CHAPTER 6

12 0 0
                                    

"Itigil na natin to. Bandang huli masasaktan ka din" sabi ko. Naalala ko lang yung sinabi sakin ni Michael bago siya nakipagbreak sakin.

Kaya ba siya nakipag break kasi nagui-guilty siya na niloloko niya ako?  O ayaw niya akong lokohin kasi mahal niya ako?

Tumingin ako sa salamin

Ang pangit ko. Ang pangit pangit ko.

Bakit nga ba naniwala ako na mahal niya ako eh ang gwapo niya naman. Masipag, gentleman. Sino nga ba naman ako para sa kanya.

Hindi ko namalayan na naiyak na pala ako. Naiyak na naman ako.

"Anong nangyari? " tanong sakin ni Harold.

Hindi ako sumagot. Niyakap niya lang ako.

Mabuti nalang may kuya kuyahan ako.

Pagkatapos kong umiyak, tinawagan ko si Angel. Kaya lang unattended eh.

Nagkulong lang ako sa kwarto. Pinapakain ako ni Harold pero wala talaga akong gana. Mas natripan kong matulog nalang. Pumunta ako kay Angel kaya lang wala daw siya ehh. Umuwi ako, pumunta uli tapos wala uli, tapos umuwi.

"Trisha kumain ka kahit konti. Magkakasakit ka nyan" pamimilit ni Harold.

"Ayoko ehh. Wala talaga akong gana" sabi ko.

"Napapano ka ba? Magtapat ka nga sakin. Broken hearted ka ba? " sabi niya.

"Matutulog nako" sabi ko.

"Sino ang nagpapaiyak sayo? " tanong niya. "Sabihin mo sakin igaganti kita" dagdag pa niya.

"Tse. Napaka basag ulo mo. Matutulog nako" sabi ko nalang.

Alam ko kasi nga totoohanin niya yun. Napaka protective kaya niya. Ayaw niyang sinasaktan kami ni Angel ng kahit sino. Kundi ko nga ito kuya,  pinatos ko na to eh. Haha joke lang. Pero half meant

"Busy kaya si Angel? " tanong ko.

"Kanina ko panga tinatawagan unattended eh" sabi niya.

Tinatawagan niya din pala. Asan na ba yung babaeng yun?  Kung meron mang makakagaan ng loob ko ngayon,  sigurado akong siya yun. Ayaw ko mang aminin sa kanya kasi baka lumaki ang ulo niya, anghel ko yun eh . Not exactly hah. Pero basta parang ganun na din. Kung may nakakaintindi man sakin ng buong buo, siya yun. Kung may nakakapagpatahan man sakin, siya lang yun. I really have to talk to her.

The problem is.. Wala siya.

Magtatampo na talaga ako. Ngayon lang siya nawala kung kelan pinaka kailangan ko siya

Maya maya nagpaalam na sakin si Harold kasi kailangan niya ding pumasok. Kung sineswerte ka nga naman, ngayon pa talaga ako nagsolo no?  Hayy

Maya maya nag ring yung cellphone ko

"Babaita anong kalokohan na naman ang pinasok mo? " bungad ni Angel.

"Ewan ko nga din" matamlay  na sagot ko. 

"Aba mukhang may drama ka ata talaga ngayon hah. Bakit di mo agad ako sinabihan? " sabi niya

"Anong hindi. Bruha ka naka-ilang punta nako sa inyo. Tawag ako ng tawag hindi ka sumasagot. text ako ng text hindi ka naman nagrereply"sabi ko.

"Sorry na nasira yung cellphone ko. Galing din kasi akong Bicol. Pupuntahan kita ngayon. Wag ka munang magbibigti hah. Hintayin mo ako magdadala ako ng lubid" sabi niya

"Bilisan mo hah" sabi ko

"Opo" sabi niya.

She hang up and after several hours

Playing the Game called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon