"Ikaw nga ang sadya ko eh, pero nandito ka na rin. So pasok sa office ko," paanyaya ni Josh at mabilis namang pinaunlakan ni Jarrred.
"Bakit ka nag-give way para sa'kin? Wala ka bang tiwala sa sarili mo?" usisa ni Josh. Nababakas din sa tinig niya ang lungkot kahit na-announce naman na siya ang magiging bagong CEO ng kompanya.
"Kung tiwala lang naman sa sarili, marami ako no'n. Baka ikaw ang wala, mukha ka kasing insecure pag nakikita mo ako. I bet you wished to be like me," biro pa ni Jarred na ikinangisi lang ni Josh.
"Sa'yo pa talaga? Na biglang naguluhan dahil sa babae? No way," pambubuska ni Josh.
Umarko ang kilay ni Jarred at bahagyang bumungisngis. "At least, hindi mo na kailangang gumawa ng kasinungalingan para sirain kami. Ngayon, nakuha mo ang gusto mo so ako naman, hindi ko hahayaang mawala ang gusto ko."
"Obvious namang mahal mo siya. Pansin na namin 'yon at mas napatunayan lang noong ipatanggal mo raw si Mr. Romulo sa mga shareholders ng kompanya. Saka, hindi gano'n tumingin ang isang lalaki kung wala kang gusto sa babaeng kaharap mo. Napatunayan ko na noong isang gabi na mahal mo nga si Leigh Anne. So, paano ba 'yon? Nadagdagan na naman ang utang na loob ko sa'yo dahil sa pag-concede mo." Kahit papaano'y nanghinayang din si Josh dahil mami-miss niya ang petty arguments nila ni Jarred.
"Wala 'yon, libre mo na lang ako kapag sumahod ka nang malaki bilang CEO. At sana, kahit busy ka, 'wag mong kalimutan ang pamilya mo. Okay?" Jarred gently tapped his former opponent's shoulder.
"Noted on this, Boss Jarred. Goodluck sa pag-amin mo," tugon ni Josh.
Binalikan niya si Leigh Anne at nagkasundo silang dumiretso sa tahimik na lugar, sa bahay bakasyunan ni Jarred. Binyahe nila papunta doon sa loob lamang ng dalawang oras.
"Bakit dito pa? Ano bang mayro'n?" curious na tanong ni Leigh Anne.
"Kasi hinihintay ka ng family ko sa loob. Tara na," ani Jarred at hinawakan nang marahan ang kamay ni Leigh Anne.
"Pero saglit lang. Ang bilis naman nito." Napayuko si Leigh Anne at napakagat-labi.
"Come on, pangarap mo 'to. Tinutupad ko lang. It's written on your diary, na kung magkatuluyan tayo, ipapakilala kita sa parents ko at saka tayo magpapakasal. Ikaw ang kauna-unahang babae na dinala ko rito kaya 'wag ka nang umarte huh?" Jarred teased.
Nanatiling parang tuod si Leigh Anne na 'di pa rin makapaniwala sa nangyayari ngayon. Wala siyang kamalay-malay na naisandal siya ni Jarred sa pader dahil wala pa siya sa wisyo.
"You don't have to doubt about it. Mahal kita, basta 'yon na 'yon," masuyong bulong ni Jarred. Unti-unti niyang inalapit ang mukha kay Leigh Anne at napapikit ito.
"Waiting for a kiss?" nanunudyong tanong pa ni Jarred. He also pressed his nose against Leigh Anne's cheek. He won't kiss her unless she say yes. Just a little tease will do.
Nang mamataang tumango si Leigh Anne, saka lang siya gumawa ng move. He gently gave her a kiss. It's also part of Leigh Anne's dream. Finally, hindi na siya magnanakaw ng halik gaya nang ginawa niya kay Jarred noon sa library. Ngayon, siya na lang ang magsasawa.
Milyun-milyong boltahe ng kuryente ang biglang nanalatay sa kanyang katawan lalo nang tugunin niya ang halik nito. Sa sobrang kilig ay naikawit niya ang magkabilang braso sa leeg nito at ilang minuto pa ang lumipas bago sila huminto.
"Mahal mo pa rin talaga ako, I can tell it by the way you kiss me," hingal na sambit ni Jarred.
"Wala namang nagbago. Salamat. Paano pala kapag nalaman nila?" Bakas ang pag-aalala sa boses ni Leigh Anne.
"No need to worry, pinaubaya ko na kay Josh. Sinabi ni Klein na magkasabay na kayong aalis patungong Beligium. Puwede bang sumama? Para makilala ko ang tatay mo."
"Oo naman, I love you!" wala nang pag-aalinlangang bulalas ni Leigh Anne.
"Mas masarap palang marinig kaysa mabasa lang. I love you more," masuyong turan naman ni Jarred at ginawaran ng mahigpit na yakap ang dalaga.
Never in his life before that he will think of prioritizing his lovelife over his career. Pero wala siyang pagsisisi, masaya palang umibig sa isang tao na hindi man lang nagsawang mahalin siya sa kabila ng mahabang panahon.
Wakas.
—Michielokim
BINABASA MO ANG
My Shy But Lovely Assistant [FINISHED]
HumorJarred, a CEO wannabe, has to prove that he can show his corporate skills without his uncle's connection. In order to do his tasks well, the company hired a lady assistant who seemed unforgettable to him because he had an embarrassing past with her...