"I'm sorry " yun lang yung sagot niya. "Hindi ko ginustong masaktan ka ng sobra pero sinadya kong lokohin ka" sabi ni Michael.
Bakit?
Bakit ako?
Sa dinami dami ng mamahalin ko, bakit siya pa?
Bakit ko kailangang pagdaanan to? Nagmahal lang naman ako. May mali ba dun?
Andami kong tanong. Hindi ko din napigilan ang sarili kong i compare ang sarili ko kay Angel. Believe me I didn't mean to. Kaibigan ko si Angel kaya ayaw ko siyang gawing ka kompetensya. Kaya lang. What if siya talaga ang gusto ni Michael? Pssible naman yun diba? Maganda naman si Angel, mabait, masarap kasama at higit sa lahat, lagi niyang kasama.
Sinampal ko ang sarili ko.
Ano ba ang nangyayari sakin? Mali to. Mali.
Waahh. Ang hirap maging broken hearted. Hindi ko akalain na ganito pala. Yung kapag napatitig ka hindi mo mamalayan na naiyak ka na pala. Yung hindi mo maiwasang i compare ang sarili mo kung kani kanino na pde mong pagselosan.kay rica, kay Angel. Yung sa lahat ng mapapanood ko, nakikita ko ang sarili ko.
Tumingin ako sa salamin. Maga amg mata. Hindi pa nagsusuklay. Mapula ang ilong. Ampangit ko. Bakit ako naniwalang maganda ako? Hindi naman ahh?
Pero ang pinaka mahirap sa pagiging broken hearted, yung kahit sobrang sakit na, mahal ko parin siya. Bakit ganon?
Kung sakaling magbago ang isip ni Michael at sabihing mahal niya parin ako, babalik naman ako ehh. Papatawarin ko siya. Tanga na kung tanga basta mahal ko siya. Tanga na kung tanga basta sa kanya ako sasaya.
"Utang na loob Trisha. Wag nga pong tanga" kinakausap ko yung sarili ko.
Pero hindi ko talaga kaya ehh. Mahal ko talaga siya.
I checked my phone kaya lang wala siyang text. Nagsend ako sa kanya ng message.
To Michael Reyes
Sige
Ayaw ko kasing magmukhang tanga ng bonggang bongga kaya nagtext ako sa kanya kunyari wrong send.
Hindi siya nagreply.
After an hour of waiting nagtext uli ako.
To Michael Reyes
Michael. Pwede bang ayusin natin to?
Ako ang niloko, ako ang nasaktan, ako pa ang aayos? Ano ba ang nangyayari sakin? Hindi ko talaga alam. Hindi talaga.
Dahil nakapag masteral nako sa course na pagpapakatanga, naisipan kong magpunta kina Angel nagbabakasakaling nandun si Michael.
"Trisha, napadalaw ka? " sabi ni Angel. "Okay ka na ba? "
"Hindi pa ehh" sabi ko. "Nandiyan ba si Michael? " tanong ko.
"Wala nga ehh. Nag-aalala nga ako ehh. Napasobra ata ako. Hindi ko kasi napigilan ang bunganga ko nung nalaman kong niloko ka niya. " sabi ni Angel.
"Hindi pa napasok? " tanong ko.
"Hindi pa simula nung gabing yun. " sabi niya.
Nasaan na kaya si Michael? Miss na miss ko na siya.
BINABASA MO ANG
Playing the Game called Love
RomancePara sa mga nasaktan, umasa at patuloy na umaasa, Kamusta kayo?