CHAPTER 3

4 0 0
                                    

Nagpatuloy na ganun si Michael. Hindi niya man ako laging nasusundo pero palagi parin siyang natawag at nagttxt. Naiintindihan ko naman na busy siya kasi dalawa ang trabaho niya kaya okay lang na hindi niya ako laging nasusundo. Lagi din naman kaming nagkikita sa trabaho kasi madalas kaming nagkakasabay ng sched .

Hindi tulad ng ibang lalaki, ayaw niya na lalabas ako ng naka mini-skirt. Napaka gentleman niya din. Hindi siya pumapayag na ako ang unang lalabas sa kotse niya gusto niya pagbubuksan niya ako. Kapag magkasama kami, pinagsisilbihan niya ako. Kapag magkasama kami,  alam kong safe ako. Walang pwedeng mambastos sakin. Walang pwedeng manakit. Kapag kasama ko siya, walang dahilan para malungkot.

Hindi pa man kami matagal na magkakilala, alam ko sa sarili ko, Iba siya.

Hindi ko na pinatagal ang panliligaw sakin ni Michael at sinagot ko siya. Nung time na yun parang gulat na gulat siya. Siguro ganun siya matuwa. Masaya akong mapasaya siya. Masaya akong minahal ko siya. I love him so much. Sa maikling panahon ng panliligaw niya, minahal ko talaga siya.

Hindi nagbago si Michael kahit sinagot ko na siya. Ganun parin. Hatid-sundo. Text, tawag.

"Hon, pasensiya na busy ako ngayung mga nakaraang araw ha" sabi niya. "Iba na kasi ang ipinagddrive ko eh. Yung anak na ng amo ko" sabi niya.

"Anong busy? " tanong ko. "Hindi ko naman dama eh. Lagi ka paring nagttxt at tumatawag" sabi ko.

"Pero hindi na kita laging napupuntahan" sabi niya.

"Okay lang yun" sabi ko.

"Sabihin mo lang kung ayaw mo na hah" sabi ko.

"Ano ka ba?  Hindi ako ganun noh. Hindi kita susukuan agad-agad" sabi ko.

Ngumiti lang siya.

Si Michael talaga. Siguro gusto niya talaga akong masaya palagi. Gusto niyang iwan ko siya kasi hindi niya ako nabibigyan ng time? I won't do that. Kung may magpapasaya man sakin, siya lang yun. Sobrang mahal ko talaga siya. Hindi ko na siya kayang mawala.

Sinamahan niya akong mamili ng mga damit. Napapansin kong ibinabalik niya lahat ng kinukuha kong maikiling short at mini skirt

"Matatapos nga ako niyan kung ibabalik mo ng ibabalik a ng mga kinukuha ko" sabi ko.

"Ayokong suotin mo yan" sabi niya. "lalaki din ako . Alam ko kung paano mambastos ang mga lalaki. Kung gusto mong irespeto ka nila, ipakita mong karesperespeto ka at magsuot ka ng disente" sabi niya.

Sinunod ko nalang ang sinabi niya at hindi nagpahalata na kahit pinagalitan niya ako,  na touch ako. Sobra. Ayaw niyang bastusin ako?  He's so gentleman talaga . I so love my boyfriend.

Playing the Game called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon