Umuwi na agad kami kasi hinahanap na kami nung nanay ni Angel. Kailangan na din daw kasi naming mag-ayos para sa party mamaya.
Ngayon damang dama ko na ang yaman ng pamilya ni Angel. Nakakaloka may nag-aayos sakin from head to toe at panay sosyal pa ang pinapasuot nila sakin. Welcome party lang naman yung mamaya. Nakakaloka. Eh sa tinagal tagal kong nabubuhay, ni minsan hindi pako nakakapagsuot ng ganito kahit sa birthday ko.
Well, I just wanna feel this moment.
"Hanep mukha kang tao ngayon" sabi saakin ni Angel
I'm wearing a red and black na dress kaya may pagka elegant yung dating. Yung buhok ko kinulot at nilagyan din nila ako ng make up.
Honestly, sa mga oras na to, iniisip ko kung ano kaya ang magiging reaksyon ni Michael kung nakita niya ako sa ganitong itsura? Magmamakaawa kaya siya para balikan ko siya?
"Nahiya naman ako sa suot mong tapis" sabi ko kay Angel.
Nakasuot kasi siya ng fit na fit na pink dress . Pero bagay sa kanya kasi kitang kita ang hubog ng katawan niya. Sobrang sexy niya naman kasi talaga eh.
Eh ako? I'm not sexy pero hindi din ako mataba.
Teka. Ano ba to? Hindi ko tuloy maiwasang ikumpara ang sarili ko kay Angel. She is my best friend pero ganun naman talaga kapag may pinagseselosan ka diba? Hindi mo maiiwasang ikumpara ang sarili mo sa kanya. But I love Angel more than my insecurities. At hindi ko kayang magalit sa kanya dahil lang nalaman kong mas malapit pala sa kanya ang lalaking nanloko sakin.
"Knock knock " narinig kong sabi ni Harold habang kumakatok.
"Who's there? " tanong ko.
"Si Harold to" sabi niya.
"Si harold to who? " natawa lang si Angel sa ginagawa ko kasi alam niyang pinagttripan ko na naman si Harold.
"'SIHAROLDTOmalon sa bintana. Bali bali buto" pagkanta ni Harold."Buksan mo na. Nakakaadwa" sabi ni Angel.
I do as I'm told.
"Ba't ang mais mo? " bungad ko."Kung binuksan mo lang sana agad edi sana hindi mo na narinig yung ka cornyhan na yun" sabi niya. Tapos tinitigan niya ako "Tao ka na"
"Pag-untugin ko kaya kayong dalawa""Compliment yun. Tanga" sabi ni Angel.
"So utang na loob ko pa. Ay di salamat" sabi ko.
"Welcome " sabi ni Harold. "Tara na sa labas"
Tapos lumabas nanga kami. Evening party ang drama nila. May mga kung anu-anong seremonyas sila pati yung pagpapakilala kay Joshua kasi siya pala yung pinsan ni Angel na kadadating lang. Pinakilala din nila si Angel para malaman naman nung ibang kamag-anak nila ang existence ni Angel. Si Harold naman pinakilala nung nanay ni Angel dun sa isang doctor. Nakahanap pa ata ng scholarship ang loko. Yun kasi talaga ang pangarap nila ni Angel eh.
Ako naman. Eto iniwan nilang nakaupo. Nanunuod sa kanila. Naghihintay kung kelan nila babalikan.
"Babe" may narinig akong nagsabi pero hindi ko pinansin kasi baka masabihan pa ako ng tsismosa
"Huy babe" lalande naman nito. Mas lumakas pa yung pagkakasabi. Parang mas lumapit pa saakin.
"Hi babe" binulong saakin ni Joshua. Napasigaw tuloy ako kaya nagtinginan sakin yung mga tao. Pati yung nagsasalita sa microphone tumingin sa akin.
Nakakahiya
"Sorry everyone. Nagulat ko ata siya. Please continue " sabi ni Joshua.
"Sorry po" sabi ko.
Tapos nagbalik na sila sa dating buhay nila.
"Anong problema mo" mahina pero pagalit kong sabi kay Josh
"hindi ka kasi nalingon anlakas na kaya nung tawag ko. Binulong ko nalang"
"Aba malay ko bang ako ang tinatawag mo. Babe ka kasi ng babe ginawa mo pa akong baboy"
"Eh kanino kaya nanggling yung babe na yun. Diba sayo din"*Flashback *
Naiinis ako.
Naiinis ako kasi nakikita ko yung sarili ko sa babae.
Paano ako hindi maiinis sa mga lalaki niyan. Kung wala naman talaga silang ginawa kundi magpa-iyak ng babae.
"Babe" sabi ko. Pasensiya na hindi nako makatiis eh. Lumapit ako sa kanila.
"Trisha? " gulat na sabi sakin ni Joshua.
"Siya ba? Siya na ba? " tanong nung babae.
"Oo. Pasensiya na Sandy " pakikisakay naman ni Joshua.
"No. I don't believe you. You love me. You love me, don't you? " tanong nung babae.
Hayy
Antang*. Sige ipagpilitan mo pa sarili mo. Baka magka award ka niyan. Push mo pa.
"Josh please" pigilan niyo ako sasampalin ko to.
"Pwede ba tumigil ka na? Nagmumukha ka nang desperada nagmumukha ka pang tanga" sigaw ko sa kanya.
"How dare you" sasampalin niya sana ako pero pinigilan siya ni Joshua. Kaya ako nalang ang sumampal sa kanya.
"Magising ka sana" sabi ko. Sabay walk-out.
*end of flashback*
Luh oo nga pala. Sa inis ko kanina nakisawsaw ako sa away nila nung babae .
"eh bakit ka ba kasi nandito"
"I own the house "
"Ibig kong sabihin bakit ka nandito sa tabi ko? "
"Masama ba? "
"oo"
"bakit? "
"Allergic ako"
"Sa gwapo? "
"Sa manloloko"
"Napaka judgmental mo naman. Papasalamatan pa naman sana kita sa pagtulong sakin kanina"
"Magkalinawan tayo. Hindi ko yun ginawa para sayo. Ginawa ko yun para dun sa babaeng pinaiyak mo"I stand up and said bravely
"Sa susunod na magpaiyak ka pa uli ng babae, bubugbugin kita"
Umalis na ako. Pumunta sa kwarto kasi hindi na ako nag-eenjoy sa party.
Hindi ko pa siya kilala pero galit ako sa lalake ngayon at wala siyang magagawa. Kung ayaw niyang matarayan wag niya akong lapitan.
BINABASA MO ANG
Playing the Game called Love
RomancePara sa mga nasaktan, umasa at patuloy na umaasa, Kamusta kayo?