CHAPTER 21

2 0 0
                                    

"Babe. Andaya mo hindi ka nagpaalam saakin kahapon" lumapit saakin si Joshua habang naghihintay kami nung magtuturo samin.

"Bakit ako magpapaalam sayo? Close ba tayo? "
"Hindi. Pero dapat open tayo. "
"Open? "
"Open sa thought na baka magkatuluyan tayo"
"In your dreams. Lumayo layo ka nga saakin. Allergic ako sabi eh"
" dadali ka na naman sa defense mechanism mong wala eh. Di bale. May magagawa tayo diyan"
"Tantanan mo nga ako"
"You were wrong about boys Trisha. You were wrong about me"

Galing sa seryosong mukha na muntik niya na akong mapaniwalang seryoso siya bigla siyang ngumiti tapos umalis.

May babaeng lumapit saakin.

"Hi ako si Sheen. Ikaw ba? "
"Trisha" nakangiti ako. Mabait ako sa mga babae eh hihi.

"Ikaw yung kumanta kahapon diba? "
"Oo. Ako nga"
"Huy anggaling mo ha. Damang dama ko yung emosyon"
"Salamat"
"Kaya ka ba kumanta kahapon para kay Joshua? "
"Hindi ah. Para yun sa audition"
"Audition ng? "
"Para makapasok dito"
"walang audition dito. Kahit sintunado ka o parehong kakiwa ang paa mo, tuturuan ka nila"
"Eh bakit sabi ni Joshua? " ngayon naiaanalyze ko na ang kalokohang ginawa ni Joshua. Nakakaasar.

Wrong about you pala hah.

"Mukhang napagtripan ka ni Josh ah"
"Nakakahiya"
"Okay lang yun magaling ka naman eh" sabi niya.

Hindi na natapos ang chikahan namin kasi dumating na yung magtuturo.

Ako naman wala na sa ulirat ko hanggang ngayon. Nakakahiya. Bakit ganon? Sinabon ko naman. Huhu.

"I'm sorry na late ako. Para madali tayo, yung mga old member partneran yung mga bagong sali hah. Babae sa lalaki. Go"

"Babe. Partner tayo"

Hindi ko pinansin si Joshua naghahanap ako ng walang kapartner.

Sino ba dito ang old member?

Anubayan.

"Wala ka ng choice " mukha nga.

"Bakit ba anlaki ng galit mo saakin? "
"Manloloko ka kasi"
"judgmental ka masyado"
"alam ko na na wala talagang audition. Nakakahiya. " tapos pinalo ko siya ng pinalo hanggang sa makuha ko yung attention ng nagtuturo.

"I'm sorry " yun nalang ang nasabi ko tapos umalis nako.

"Trisha.wait lang" hinabol ako ni Joshua.

"Tantanan mo nga ako"
"Yung kahapon, hindi ko itatanggi yun okay. Sorry. Trust me hindi ko na ulit uulitin yun"
"At bakit naman kita pagkakatiwalaan pagkatalos mo akong lokohin?"
"Dahil malulungkot si Angel kapag nalaman niyang hindi mo na itutuloy ito"
"I'll explain everything to her."
"Paano mo gagawin yun ng hindi siya nalulungkot? Nakita kung gaano siya kasaya kahapon diba? Kasi finally one step away ka na sa agiging expert magpakatanga. She even ask my help to help you here"
"But you didn't"
"I'm trying"
"No you're not"
"I am. Ikaw to diyang ayaw magpatulong eh"
"So ako pa ngayon ang may problema"
"Eh ikaw naman talaga. Two months lang naman itong workshop na ito. Baka pwede mo nang isakripisyo yun para naman mapasaya yung mga taong walang ibang gustong gawin kundi ibalik yang ngiti sa mukha mo"

He got me there. So I stop and face him.

"Two months lang. Susuplyan kita ng anti-allergy. Just let me help you here"
"Okay. Babalik na ba tayo?"
"tara"
"Bukas nalang.parang nakakahiya na ngayon eh."
"Pareho lang yun. Tara na. Mula ngayon, ako ang bahala sayo"

Hinila niya ako pabalik. Syempre nagtinginan samin yung mga tao pero hindi din naman sila nakapalag kay Josh eh. Nakalimutan kong related siya sa may-ari. Puro kamag-anak nga pala nila yung nandun sa party kung saan nkuha ni Angel yung calling card na binigay niya saakin.

"May problema ba?" tanong ni Joshua.nahalata niya atang naiilang ako.

"Hindi ako magaling sumayaw"
"Okay lang yan. Pagtutulungan natin yan. Sabayan mo ako hah"

Medyo nahihirapan talaga ako pero pinadali ni Josh ang buhay ko. Inisa isa niya kung ano ang dapat na gawin sa paa, sa kamay at sa kung saan saan pa.

Ayaw ko mang aminin pero najatulong talaga na nandito si Joshua para sa akin ngayon.

Playing the Game called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon