Naging mabait sakin si Michael. Hatid-sundo, palaging nagttxt, palaging natawag. Nakakakilig. Nandun siya nung mga panahong nangungulila ako sa bestfriend ko.
"Doink" yung cellphone ko tumunog. May nagtext.
From Michael Reyes
'GoodMorning Trisha. Bangon na. Susunduin kita. '
Nagreply naman ako.
To Michael Reyes
'Di ba may pasok ka? '
Ang alam ko kasi, driver siya sa umaga. Tapos nagttrabaho din siya sa restaurant kapag gabi. Ansipag niya no?
"Doink" yung cellphone ko uli. Ambilis niya magreply. Fast replies make me feel special.
From Michael Reyes
Oo. Pero walang maghahatid sayo diba?
To Michael Reyes
Kaya ko naman mag-isa ehh
From Michael Reyes
I wanna make sure you're safe.
To Michael Reyes
Kaya ko. I'll be fine.
From Michael Reyes
Payagan mo nako. Please. Sige na bihis ka na. Otw na ako.
Hindi nako nagreply at nagmadali nakong magbihis. Hindi ko namalayan na naglagay pala ako ng make-up. I don't usually do this. And honestly, nagpapakipot lang ako kanina. I'm so happy na nag insist siya na sunduin ako. Kinikilig ako teh. Ampogi niya pa. Mayyggaaaddd.
Tapos nakong mag-ayos ndang saktong dumating si Michael.
"Michael, pasok ka. Baka gusto mong magkape muna" sabi ko.
"Hindi na. May pasok din ako eh. Dumaan lang talaga ako dito para sunduin ka" sabi niya. Nag-init yung mukha ako. Pinigilan ko pero hindi ko kaya na itago ang ngiti ko. Effort yun eh. Yung isingit niya ako sa busy schedule niya. Kinikilig ako. Sh*t hihi
Sumakay nako sa kotse niya. Inilalayan niya ako pagpasok tapos pati seatbelt ko siya pa ang naglagay.
"You look good " sabi niya.
Kinikilig talaga ako.
"Thank you " nasabi ko nalang.Pagkahatid niya sakin umalis na din siya. Nagring yung phone ko.
Si Michael? Bakit kaya?
Sinagot ko.
"Hello" sabi ko. "Bakit" tanong ko.
"Namiss agad kita" sabi niya.
Bakit ba expert siya sa pagpapakilig sakin."Kakahiwalay palang natin" sabi ko.
"Huh? Hindi panga tayo hiwalay na agad? " sabi niya.
"Tange" sabi ko ng patawa. "Kakababa ko lang sa sasakyan mo" sabi ko.
"Ah ganun ba. " sabi niya na alam kong nanloloko din "Ano bang meron ka ayaw ko nang mapalayo sayo eh" sabi niya.
"Baliw ka" nasabi ko nahlang kasi kinikilig na talaga ako.
"Baliw nanga ata ako sayo" sabi niya.
"Di ba nagddrive ka? " tanong ko. "Delikado yan ahh. Mamaya ka nalang tumawag kapag nakarating ka na" sabi ko.
"Ayoko nga. Baka maunahan pa ako ng iba ehh" sabi niya.
"Maunahan saan? " tanong ko.
"Sayo" sagot niya.
"Bakit sakin" sabi ko
"Sobrang ganda mo kaya. Wala akong dapat sayangin na oras baka maunahan pa ako ng iba" sabi niya na nagpakilig naman sakin.
I don't suppose to feel this way. Kakakilala ko lang sa kanya at ako ang tipo ng babaeng suplada. Pero bakit ganun? Hindi ko siya matarayan? Imbis na binabara ko yung mga kakesohan niya, kinikilig pako. Bakit ako naapaektuhan? Michael Reyes, anong meron ka?
BINABASA MO ANG
Playing the Game called Love
Любовные романыPara sa mga nasaktan, umasa at patuloy na umaasa, Kamusta kayo?