CHAPTER 22

1 0 0
                                    

"Okay guys break muna tayo 15 minutes" sabi ni Sir Raul - yung nagtuturo sa amin.

"Babe dito ka lang hah. Kukuha ako ng maiinom natin" paalam ni Joshua.

"Sige" tapos umalis na siya.

"Sila kaya?"
"Ewan ko Babe ang tawagan ni Josh sa kanya eh"

Narinig kong usap-usapan ng mga kasamahan ko. Bigla akong nakaramdam ng pagkailang. Dapat pala sumama na ako kay Joshua.

"Hi Trisha nga ba?" tanong sa akin ng isang lalaki.
"Ah oo. Ako nga. May kailangan ka?" tanong ko. Hindi ako makapagtaray. Naiilang ako. Andami kasing nakatingin sa amin.

"Ako nga pala si Marlo" sabi niya sabay abot ng kamay para makipag-shake hands.

Luh anong gagawin ko? Iaabot ko din ba ang kamay ko? Okay lang ba yun?

Pero dajil nahihiya ako, inabot ko na yung kamay ko.

"Ah hello" then bigalamg dumating si Josh kaya naabutan niya kami in that 'shake hand' situation. Wala naman akong ginagawang masama pero bakit parang nakaramdam ako ng guilt?

"Marlo" tawag ni Josh

"Pare nakikipag-kilala lang ako sa kasama mo" paliwanag agad ni Marlo.

"She's Trisha and you're Marlo. So Okay na? Makakaalis ka na" diretsong sabi niya.

Walang nagawa yung Marlo at umalis na din.

"Trish. Eto yung tubig mo oh. Binili din kita ng sandwich. Baka kasi nagugutom ka na" ay, bakit hindi babe?

"Salamat"

Hindi na nagsalita si Josh. Hindi niya na ako kinausap pero hindi niya din naman ako iniwan. Magkatabi lang kami dun habang nakain.

Naa-awkward ako na.hindi niya ako pinapansin pero mas kumportable ako na nandito siya sa tabi ko kahit hindi naman kami nag-uusap

"Nakikipag-kilala lang sa akin si Marlo" pagbasag ko sa katahimikan namin.
"Yeah. Getting to know each other is always the first step"
"Hindi ganun. Maybe he's just trying to be friendly"
"Trisha, lalaki din ako. Hindi ako lalapit sa isang babaeng kakikita ko lang kung friendship lang ang habol ko"
"Eh bakit naman hindi friendahip ang habol niya diba? We're in one group now. Kung tatagal ako dito ng two months dapat kilalanin ko..."
"KASE MAGANDA KA" hindi niya ako pinatapos. Teka. Hanudaw? "Walang masama sa makipagkilala Trisha. In fact, it's nice that you're trying. Pero ayaw ko namang sakit ng ulo na naman ang makita mo dito. Seriously, maganda ka kaya posibleng madaming lumapit sayo na lalaki dito. Hindi lahat ng oras nasa tabi mo ako. Kaya mag-ingat ka" that's the most sincere that I've ever heard from Josh.

I can't help but smile at him.

"Mag-iingat ako"

Playing the Game called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon