Sa sobrang saya ng kwentuhan namin ni Trishababe, hindi namin napansin na mag aalasais na pala ng umaga.
"Mukhang hindi ko na kailangan tanungin kung okay ka na kasi medyo obvious naman eh" sabi niya.
"Oo nga. Salamat sayo"
"Wala yun. Baka nakakalimutan mo, ako ang dahilan kung bakit ka nagkasakit"
"Hindi naman"
"Sige add pa natin yung super healthy mong mga kinakain"
"Edi ikaw na ang marunong magluto"
"Tuturuan kita some other time. Pero ngayon, uuwi na muna ako kasi umaga na"
"Ihahatid na kita"
"Hindi pwede kailangan mong magpahinga"
"Okay na ako"
"Hep hep" pagpigil niya sa akin."Baka gusto mong itali uli kita"Natawa nalang uli ako kasi naalala ko na naman yung ginawa niya.
"oo na sige na. Mag-ingat ka hah"
"Ako pa ba"Inihatid ko siya hanggang labas tapos umalis na siya.
Pumasok ako sa loob.
Umupo sa sofa.
At naalala ko si Trisha.
Minsan okay din pala na magkasakit.
Kung anong sinama ng pakiramdam ko, siya namang ikinasaya ko.
BINABASA MO ANG
Playing the Game called Love
RomancePara sa mga nasaktan, umasa at patuloy na umaasa, Kamusta kayo?