CHAPTER 25

1 0 0
                                    

Trisha's POV

*Beep* akala ko masasagasaan na ako.

But the car stopped right before hitting me.

And I can't help but cry.

"Hoy magpapakamatay ka ba?" sigaw sa akin nung driver.

Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko. Iyak lang ako ng iyak at hindi ako makaalis sa sa pwesto ko.

"Hoy miss. Ano ba. " busina siya ng busina pero hindi ko siya pinapansin. Ano ba? Hindi ba pwedeng wait? Hindi pako maka get-over oh.

*Beep beep*

Iyak pa din ako ng iyak. Gusto ko sanang tumayo pero hindi ko kaya.

Hanggang sa naramdaman ko nalang na may bumuhat sa akin.

Inilayo niya ako sa kalsada.

"Nasaktan ka ba?"

Hindi ako sumagot. Hindi ako makapagsalita at iyak lang ako ng iyak.

"Hindi ko alam kung anong nangyari kaya wala akong idea kung paano ka patatahanin. Kaya sige. Iiyak mo lang yan " he then embraces me " dito ka nalang sa balikat ko umiyak para hindi ka masyadong magmukhang tanga"

At umiyak ako ng umiyak.

Sa balikat niya.

Hanggang sa umulan.

Pero hindi namin pinansin ang ulan.

"Wag mong intindihin ang ulan. Pinupunasan lang niyan ang luha mo" sabi niya. "Ilabas mo na lahat ngayon kasi sa susunod, hindi na kita papayagan na umiyak"

Ginawa ko ang sinabi niya.

Iniiyak ko lahat ng kaya kong iiyak.

Kahit naulan.

Mukha akong tanga.

Pero hindi halata.

Kasi yakap niya ako.

Kasi nakatago ako sa balikat niya.

Pinagtitinginan kami ng mga tao sigurado ako dun.

Sino nga bang matinong tao ang magyayakapan sa gitna ng ulan.

Pero wala akong pakielam.

Because all I feel now is pain.

Kaya inalala ko lahat. Simula nung una kaming magkita ni Michael, sa kung paano ko siya minahal. Bakit nga ba?

Hindi ko nadin matandaan.

Inalala ko lahat pati yung una naming pagkikita. Hanggang sa pagkikita namin kanina.

Habol ako ng habol.

Literal.

Pero hindi niya talaga ako marinig.

Ni hindi niya nagawang lumingon.

Hanggang sa muntik na akong masagasaan.

Pero wala paring Michael na dumating para iligtas ako.

Walang Michael.

Wala.

Pero merong Joshua.

Isang taong hindi ko naman kilala.

Isang taong walang alam sa lahat ng nangyari.

Yes,

The guy who saved me, hug me and shared this stupid act with me is a stranger.

A guy whom I know only by name. No more, no less.

His name is Joshua.

And at this moment, I'm very grateful of his existence.

Playing the Game called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon