CHAPTER 27

2 0 0
                                    

JOSHUA'S POV

TIME CHECK - 2:00 AM

antagal kong nakatulog. Pero medyo bumuti na ang pakiramdam ko.

Babangon sana ako kaya lang may tali sa magkabilang kamay ko.

Oo nga pala.

Tinali ako ni Trisha kanina. Ayaw ko kasi siyang paalisin

Kakaiba talaga yung babaeng yun.

Kamusta na kaya yun?

Nakauwi kaya siya ng ayos?

Tatawagan ko nalang siya sa landline. Nasira kasi yung phone ko eh.

Natanggal ko na yung tali na ginawa ni Trisha. Hindi naman kahigpitan. Hindi ko lang talaga matanggal kanina kasi hinang-hina ako.

Teka.

Ano nangang number nun?

Naisulat yun ni Angel sa maliit na papel eh. Nasaan na nga ba yung papel na yun?

Pagbukas ko ng ilaw, nanlaki ang mata ko.

She's here.

Hindi niya ako iniwan.

Natutulog si Trisha sa may sofa.

Hindi ko napigilang mapangiti.

Kumuha ako ng extrang kumot at kinumutan ko siya.

Kukuha sana ako ng malamig na tubig tapos napansin ko yung isang nakalagay sa Tupperware. Napansin ko din na may tira pang ingredients ng lugaw sa ref.

"Ibig sabihin pala siya ang nagluto nito? "

Ininit ko yung tirang lugaw tapos kumain uli ako.

"Oh gising ka na? " nagulat kasi ako na lumapit sa akin si Trisha.

"Hindi. Ako ang konsensiya mo. Nandito ako para siguruhing walang sebulok sa plato mo" sarcastic na sinabi niya.

Ngumiti nalang ako kasi narealize kong obvious nga naman yung tanong ko.

"Nagutom? " tanong niya.

"Natakam. Masarap ka palang magluto"

"Hunger is the best seasoning "
"Seryoso masarap talaga. Paano ka natuto? "
"Hindi ko nadin matandaan. Lumaki naman kasi ako na walang nag-aalaga sa akin. Ang tanda ko lang 5 years old plang ako nagsasaing na ako. Tapos mga 7 nagluluto na ako"
"Nasan ang nanay mo? "
"Ewan. Hindi kami nagkakatagpo nun. Napa away panga ako nung bata ako kasi napabalitang pokpok ang nanay ko eh. Nag-iiwan lang siya ng pera sa akin. Hanggang sa kina Angel na ako tumira. Tapos bonding padin namin ni Angel ang pagluluto. "
"Ahh. Kain ka din" pag aalok ko.
"Sige nagugutom na din ako eh"

Tapos pinaghain ko siya.

"Ako na. Baka mabinat ka pa niyan eh"
"Ako na. " pamimilit ko. Kumuha din ako ng tinapay at pinagpalaman ko siya.

"Kamusta na pakiramdam mo? "
"Never better " sagot ko.

"Never better. Never better. May tira ka pa sa pisngi. "
"Ay sorry" sabi niya sabay punas sa may pisngi niya.

"Hindi ka naman masyadong sarap na sarap sa luto ko ano? "
"Sabi mo nga. Hunger is the best seasoning "

Nagtawanan lang kami.

"Ikaw ang namimili ng mga kakainin mo? "
"Oo. Bakit? "
"Puro instant foods kasi ang laman ng ref mo. Ambilis mo tuloy magkasakit"
"Hindi naman kasi ako marunong magluto eh"
"Ehem. Ehem. Nasa harap mo ang eksperto. Hindi ka ba magpapatulong? " pagmamayabang niya.

"Warning lang. Kahit magprito ng itlog hindi ako marunong"
"Kaya nga mag-aaral eh. Pero kung ayaw mo, okay lang naman. Sakin nama'y wala yun"
"Oh walang bawian ng offer. Touch move"
"Hahah. Atleast quits na tayo. Tinuturuan mo ako magsayaw, tuturuan kita magluto "
"Haha sige sige"

Playing the Game called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon