CHAPTER 8

3 0 0
                                    

Wala naman sana akong problema kung wala akong pakielam ehh.

Bakit ba kasi nakikielam pako. Bakit kahit nasaktan ako, mahal ko padin siya?

Nag stay muna ako kina Angel. Nagbabakasakaling dadating si Michael. Isa pa wala namang kasama sa bahay si Angel. Nakakaloka. Anlaki pa naman ng bahay.

"Solo ka dito sa bahay na to? " tanong ko kay Angel.

"Kasama ko naman dito si Michael. Nagkataon lang na wala siya ngayon" sabi niya.

"Close kayo? " tanong ko.

"Anong tanong yan? Pinagseselosan mo ba ako? " tanong niya.

"Nagtatanong lang. Timang ka" sabi ko sa kanya.

"Magkaibigan lang kami. Wala kaming relasyon gaya ng inyo" sabi niya.

"Defensive" sabi ko.

"Pero mas matagal kami magkasama kesa kasama mo siya. Tandaan mo. Akin siya sa umaga" pang-aasar niya. "Sa restaurant siya sa gabi. " dagdag niya pa.

"Oh edi iyo na" sabi ko.

"Baka mga mas kilala ko pa siya kesa kilala mo siya ehh" sabi niya.

"Tadyakan kaya kita. Ako yung girlfriend bakit kinokompetensya mo ako" sabi ko. Kundi ko lang bestfriend tong babaeng to nasabunutan ko nato.

"Yieehh nagseselos na " sabi niya.

"Tse. Mas maganda ako sayo" pambibiro ko.

"Atheist si Michael " sabi niya tapos napatahimik ako. "Masyado siyang maraming pinagdaanan nung bata pa siya kaya ngayon, hindi niya kayang magtiwala sa kahit sino. Ayaw niya ding mag-invest na kahit anong emosyon sa ibang tao kasi sa pananaw niya, walang ibang dapat pagkatiwalaan kundi sarili niya" sabi ni Angel.

"Totoo ba yan? " tanong ko. Naispeechless ako ehh.

"Mukha ba akong nagjojoke? This face? " tapos tinura niya yung mukha niya" joke? "

"Oo eh" sabi ko.

"Hindi joke yun. Galing siya sa sobrang yaman at perpektong pamilya tapos biglang nasira dahil nagkaroon ng kabit yung tatay niya. Pinatawad naman nila kaya lang hindi na nila naibalik ng buo yung tiwala ehh" sabi niya "Hindi din nag work hanggang pati negosyo nila, nasira at naapektuhan" dagdag niya pa.

Wala akong masabi. Hindi ko kasi alam kung bakit sinasabi sakin to ni Angel. I mean, anong connect? Di ba? Anyway, it's a free country. Hinayaan ko nalang siya. Walang basagan ng trip kumbaga.

"Driver sa umaga, waiter sa gabi. Kinailangan niyang dalawa ang trabaho para maka survive. Ginawa niya libangan sa boring niyang buhay ang pambababae" sabi ni Angel.

Kaya pala sinabi niya na sinasasya niyang lokohin ako? P*tek. Sapat na bang dahilan yun?

Ibig sabihin lahat ng minahal ko tungkol samin libangan niya lang? Joke ba to? Lahat ng sakin totoo. Tapos yung kanya joke? Hayup.

Playing the Game called LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon