"Babaita kamusta ka na? Pinag-alala mo ako" bungad sa akin ni Angel pagmulat ko ng mata ko.
Lumingon ako sa paligid at napansin kong hindi pamilyar sa akin yung lugar.
"Nasaan ako?"
"Nasa kwarto ko. Dinala ka dito ni Joshua kahapon. Nahimatay ka kasi"
"Nasaan na siya?"
"Umuwi na. Alalang-alala nga sayo yun eh. Gusto kavg dalhin sa ospital kaya lang pinigilan ko. Baka paggising mo magpumiglas ka pauwi"Ayaw ko kasi sa ospital. Hindi ko ma-take ang pagkain at amoy dun. See. Kilalang kilala talaga ako ni Angel.
"Gusto kong magpasalamat kay Joshua gel" gel- short for Angel.
"Gusto mong tawagan? Eto number oh"
Binigay niya sa akin yung number pero hindi nasagot eh.
"Gel ayaw sumagot eh"
"Baka may ginagawa?" pero nag-aalala parin ako eh."Alam mo ba kung saan siya nakatira?"
"Sa condo lang siya nags-stay ngayon eh. Gusto mo samahan kita?"
"Tara" sabay hila sa kanya. Wala ng pa effect pa. Ganito kami ni Angel. Kara karaka.Nagpahatid kami ni Angel sa driver niya. Kaya lang biglang tumawag yung nanay niya na may urgent meeting daw siya at kailangan si Angel.
Hinatid niya muna ako tapos kinausap niya yung staff dun na ituro sa akin yung room ni Joshua. Naangal sana yung staff pero it so happen na sa pamilya pala nina Angel yung condominium na yun at alam din nilang magpinsan si Joshua at Angel kaya wala na silang nagawa. Aangal pa kasi eh.
So ayun. Nagpunta nanga ako sa unit ni Josh.
Kumatok ako.
Pinagbuksan niya naman ako agad ng pinto.
"Trisha? Come in" sabi niya "May problema ba?" agad na tanong niya.
"Ay, pag ako problema agad? Di ba pwedeng napadalaw lang?"
"I'm sorry. Please don't get me wrong"
"Joke lang. Upo ikaw" sabi ko sa kanya. Eh kasi naman bahay niya ito tapos siya itong nakatayo."What brings you here? "
"Tinatawagan kasi kita pero hindi ka nasagot""Nasira" sabi niya sa akin habang hawak yung phone niya.
"Ahh. Sorry"
Oo nga pala. Nabasa nga pala yung cellphone namin kahapon. Sadyang matibay lang talaga yung akin kasi lambatuhan yung cellphone ko tapos yung sa kanya touch screen. Ibe ne meyemen.
"Nandito talaga ako para magpasalamat. Para sa kahapon"
"Wala yun. Okay ka na ba? " napansin kong namumutla si Joshua."Oo okay na ako. Gusto ko sanang makabawi. Tara gala tayo. "
"Sige ba. Wala ng bawian yan hah. Magbibihis lang ako. " sabi niya sabay ngiti .Pagtayo niya, bigla siyang natumba. At dun ko nalaman, na sobrang taas pala ng lagnat niya.
"Ang init mo. Teka. " inalalayan ko siya para makatayo at inihiga ko siya sa kama niya.
Ano bang gagawin ko? Hindi ko naman pwedeng tawagan si Angel. Nasa meeting.
Nagpunta ako sa ref niya para tingnan kung may makakain siya.
"Anla. Dinaig pa ang factory ng instant foods. "
Yung ref niya kasi panay canton, noodles, de lata. Ano kayang nire-ref nito? Nagsasayang lang ng kuryente eh. Sa dinami-dami kasi ng nakalagay niya sa ref, tubig lang ang may hustisya. Sino bang matinong tao ang magpapalamig ng de-lata?
Therefore I conclude, hindi matinong tao si Joshua.
Nagpainit nalang ako ng tubig pero lukewarm lang at pinunasan ko siya para bumaba yung lagnat niya.
"Kailangan mong uminom ng gamot kaya lang walang laman ang tiyan mo" makabili nanga lang para mas mabilis.
"Wag mo akong iwan. Diba papasyal tayo? " hinang hinang sabi niya.
"Edi ba nga may sakit ka? "
"Diba sabi mo wala ng bawian"
"Magpagaling ka muna. "
"Wag mo akong iwan. Dito ka lang"Dahil ako si Trisha, hindi ako marunong mag-alaga ng pasyente. Ayaw ko sa makulit. Kaya tinali ko si Joshua dun sa kama at wala siyang nagawa kasi hinang-hina siya. HAHAHAHA. #NgitingTagumpay
Umalis na ako para bumili. Pero siyempre binilisan ko. Kahit papaano may awa naman ako.
Wala akong mabilhan ng luto ng lugaw kaya nagbili nalang ako ng ingredients . Bumili din ako ng prutas saka gamot at dali-daling bumalik kay Josh.
Natutulog siya pagdating ko kaya may time pa ako magluto.
Pagkatapos ko ginising ko na siya.
"Josh, kain ka muna para makainom kana ng gamot" pero hindi ko siya magising kaya binuksan ko yung mata niya tapos tinutukan ko ng flashlight.
Odiba
Effective.
Gising man siya.
#NgitingTagumpayNaNaman.
"Kain na. " dahil nakatali yung kamay niya, sinubuan ko nalang siya.
Ganun lang ang set-up namin, pinapakain ko siya, nakain siya.
Walang imikan.
Mukhang nasasanay na kaming hindi nag-uusap ah. Haha.
After ko siyang pakainin at painumin ng gamot, pinatulog ko uli siya pero maya't maya ko chine-check kung nababa ang lagnat niya.
Mga bandang ala sais ng gabi, nilalagnat parin siya. Pero kahit papaano nabawasan na ng konti.
Nakaka-guilty tuloy
Tumawag tuloy ako kina Harold na hindi muna ako makakauwi. Pumayag naman sila.
BINABASA MO ANG
Playing the Game called Love
RomansaPara sa mga nasaktan, umasa at patuloy na umaasa, Kamusta kayo?