"Harold, Harold gising na" sabi ko.
"Ang aga pa ah" Sabi niya. May pag-inat pa.
"Magbihis ka na. Ngayon ang alis namin ni Angel di ba? Ihatid mo ako sa kanila" sabi ko.
"Sabihin mo sa kanya daanan ka nalang dito" sabi niya.
"Cannot be. Out of the way " sabi ko.
"Papayag yun" sabi niya.
Kapag hindi madala sa pakiusapan, idaan sa muscles . Hinila ko si Harold hanggang banyo binuhusan ng tubig."Ano ba" pasigaw na sabi niya.
"Psss" pagpapatahimik ko sa kanya."may natutulog pa. Bilisan mo na diyan" tapos umalis na ako at sumunod naman aiya sa sinabi ko. Uulitin ko lang, wala na siyang magagawa HAHAHA #NgitingWagi
Gaya ng sabi ko, nagmadali na kami, hinatid niya ako at...naku po patay. Heto na naman tayo. Paano ko sasabihin kay Harold na isasama ko siya?
Idaan sa pakiusapan?
" sige una nako. ingat kayo hah" sabi ni Harold.
"Ah teka. Sama ka please" sabi ko.
"Hindi pwede kakaleave ko palang madami akong naiwan na trabaho. "sabi niya.
Pag hindi madala sa pakiusapan, idaan sa muscles yan.
Papaalis na siya pero hinila ko siya pabalik.
"May papakita ko sayo" pinakita ko sa kanya yung laman ng isang bag na dala ko "Surprise " sabi ko tapos nakita niyang panay damit niya ang laman nun.
"Aba. Kaya naman pala hindi ko makita yung iba kung damit kanina. Konti nanga lang ang damit ko binawasan mo pa. ""Sama ka na " pamimilit ko.
"Hindi talaga pwede eh" sabi niya.
Pag ayaw parin sa muscles, idaan nalang sa beauty.
"Sama ka na hah" sabi ko ng nagpapacute.
Hayy ayaw parin niya. Kapag ayae parin sa all of the above ,idadaan ko nalang sa kahinaan ng mabait na kuya na kagaya niya. Ang pagpapaawa.
"Nahihiya kasi ako dun. Ako lang ang hindi nila kamag-anak. Kaya nga gusto sana kitang isama. Para hindi naman ako masyadong op sa kanila. Kaya lang kung ayaw mo talaga, sige okay lang" sabi ko ta.pos tumalikod na sa kanya at naglakad papalapit kay Angel na nanonood lang samin.
"Oo na sasama na" sabi ni Harold at napatalon ako. Happy. Yippie YEHEY!!!
BINABASA MO ANG
Playing the Game called Love
RomancePara sa mga nasaktan, umasa at patuloy na umaasa, Kamusta kayo?