CHAPTER 9

1 0 0
                                    

Paano ba mag move on? Gaano ba kahirap ang makalimot?

Nasa bakasyon ako ngayon kasama si Harold at Angel. Dinala nila ako dito sa probinsiya. Walang signal at wala masyadong tao. Obvious namang nanadya itong mga to para makatulong ehh. Pero hindi sila nakakatulong. Bakit?

"Trisha, ano? Nag-eenjoy ka ba? " tanong ni Angel.

"Ano bang topak niyo bakit niyo ko dinala dito? " tanong ko.

"Syempre broken-hearted ka ehh" sagot niya.
"Uy wag ka ngang ganyan. Dahan dahan sa pananalita. "sabat ni Harold "Kita mong niloko yan ng lalaki eh" dagdag pa niya. Salamat sa pagpapamukha ha.
"Ay oo nga pala. Sorry naman. " sabi ni Angel "Tara magfifishball. Sagot ko na yung kay Trisha. Broken-hearted yan ehh"

"Sige hahanap din ako ng loloko sakin para ilibre mo din ako ng fishball" sabi ni Harold.

"Nakakatulong talaga kayong dalawa. Salamat ha" sarcastic kong sabi. " Sige pa ulit ulitin niyo pang niloko ako ng lalaki".

"Feel the pain until it hurts no more " sabi ni Angel tapos nagpatugtog ng malungkot na kanta.

Lintik talaga itong dalawang toh. Halatang halata sa mukha nila na nagpipigil sila ng tawa ngayon. TRUE FRIENDS.

"Naalala mo ba nung una kayong nagkakilala"sabi ni Harold.

"Nung mga panahong yun hindi mo pa siya kilala" sabi ni Angel.

"Malamang" sabi ko.
"Sa laki ng mundo, pinagtagpo kayo" sabi ni Harold. "Sa liit laki ng mata mo nakita mo siya agad"
"Lintik kayo tumigil na nga kayo" alam ko kasing pinapaiyak lang nila ako kaya kung ano-ano ang sinabi niya.
"Napupuyat ka kada gabi kakaisip sa kanya" sabi ni Angel.
"Tigyawat sa ilong pati na sa pisngi" dagdag ni Harold.
"Hoy makinis ako hah" sabi ko.
"Tapos naisipan mong mag-ayos ng sarili para lalo ka niyang magustuhan. " sabi ni Angel.

"Tapos sasabihin niya sayo'Lalo kang Gumaganda'" sabi ni Harold sabay tawa.
"Pano niyo alam? " sabi ko tapos nagkatinginan sila tapos tumawa uli ng tumawa. Ako? Heto naiiyak na. Pinapaalala kasi nila sakin si Michael. Namimiss ko tuloy.
"Hanggang sa dating ang araw na napupuyat ka parin pero sa kakaisip na kung kelan siya magttxt sayo uli" sabi ni Angel.

"Isang araw bigla ka nalang niya iniwan at tinalikuran" sabi ni Harold.

"Tama na" sabi ko kasi naiyak nako.

"Pero patuloy kang umaasa na babalik parin siya at sasabihing 'Sorry nagkamali ako. Mahal na ulit kita'" pang-aasar ni Angel.
"At tatanggapin mo siya dahil sa kanya ka lang sasaya" sabi ni Harold.
"Tapos lolokohin ka niya uli para iparealize kung gaano ka katanga" pambasag ni Angel.

"Ganun yung ending? " tanong ni Harold habang tawang tawa sila ni Angel na pinagtatawanan ang paghagulgol ko. P*tek. TRUE FRIENDS .

"BAHALA KAYO DIYAN" sabi ko sabay takbo papalayo sa mga baliw na yun.

"Ikaw kasi Angel ehh. Alam mo nang broken-hearted yung tao" sabi ni Harold.

"Ikaw kaya to diyan. Kita mong niloko nanga yung tao ginaganyan mo pa" sabi ni Angel.

Sinundan nila ako para pag-usapan yan. Napakababait nila ano? Sa susunod na hahanap kayo ng kaibigan dapat kagaya nila hah?
Tumakbo ako at nagkulong sa kwarto habang naririnig parin ang tawanan nila at ang pagpapaulit ulit sa usapang broken hearted nila. Natotouch talaga ako. SOBRA. Hindi ko alam kung pano sila pasasalamatan . Sapat na ba ang itali ko sila sa puno na punong puno ng antik? O ihagis ko nalang kaya sila sa ilog? Yung may buwaya para mas happy.
Dear Karma,
Kayo na ang bahala kay Harold at Angel.
Nagmamahal
Ang broken hearted na si Trisha

Pero hindi pa natatapos dun ang pangungulit nila. Dahil nakakulong ako sa kwarto, kumanta nalang sila ng malakas.

Sayang na sayang lang

Ang pag-ibig ko

Laan pa naman ang puso ko sayo

Naalala ka pag nag-iisa

Sa pangarap ay kasama kita

Tapos nilagyan pa nila ng voicing. EFFORT.

sayang na sayang lang

Ang pag-ibig ko (ang pag-ibig ni Trisha)

Laan pa naman ang puso ko sayo (Laan ang puso kay Michael)

Naaalala sino? (si Michael)

Pag nag-iisa.

Sana ako ay balikan mo na

Hindi nako nakatiis at lumabas na ko ng kwarto. Bumungad lang naman sakin ang mga mukha nilang tawang tawa.

"Mukha kayong made in China " sabi ko. Nakapikit na kasi sila at naluluha sa pagtawa.
"Mukha ka namang panda" sabi sakin ni Harold.

"Hindi niyo ba ako titigilan? " seryosong tanong ko.
"Bakit kami titigil eh dito kami masaya? " sabi ni Angel.

"Masasaktan kayo sakin"nakaamba na akong hahampasin sila.

"Oh oh" pagpigil ni Harold "Ikaw nga hindi ka tumitigil na mahalin siya kahit masakit na ehh"

Pagkasabi niya nun, humagulgol na naman ako #WhoGoat naman kasi ehh. Tapos sila tumawa lang ng tumawa. Kaibigan ko ba talaga sila.

Umalis si Harold sandali tapos may kinuha. Pagbalik niya may dala siyang salamin.

"Tumahan ka na"tapos tinapat niya sakin yung salamin.

"Ampanget"sabi ko.
"G*ga" sabi ni Angel" Mukha mo yan"
Tapos tumawa na naman sila. Hindi ko napigilang tumawa na din. Laughtrip pala talaga yung mukha ko. Mukha akong panda. Hahahaha.

"Wag kang tumawa" sabi ni Angel "Ikaw yung pinagtatawanan"

"Aba loko to ah" sabi ko. Tapos kumuha ako ng unan hinampas ko siya.
Ang ending?
Nag pillow fight kaming tatlo.

Playing the Game called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon