leave? " sabi ni Rica.
Itaas ang kamay ng walang pake
"Sayang tinigil pa naman na niya yung pambababae niya. " dagdag ni Rica. Nasa restaurant ako ngayon.

"Panoh mo alam? " tanong ko.

"may pakpak ang balita may tenga ang lupa" sagot niya.

Dahil sa sinabi niya, eto ako, tanga na naman. Pinuntahan ko yung bahay ni Michael.

"Iha sino ang hanap mo? " tanong sakin ng isang hindi ko alam kung concern o nakikitsismis na babae.
"Dito po ba nakatira si Michael Reyes? " tanong ko.

"Ay oo kaya lang wala sa diyan ngayon eh" sagot niya. "Isa ka ba sa mga naloko niya" nakakalokong tanong niya. Nasapian ata ito ng ispiritu ni Angel at ni Harold eh.

"Naloko? " pa-inocent na tanong ko.
"Madaming babaeng niloko yan. Lagi ngang may nasugod dito na niloko niyan eh. Salamat sa Diyos at tumigil na siya. " andaldal niya. Wala naman akong tinatanong kung tumigil na siya. Pero bakit? Dahil sakin? Hihi. Oh ano? Tanga na naman ako?

Nasa kalagitnaan ako ng fantasy world ng may biglang tumawag sakin na funny. FUNNYra ng moment. Sino pa nga ba? Edi ang Anghel na bumaba sa lupa. Ayun Bulagta

"Ano na naman ang problema mo sa buhay at mandadamay ka na naman" bungad ko.

"Ang haba ng nasabi pwede namang hello nalang. Papadala ko ba kay ma'am charo? " tanong niya.

"Wag na ako na" sagot ko.

"Mag leave ka" sabi niya

"Kaka bl ko lang" sabi ko.

"Magsakit sakitan ka nalang. Sasaktan kita kung kinakailangan" sabi niya.

"Loko ka ah" sabi ko "Ano bang meron"

"Pinapapunta kasi ako ni mother sa Bicol uli. Imemeet ko daw yung pinsan kong galing ibang bansa. Magkakaroon daw kasi ng party dun sa bahay ng lola ko" paliwanag niya.

"Eh anong papel ko dun?" tanong ko. "Pasosyalan yun. Kailangan ko ng karamay" sabi niya.

"Eh bakit ako? " tanong ko.

"Eh sino bang bestfriend ko?" tano g niya.

"Sino nga ba? " tanong ko.
"I hate you" malungkot na sabi niya. "Alam mo kapag ikaw ang may kailangan sakin hindi ako magdadalawang isip na samahan ka" pagpapakonsensya niya.

"Oo na sige na panalo ka na" sabi ko nalang.
"Yehey! Sige Bukas hah" sabi niya

"Bukas agad? " tanong ko.
Hindi niya na sinagot, pinatayan niya na ako. Bait niya noh?

Paglingon ko wala na yung aleng kausap ko kanina. Umuwi nalang ako.

Gabi narin pala. Kailangan ko nang magmadali. Award ako neto kay Harold pag nagkataon.
Sa kinasaya sayahang pagkakataon, meron pang nasa unahan kong magjowa ang mabagal na naglalakad sa harap ko. If I know magbbreak din kayo.
Nag overtake ako at dumaan sa gitna nila para magkahiwalay sila. hahaha ansaya saya.
#NgitingTagumpay

Nagmadali nako para mapa aga ng uwi kahit papano kaya lang traffic eh.

"San ka galing? " tanong ni Harold.
paano ba ako magpapalusot?

"Tanungin mo kung saan ako pupunta" sabi ko.
"Saan? " sabi niya.
"Ewan ko nga din. Isasama daw ako ni Angel bukas. Kailangan niya ng back up" sabi ko. "Pupunta daw kami sa mga kamag-anak niya sa Bicol"

"Gaano katagal kayo dun? " tanong niya.

"Aynaku. Hindi ko din alam. Pagsabihan mo yung kapatid mo. Pagkatapos ko pumayag pinag babaan na ako" sabi ko. "Sama ka"

"Ayoko nga" sabi niya tapos umalis na siya. #Wagi ohdiba. Hindi ako nagsinungaling pero nakaligtas ako sa supposed to be pagalit ko.

Ano kayang gagawin namin ni Angel dun? Lahat sila magkakamag-anak ako lang ang hindi? Hindi yun pwede. HAHAHA *ting* *Bright Idea *
Kumuha ako ng isa pang bag at pinag empake ko si Harold. Bukas niya na malalaman na isasama ko siya. Para wala na siyang magagawa.

Playing the Game called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon