Fourth day
Ang alam ko dapat pasasayahin nila ako ehh, eh kaso pinag impake nila ako. Uuwi na daw kami. Masyado ko ata talagang napuno si Harold kahapon. Edi ako na ang may over protective na kuya. Kuya kuyahan.
Ansaya ng byahe ihh. Walang nagsasalita. Ang hirap naman kasi nilang paliwanagan ehh. Hindi porke gusto ko ng update kay Michael magtatanga tangahan nako noh. Duh! Na naman? No way!
Wala lang tsismosa lang ako kung pano siya aatakihin ni manang karma.
"Nabibingi ako" sabi ko.
Nauna ata silang nabingi sakin kasi hindi nila ako pinansin. Tse."Sorry" sunod na sinabi ko. "First time kong nagmahal tapos niloko pako, anong ineexpect niyo magparty party ako? "
"Gusto ko lang gamitin mo yung utak mo" sabi ni Harold.
"Ginagamit ko naman eh kaya lang siya din ang laman eh" pang iinis ko.
Sinamaan niya lang ako ng tingin."Joke lang" pagbawi ko. "Mahal ko pa si Michael kaya may concern parin ako sa tao, hindi naman mawawala yun agad agad. Pero mahal ko narin yung sarili ko ngayon"
"Sa tingin mo ba makakatulong sayo yung update tungkol sa kanya? " tanong ni Angel.
"Sa tingin ko hindi makakatulong sakin kung tatakbuhan ko siya" sabi ko.
"Ikaw bahala. Basta wag tanga ha" paalala ni Harold.
"Opo" sabi ko. "Sa tinagal tagal ko ba namang nagmukmok syempre nakapag isip naman ako kahit papano no. May mga bagay lang talagang mahirap gawin ng biglaan"
"Sows mga palusot mo" pambasag emote na sabi ni Angel.
"Ikaw ba ang na broken heart? " tanong ko.
"Hindi. At hindi din ako ang naloko" sabi niya."Loko ka ahh" sabi ko.
Pero hindi ako nagalit kasi totoo hihi. Saka sanay nako sa closeness namin na sagad to the atay ang salitaan.
Dahil hindi nila ako pinasyal ngayong fourth day, pinasyal nila ako nung fifth day. Imaginin niyo ang isang buong araw na puno ng kalokohan at kulitan, yun lng naman ang nangyari or worse
BINABASA MO ANG
Playing the Game called Love
RomancePara sa mga nasaktan, umasa at patuloy na umaasa, Kamusta kayo?