CHAPTER 14

1 0 0
                                    

This is where the true story starts

It was a long trip. Nakaka stress. Andami na naming SM na nadaanan, wala parin kami sa pupuntahan. Hindi pa naman ako sanay sa malayong byahe. Kanina pa nila sinasabing malapit na. Nakakapanlata.

"Humanda ka sakin Angel pagbaba. Hindi mo sakin sinabing ganito katagal ang byahe" hinang hina kong nasabi kay Angel.

"Sorry na. Alam ko kasing hindi ka sasama kapag sinabi ko eh" sabi niya. " Wag kang mag-alala malapit na talaga. Tanaw ko na yung Mt. Mayon oh"
Pagtingin ko sa labas nakita din yung Mt. Mayon. Dangganda ihh.
After a while, tumigil na yung sasakyan. We're here FINALLY.

Lumabas nako ng kotse tapos bumungad sakin ang malawak na lupain.

"Kina tita mo to? " tanong ni Harold.

"Oo. Ayun yung bahay nila oh" tapos may tinuro siya .
"Bahay ka diyan. Mas malaki pa ata yan sa SM eh. May mansion pala dito sa Probinsiya? " tanong ko.

"Dito nila piniling mag-stay eh" sabi niya

"May rules and regulations ba tayong dapat sundin dito o keri lang kahit ano? " tanong ko.

"You're free to do everything you want " sabat nung isang babae.

"BTW, siya nga pala si Tiya Rosita" pagpapakilala ni Angel.

"Good Afternoon po" magkasabay na bati namin ni Harold.

"Please enjoy " sabi niya. "Maiwan ko na muna kayo ha" sabi niya.
"Sige po" sabi ni Angel.

"Angganda niya" sabi ko pagkaalis nung babae.

"Nasa dugo na talaga namin ang pagiging maganda" pagmamayabang ni Angel.

"Nasa dugo wala sa mukha" sabi ko.

"Tara na. Mag-aayos pa tayo ng gamit" awat ni Harold.
Nagkatinginan kami ni Angel sa sinabi ni Harold. Mag-aayos ng gamit?

"Go Harold! Go Harold! Kaya mo yan! " pagchi cheer namin sa kanya. Sa madaling sabi, pinapagawan namin sa kanya yung pag-aayos ng gamit ng mag-isa.
"Teka sabit lang ako dito tapos ako ang pakikilusin niyo" pag-angal ni Harold.

"Ikaw ang nagsama kay Harold dito kaya ikaw ang tumuling sa kanya" sabi sakin ni Angel.

"Hoy pa inosente ka pa diyan" sabi ko. "Ikaw ang nagsama samin dito kaya Go Angel kaya mo yan"
"Sige ganito nalang. paunahan tayo" sabi ni Angel

"Saan? " tanong ko.

"Dun sa may dulo" sabi ni Angel. "Mahuli tutulong kay Harold "

"Game" sabi ko. Ako pa hinamon eh runner kaya ako.

1 2 3 takbo.

HAHAHA ambagal ni Angel. Tiningnan ko siya Anlayo ng agwat ko sa kanya.

BOOOGGGSSS

"Aray" sabi ko.

"What the heck sabi ng isang lalaki.
"Ano ganyan ka ba magsosorry? " pasigaw na sabi ko.

"Nauna ako" narinig kong sabi ni Angel.

Lumingon uli ako sa nakabunggo sakin.

"Kasalanan mo to" sabi ko.

Lumapit na sakin sina Harold at Angel.
"May peoblema ba dito? " tanong ni Harold.

"My fault " sagot nung lalaki "Hindi kasi ako nakaiwas agad alam ko nangang hindi siya natingin sa dinadaanan. Ambilis niya pa"

"Ah so kasalanan ko pa talaga" loko siya eh. Akala ko pa naman inako na yung kasalanan yun pala ibabalik din. Walang kwenta talaga amg mga lalaki. Nakakaasarr grrrr.

"Tama na yan. Tara na sa loob" sabat ni Angel.
Si Harold na ang nakipag-usap dun sa nakabunggo ko.

Nagpunta na kami sa isang malaking kwarto

"Dito ang kwarto mo" sabi ni Angel.

"Kwarto ko? " tanong ko.

"Hindi mo gets? Kailangan ko pa i explain? Kwarto mo. Dito ka matutulog, magpapahinga..."

"Ang ibig kong sabihin bakit ko? Diba pdeng natin? " pagsabat ko sa sarcasm niya.

"There was never an us" sabi sakin ni Angel kaya binato ko siya ng unan. Nag-uumpisa na naman eh.
"Dito na tayo lahat matulog. Mas malaki pa to sa bahay natin eh. Nakaka homesick " sabi ko.

"Dito ka nalang din matulog Angel. " sabi nung lalaking nakabunggo ko kanina . Anong ginagawa nun dito? "Dun nalang si Harold sa kwarto ko. " dagdag niya pa.
Nagtaka din si Angel sa sinabi niya "Joshua" tapos inabot niya yung kamay niya kay Angel parang shake hands

"Ah ikaw ba yan" napakasiglang sabi ni Angel. "Kamusta. "

"Pogi parin. "
"Saang banda? " sabi ko.
Tiningnan ako ng masama ni Angel. Bakit kaya?

"Hindi sarcasm yun. Nagtatanong talaga ako duh" sabi ko.
Inapakan niya yung paa ko.

"Aray" sabi ko.
Tumawa lang yung lalaki.

"Sige mauna na ako" sabi nung guy "Ikaw ba Harold? " tanong niya.

" Sige susunod nalang ako" sabi ni Harold.

"Sige" sabi niya tapos umalis na.

FC. Feeling Close. Kakaasar.

"Dahil natalo kita kanina, mag-ayos ka na ng gamit natin" singit ni Angel.

Oo nga pala. Grrr. Nakakaasar

"Hindi naman ako matatalo kundi dahil dun sa epal na yun eh" sabi ko.
"Ganyan talaga kapag talo. Madaming palusot" pang aasar ni Angel. "Ang mabuti pa tanggapin mo nalang hah"

Ako pala ang walang magagawa. Huhu. Ang ending, ako ang nag-ayos ng gamit namin. Nakaka asar.
Gaganti ang api. Maghintay ka lang kung sino ka mang epal ka.

Playing the Game called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon