Sino nga ba ang magiging sandalan mo kapag broken hearted ka? Edi yung mga sira-ulo mong kaibigan na nakalimutan mo nung nagka lovelife ka.
Pagkatapos nila akong pagtulungan sa pillow fight kahapon, naisipan naman nilang mag piknik ngayon.
"Hoy Trisha, ano ka na? Dalagang pilipina? Mahinhin effect? "sabi ni Angel.
"Kayo nalang kasi" sabi ko "Ayokong sumama kasi alam ko namang wala kayong ibang gagawin kundi pag usapan ang panloloko sakin"
"Neknek mo" sabi ni Angel "FYI wala ka nang choice"
"Wag kang mag-alala hindi na namin ipapa alala sayo na broken hearted ka ngayon. At niloko ka ng lalaki" sabi ni Harold.
"Asows" sabi ko pero hindi nako nakapalag kasi binuhat ako ni Harold.
Pagkadating naman dun sa lugar na pinuntahan namin na wala akong ideya kung saan, saka lang ako pinakawalan ni Harold the Great. Gravity! Ang ganda ng lugar.
"Saang lupalop ng mundo ito? " tanong ko
"Malayo sa sakit sa puso" sabi ni Angel. "Sigaw na" sabi niya.
Binigyan ko siya ng nagtataka look.
"Isigaw mo lahat ng galit mo. Malay mo makatulong " sabi niya."Walang magagawa yan" sabi ko.
"Wag ka ngang maarte. Sigaw na. " sabi niya."Magmumukha lang akong tanga" sabi ko.
"Mukha ka naman talagang tanga" sabi niya. "Pwede mong bugbugin si Harold kapag hindi talaga nakatulong sayo kasi siya ang nakaisip nito" dagdag pa niya. Kawawang Harold walang kamalay malay sa mga sinabi ni Angel dahil busy siya pag aayos nung mga dinala namin.
Iniwan na ako ni Angel.
Okay lang bang sumigaw? Sabagay, mukha na naman talaga akong tanga.
"ANG GANDA KO. SEXY, MABAIT AT MATALINO. HINDI KO DESERVE ANG LOKOHIN MO LANG. HINDI AKO LARUAN. HINTAYIN MO ANG KARMA MO. hindi nako HINDI NAKO MAGPAPALOKO ULI. HINDI NA. " at hindi ko napigilang umiyak uli. Hindi ko alam kung kaya ko pang pagdaanan ang ganitong sakit uli. Kaya hinding hindi na talaga ako magpapaloko uli. Hindi na."Angel" lumapit ako sa kanila."Kamusta si Michael? "
Halata kong nagtataka siya sa tanong ko."Hindi pa siya napasok hanggang ngayon eh. Pupuntahan ko siya pagbalik natin. Babalitaan kita" sabi niya.
"Sige" sabi ko.
"Ano yun? Papaloko ka uli?" tanong ni Harold.
"Hindi " sabi ko.
" Kelan pa nakasama sa career mo ang pagiging tanga? Your doing a great job " mahinahong sabi niya pero alam kong galit na siya."Wala na akong planong makipagbalikan" sabi ko. "Hindi naman madaling kalimutan lahat at ayokong takbuhan nalang. Mapapagod din ako sa pakiramdamna wala siyang pakielam. Ibalato niyo na sakin to oh"
"Bahala ka" sabi ni Harold tapos nag walkout.
Sinundan namin siya ni Angel pero hindi ko pa kayang kausapin si Angel. Wala pa din kasi akong maibibigay na magandang paliwanag sa kanya hanggang ngayon. Ayoko nangagpakatanga pero hindi ko parin kayang bitawan nalang ang ex ko sa buhay ko. Haayy, ewan.
Kakaisip ko, napansin kong nakatulala na pala ako. Nakita ko ang isang papel sa sahig. Dahil maganda ako, binasa ko.
First day - pahinga
Second day - papaiyakin
Third day - pasisigawin
Fourth day - pasasayahin
Fifth day - pauuwiin
May sapak talaga yung dalawang yun. Planado pala yung mga pinag gagagawa nila sakin. Binalik ko yung papel sa sahig para kunyari hindi ko pa nababasa. Sayang ang fourth day ehh. Hihi
BINABASA MO ANG
Playing the Game called Love
RomancePara sa mga nasaktan, umasa at patuloy na umaasa, Kamusta kayo?